Nagkunwari itong nasaktan ang damdamin sa sinabi niya. Lalo lamang siyang natawa. Sinamantala iyon ng binata. Habang tumatawa siya ay ipinatong na nito ang kamay niya sa balikat nito at hinawakan ang isa. Her laughter died in her throath as Rolf started to sway her gently.



Then he started humming. Tila siya dinala nito sa isang mundo na silang dalawa lamang ang nag-eexist. Everything was perfect. Bilog na bilog ang buwan at punong puno ang kalangitan ng mga bituin. Nasasamyo niya pa ang bango ng mga bulaklak sa paligid. May mga alitaptap pa. Wari'y isang eksena iyon sa isang romantikong pelikula na siya ang bida at si Rolf ang hero niya.



Sa unang pagkakataon ay wala siyang nakapang pagtutol sa dibdib sa ideyang iyon. Na para bang mula sa sandaling iyon ay iyon na ang pangarap ng puso niya. Hindi niya na napigilang maihilig ang ulo sa matipuno nitong dibdib at mapapikit. Masaya siya. Masayang-masaya.



Naalarma siya sa tinutumbok ng isip niya. It was something she never thought before.



Diyata't nahuhulog na siya ng tuluyan kay Rolf?



"Bukas ay gusto kong makilala mo ang pamilay nila Pringles at Savannah. Sila ang nag-welcome sa akin dito. Gusto kong pormal na makapagpaalam sa kanila," wika nito pagkatapos ng matagal na sandali.



Tiningala niya ito. "Magpaalam?" naguguluhan niyang tanong.



"Babalik na ako sa inyo, Tinley. Hindi ko ba sinabi sa'yo 'yun nang bumalik ako?"



"P-Pero ang akala ko ay pansamantala lang..." she was starting to feel some relief. Noon niya lang napagtanto na all this time ay pinipigilan niya ang sariling umasa na hindi na nito lilisanin pang muli ang tahanan nila...that she was hoping he would stay...



"I thought I made it clear bago pa man tayo umalis ng Manila." Lumarawan ang insekyuridad sa mukha nito. "Ayaw mo ba? Pwede naman akong mag-rent ng bahay malapit sa inyo tulad ng suhestiyon mo pero—"



Bago pa man niya napigilan ang sarili ay napatingkayad na siya at nahagkan ito. It was meant to silent him, dahil wala namang kabuluhan ang mga sinsabi nito. Masaya siya sa desisyon nito at nais niyang makasama itong muli sa iisang bahay.



Habang-buhay.



Hanggang sa nakita niya ang gulat sa mukha ni Rolf. Natauhan siya dahil doon. She wasn't meant to kiss him, basta na lamang ginawa ng katawan niya iyon na tila may sarili iyong pag-iisip. Hindi kaya dahil subconsciously ay iyon ang nais niyang gawin?



Nagsimula siyang humiwalay dito, hiyang-hiya sa sarili. Ngunit bago pa man niya tuluyang magawa iyon ay hinuli na ni Rolf ang mukha niya at mas pinarubdob pa ang halik na kaniyang sinimulan. Suddenly he was in control. Hinagkan siya nito ng puno ng pag-aangkin. At natagpuan na lamang niya ang sarili na buong alab na tumutugon dito.



Bumaba ang kamay ni Rolf sa batok niya, samantalang siya ay mas humigpit pa ang pagkakapit dito. Na animo matatangay siya kung hindi niya gagawin iyon.



Just when she thought it would never end ay saka naman tumunog ang cellphone niya. Kapwa sila tila nagising sa isang panaginip at naghiwalay.



Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Tinablan siya ng hiya. Ni hindi niya magawang tumingin ng diretso dito. Dahil hindi niya alam ang gagawin ay kinuha na lang niya ang cellphone sa bag niya at sinagot iyon. "Cram?"



"Tinley, nasaan ka?"



Natampal niya ang noo. Hindi niya pala nabanggit dito ang tungkol sa pag-alis nila ni Rolf. Naging abala ito sa mga gig nito sa probinsya na hindi na sila nakapag-usap matapos ng huli. Nagpaumanhin siya dito at ipinaliwanag kung nasaan siya.



"Mag-ingat ka diyan. Huwag kang aalis sa tabi ni Rolf."



Nabahala siya. "Bakit? May natanggap ka na naman bang note galing sa babaeng naka-violet?"

"Hindi, pero hindi ko maramdaman ang presensya niya, Tinley, hindi tulad ng dati buhat nang maging aware ako na ini-stalk niya ako. Sa palagay ko ay ikaw ang sinusundan niya. It was just a hunch. Pero mabuti nang mag-ingat tayong lahat hangga't hindi pa siya nahuhuli ng mga pulis."

"Okay. Ikaw din, mag-ingat ka din diyan."

"Thanks. I missed you, by the way."

Napangiti siya. Typical of Cram. Sweet at laging nami-miss ang mga kaibigan. "I miss you, too."

Nang matapos ang usapan nila ay ibinalik niya na ang cellphone sa bulsa niya. "He's missing you already?"

Napabaling siya dito. Nabaghan siya sa pang-uuyam sa tinig nito. "Tumawag si Cram para sabihing mag-ingat tayo."

"Hindi na ako magtataka kung bigla na lang siyang sumugod dito upang maprotektahan ka. But of course, abala siya sa pagpapasikat ng sarili."

Nag-isang linya ang kilay niya. Kani-kanina lang ay napakabait nito at kaysarap kasama. Paanong nalingat lang siya saglit ay nagbago na naman ito pabalik sa Rolf na kinaiinisan niya? At bakit tila galit ito kay Cram? May atraso ba dito ang binata?

"Rolf, anong problema mo kay Cram?" Hindi niya na natiis itanong dito.



Imbes na sagutin siya ay pagalit nitong dinampot ang kumot at wine saka nagsimulang pumasok sa loob. Sinundan niya ito. "Rolf, answer me," she demanded, nais malinawan.





Marahas itong pumihit paharap sa kaniya. "My problem is you kissing me! Masyado mo bang na-miss ang—damn!" Hindi nito tinuloy ang sinabi, bagkus ay padabog na binuksan ang pinto sa kusina at pumasok.



Natulos siya sa kinatatayuan, naguguluhan sa mga kakaibang kilos ni Rolf. Kaybilis ng mga pangyayri na wala siyang naintindihan sa mga iyon. Nais niyang tanungin ito sa dahilan ng galit nito ngunit natatakot siyang lalo lamang lumala iyon.



Pagpasok niya ng sala ay sinalubong siya ng ina. "Oh anak, may problema ba? Bakit nagkaganoon si Rolf?"



Nababaghang napailing na lamang siya. "Hindi ko rin po maintindihan, Ma..."



Ang sunod niyang narinig ay ang pagsasara ng pinto ng kuwarto nito. Nitong mga nakaraang araw ay hindi na nito ginagawa iyon. 

Ngayon lang muli. 



Mabigat siyang napabuntong-hininga.

***

[COMPLETED] When I'm with You (Romance/Mystery)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora