Aura

5 1 0
                                    

"They're on the move."

Tiim-bagang akong tahimik na nakinig sa susunod na sasabihin ni Craige na seryosong nakatanaw sa tanawin sa garden sa labas ng glass wall nitong Castile.(pinaggaganapan ng mga meeting at pag-uusap ng mga highest officials at mga royalties. A private place.)

Ano bang kailangan nila?!

"That's what we're trying to figure out." Hindi pa ba sila kuntento sa paghahasik ng lagim sa mundo ng mga mortal kaya dito ulit sila manggugulo?

"What's the plan?" Tanong ko.

Nanahimik ang paligid at naghihintay sa sasabihin ni Craige. Siya ang pinakamalakas na Revee dito sa Academy at tinuturing din naming leader.

"Make sure to keep everyone safe. I've talked to the kings and queens." Panimula niya habang nasa labas pa rin ang tingin.

"Yesterday's attack is a code." Code?

"We caught one of the attackers. We tried to make him speak."

"Nagsalita naman boss?" He nodded.

"She's back to reclaim her dignity." Dugtong ni Craige.

Who?

"Sino boss?"

"Athena's cursed priestess" nagsinghapan kaming lahat sa narinig. Does he mean Medusa?

"Akala ko ba natalo na siya ni Perseus? Paanong buhay pa siya?" Nagsitanguan kami bilang pagsang-ayon sa tanong ni Air na himalang hindi bumabagyo.

"It might be connected to Athena's curse on her." Natahimik kaming lahat.

Bakit ngayon lang siya ulit nagparamdam? She became more powerful the day she was cursed and exiled by Athena. Paghihiganti nga lang ba ang goal niya o may iba pa siyang rason sa pagbabalik niya?

"Then Athena and Poseidon's dead for sure with her. Pero bakit code?" Tanong ni Terro pero hindi sumagot si Craige. Binigyan niya lang kami ng gagawin namin tsaka kami dinismiss dahil gabi na at may klase pa kami bukas.

Pagdating ko sa dorm nagtaka pa ako kung bakit tahimik. Alam ko bago kami pumunta sa Castile nandito si Nadine. Bigla akong siniklaban ng takot na baka kung ano na ang nangyari sa babaeng iyon kaya dali-dali akong naghanap sa loob ng dorm.

Inisa-isa ko ang bawat kwarto kahit cr, closet, bathroom, kusina at si terrace pero wala akong makitang ni anino ni Nadine. Shit!

Lumabas ako ng dorm, nakasalubong ko pa sila Jacky at Peachy na kasama sila Terro at Iron.

"O, Anong nangyari sa'yo Desiree? Bakit parang nagmamadali ka d'yan?" Tanong ni Peachy na hinawakan ako sa braso para mapatigil ako sa pagtakbo.

"Hinahanap ko si Nads. Wala kasi siya sa dorm." Nagmamadali kong sagot tsaka pilit na nagpupumiglas para magpatuloy sa paghahanap.

Bago pa makapagsalita si Iron ay may isang lalaking nagsalita mula sa gilid namin.

"Yung transferee po ba na gold ang buhok ang tinutukoy mo mahal na prinsesa?"

Napalingon kaming lima sa isang estudyanteng biglang sumulpot mula sa hindi namin alam saan. Ano raw? Transferee na may gold ang buhok? Iisa lang naman ang transferee ng academy pero hindi gold ang buhok niya kundi brown.

"Kung nakita o nakilala mo yung kasama namin ni Sophie nu'ng nakaraang araw iyon ang tinutukoy ko." Nagtataka ko pa ring sagot. Napatango siya na lalo ko'ng pinagtaka.

"Opo siya nga po mahal na prinsesa. Pinatawag po siya kanina ni Headmaster." Sagot niya sa akin tsaka siya nagpaalam na umalis.

What the?

Revee Academy (On-Going)Where stories live. Discover now