Chapter 34 :))

11.3K 158 21
                                    

Vote and Comment!:))

A/N:Okay so.. Bago po ulit ang lahat.. Gusto ko lang linawin na hindi ko naman po kayo pinipilit na basahin ang story na to. Maybe nakabasa na kayo ng gantong theme na mas maganda pa ang plot kesa dito sa MPB.. Pero sana naman po.. Wag kayong magbato ng mga pahayag niyo na hindi ko naman sinasadyang hindi mo nagugustuhan or something na.. Masyado ng common ung mga nangayayare.. -,- You know kung nababasa mo man to ngayon (unknown) thank you padin dahil linabas mo reaction mo. But don't conclude yet girl. This story isn't done yet. I'm still working on it.

••••••••

(Christine's POV)

Buong gabi hanggang makauwi kami ni Steve hindi naalis sa isipan ko ang mga linyang sinabi niya. May pinanghahawakan na ulit ako sakanya. Naniniwala nanaman ako. Aasa nanaman ako. Pero sa pagkakataong to hindi ko na hahayaang bumagsak pa ako.

Eto na yung araw na pinakahihintay ni Tita Alice. Pumayag akong makuhanan ng dugo. Kung walang tinatago sina Mama hahayaan nila akong gawin to. At palabasin na hindi totoo ang sinasabi ni Tita Alice.

"You don't have to do this Tintin."-Madiin na sabi pa ni Kuya Ace. Papunta na kami dun sa ospital.

Naiirita na ako at nakukulitan. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagbibigay ng pagdadalawang isip sakin. Hindi na magbabago to kasi buo na desisyon ko.

"Just drive kuya."-Mahinang sabi ko atska tumingin sa labas ng bintana.

Nahagip ng kamay ko ang kwintas na binigay sakin ni Steve nung papunta kami dun sa party ni Maurine.(A/N:See chapter 28 !:))

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil kahit ilang ulit pa niya akong saktan at paiyakin.. Hindi ko kayang hindi siya bigyan lagi ng isa pang pagkakataon. What if malaman na to nina Mama at Papa?.. Kaya ko ba talaga ang mga consiquences? Mapapatawad kaya nila kame? Ako? Si Steve?

....

"I'm glad you came Scarlet"-Sinulubong agad ako ni Tita Alice. Nasa tabi niya si Maurine na masama nanaman ang tingin sakin.

Agad niya hinablot si Tita ."She's not Scarlet,Ma!.. Stop it!"-Matigas na sabi neto. Hinawi ni Tita alice ang kamay niya sa braso nito. Hindi niya pinansin ang sinabi nito sa halip ay ngumiti si Tita sakin pero kakikitaan mo ang lungkot ng mga mata nito.

"Tintin!"-Boses yun ni Mama. Napalingon kami ni Tita Alice sa likod ko kung saan nanggaling ang boses.

Hinigit ako ni Mama pero nahawakan din ako ni Tita Alice sa kabila. Napapikit ako ng mariin.

"Ma! Ano ba!"-Halata sa boses ni Maurine ang frustrations.

"Let go of my daughter Eloisa"-Nagbabantang sabi ni Tita.

"She's not your daughter to begin with Alice."-Sagot ni Mama.

Hindi na ako nagsalita sa halip ay marahan kong hinigit yung mga kamay ko. Pag pipiliin ko si Mama alam kong masasaktan ko si Tita Alice kahit papaano. Pag s Tita Alice naman mas lalo ko lang masasaktan si Mama. Okay lang na ako nalang ang maipit sa sitwasyong to. Ako ang puno't dulo ng kaguluhang ito.

"Louise!"-Boses ni Dom na bumasag sa katahimikan namin.

Inangat ko ang tingin ko sakanya. Puno ng pagtataka ang mga mata niya kaya hinawakan ko kamay niya at lumayo na muna doon.

"Tintin!.. Come back here baby..."-Tawag ni Mama.

"Uhh. Tita.. Ako na po muna bahala kay Louise... Tutal minutes pa po bago sila kuhanan."-Si Dom na ung humarap kay Mama.

My Possessive Brother Where stories live. Discover now