Napaluhod ako sa panginginig ng mga tuhod ko. Nakikita ko pa din kung anong kahayupan ang ginagawa nila sa ate ko.

Nakikita ko din kung paano siya magpumiglas sa kanila na walang awang binababoy siya.

"Ayun siya!" Napatakbo ako palayo ng may mga lalaking papalapit sa direksyon ko. Mawawalan ng saysay ang sakripisyo ni ate kung mahuhuli nila ako. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa madapa ako sa gitna ng kalsada at nakita ko ang isang nakakasilaw na liwanag na parating. Ang kotse niya. I smiled at the thought. He's here again to save me.

"Chrisianne! Shit! Let's go parating na ang mga pulis dito." Sabi niya at inalalayan niya akong tumayo at lumakad palapit sa kotse niya.

Pero bago pa man ako makasakay sa kotse may humablot kay Andrew at agad siya nitong sinuntok. Nakabawi naman agad si Andrew at pinagsusuntok din nito ang lalaki pero nagulat kami ng may sumulpot na isa pang lalaki at sinaksak si Andrew sa dibdib na ikinatumba nito at siya namang pinagtulungan nilang lahat si Andrew na wala ng laban.

"Hindi! Andrew lumaban ka! B-babe lumaban ka! Tama na!" Paulit - ulit kong sigaw sa kanila na tuloy pa din sa pagbugbog sa kaniya. N-no... N-no!

"TAMA NA!!!" Buong lakas kong sigaw sa kawalan umaasang magkahimala at magising na ako sa bangungot kong to.

"Shit! Tol tara na andyan na yung mga pulis!" Agad kong narinig ang mabilis na karipas na takbo nung mga nambugbog kay Andrew. Nilapitan ko ito at binuhat ng kunti para maihiga ko siya sa hita ko. Iyak lang ako ng iyak.

Revee Academy (On-Going)Where stories live. Discover now