Chapter 39 :))

13.8K 207 34
                                    

Vote and Comment! :)

A/N:Isa nalang! Huhu! :( Magbababay na ako kay Dom! :(

Anyways! GUYYSSSS! Pleaseee!! Try niyo pong basahin ung INVISIBLE! :) Visit my profile please? Pretty please? Lumuluhod na ako please? XD Haha. Anyway..HAPPY READING! KEEP SUPPORTING! :)

••••••••••••••••••

(Christine's POV)

"Your child?!"-Takang tanong ni Steve. Napatayo rin si Kuya Ace at hinihintay ang magiging sagot ni Dom.

"Yes Steve..my child"

Lahat nagulat. Kahit ako. Pero paano? May relasyon ba sila? Diba nga mahal ni Maurine si Steve? So bakit?!

Nanlumo ang itsura ni Steve. Napaupo siya at malalim ang iniisip. Gusto ko siyang yakapin sa sandaling to. Gusto kong iparamdam sakanya na andito lang ulit ako sa tabi niya at handa siyang damayan.

"What are you saying Dominique?!"-Sigaw ni Mama(Alice).

"She lied to all of you. The DNA--"-Pinutol agad ni Kuya Ace ang sasabihin niya.

"DNA?! At anong kinalaman niyo sa resulta nun?!"-Nakakunot na tanong sakanya neto.

"She planned it out. Ayaw niyang malaman niyo totoo. At..kasama niya ako."

Napaangat ng tingin si Steve kay Dom at mabilis na dumapo ang kamao nito sa mukha niya.

"STEVE!"-Awat ni Papa at dinaluhan si steve na hingal na hingal.

Pinuntahan ko naman si Dom na nakahilata at hawak hawak ang panga. Tinulungan ako ni Kuya Ace sa pagtayo rito.

"Damn you!"-Bakas sa boses ni Steve ang galit at hinanakit niya kay Dom. Pinipigilan siya ni Papa na makalapit samin na kung saan nasaan si Dom dahil baka sunggaban nanaman niya to.

"Inaamin ko ang pagkakamali ko. Gusto kong humingi ng tawad. Nabulag ako sa pagmamahal ko kay Louise... Hindi na ako nakapagisip ng tama. Oo desperado akong makuha si Louise noon.. Kaya kahit ang makipagsabwatan kay Maurine...ginawa ko."-Pagamin ni Dom sa kasalanan niya. Hindi na napigilan ni Papa si Steve kaya bumulagta nanaman si Dom.

"STEVE! TAMA NA!"-Awat na sakanya ni Mommy. Hindi na ako nakagalawa sa kinatatayuan ko. Umiiyak na rin ako.

Hindi ko kasi aakalaing si Dom pa... Si Dom na pinagkakatiwalaan ko.

"Gag*! Kung mahal mo talaga siya..hahayan mo na siya!"-Sigaw ni Steve rito at kinwelyuhan pa. Inilayo ulit siya ni Kuya Ace.

"Bakit Steve? Para malaya na kayo? ALAM KO! Alam ko lahat! Kaya ba pumunta si Louise sa New york?! Para malayo sayo?!"-Sigaw pabalik ni Dom.

"Dominique.. Tama na.. Please... Umalis ka na."-Si Mama na yung nagsalita. Natigil si Steve at Dom.

"Hindi ako aalis. Ako ang ama ng bata. Ako! Balak nanaman kayong lokohin ni Maurine sa nalalapit na kasal ninyo Steve. Kaya siya nagmamadaling magpakasal sayo! KASI YUNG DINADALA NIYANG TAO AY SAAKIN!"-Pagdidiin pa ni Dom atska hinawi ang kamay na nakahawak sakanya ni Kuya Ace.

Umiiling iling si Steve at napatalon ako ng sinuntok niya ang pader.
Mabilis na kwinelyohan naman siya ni Papa.

"Tumigil ka na Steve! Wake up son!"-Bulyaw nito. Binitawan na niya ito ng marahas kaya napaupo si Steve sa sahig at napasabunot sa buhok niya.

"Everyone..."-Napatingin kaming lahat sa pintuang bumukas. Lumapit ako..

"The patient is running for her life. Lumabas na ang bata. Now she requested to talk to Christine? And.. Steve?"-Nagkatinginan kami ni Steve. Bumuhos nanaman ang mga luha ko. Pati si Mama(Alice) ay humagulgol na sa bisig ni Mommy.

My Possessive Brother Where stories live. Discover now