Niyakap siya ng ina. "I'm so sorry, anak. Hindi ko gustong maglihim sa'yo. Per iyon ang pakiusap sa akin ni Rolf."




"Iyon ang hindi ko maintindihan, Ma. Bakit? Bakit hindi niya ako ginustong kausapin ng mga taong nagdaan?"




Nang tingnan niya ang ina ay tila may nais itong sabihin. Tila alam nito ang sagot doon ngunit mas pinipiling huwag sagutin. "Si Rolf lang ang makakasagot niyan sa'yo, anak. Pero ang hiling ko lang sa'yo...huwag kang magalit sa kaniya. Bigyan mo siyang muli ng puwang diyan sa puso mo. Huwag mong kalimutan na naging matalik na kaibigan mo din siya."




"Yes, Ma, naging, past tense. Nakalipas na. He wasn't my bestfriend anymore. Wala ng rason para magkaroon pa siya ng puwang sa puso o sa buhay ko," matigas niyang sabi.



"I won't argue with that."




Sabay silang napalingon nang ina sa pinagmulan ng tinig. Nakita nila si Rolf na nakatayo malapit sa kanila. Kanina pa ba ito naroon?




"Do you always have the habit to eavesdropping on other people's conversation?" galit niyang sita dito, pasimpleng pinahid ang basang mga pisngi.




"I'm sorry, hindi ko sinasadya,' paumanhin nito.




Tumayo ang kaniyang ina. "Hihintayin ko na lang kayo sa may sasakyan."




Tumayo na rin siya, hindi nais maiwan kasama si Rolf. Ngunit tulad ng inaasahan niya, humarang ito sa harap niya. "Rolf, umalis ka sa harap ko. Ayaw kong makausap ka. Not now, not ever."




Ngunit hindi man lang ito natinag. "Alam ko, malaki ang naging atraso ko sa'yo. Alam ko ding magiging mahirap para sayo na i-welcome akong muli sa buhay mo. But please, all I'm asking is another chance..."




"A chance for what? Maging bestfriend ko ulit? Fat chance, Rolf." muli niyang sinubukan na lagpasan ito, ngunit hinaarangan lang siya nito.




"Okay. Naiitindihan ko. But just let me be with you. That's all I'm gonna ask, for now,' anito na may pakiusap sa mga mata.




Tila siya hinipnotismo sa itim na itim nitong mga mata. Paanong biglang gumanda ang mga mata nito? "W-why?"




"Because I miss you, sweetheart..."




Napaawang ang bibig niya. did Rolf just called her sweetheart? Ewan niya kung bakit pero tila may hatid na kiliti iyon sa kaniyang pandinig. "W-what?' parang tanga niyang sabi. heto na naman siya, nagugulo ang sistema.



"I said I miss you."




"O-okay." Kumurap-kurap siya. Pinilit na ibalik ang isip sa tamang katinuan. Pakiramdam niya ay nabato-balani siya ng ilang sandali. Marahan niya tinulak si Rolf upang makadaan siya. "Umuwi na tayo."




"You didn't say no. ang ibig sabihin ba nito ay—"




"Gawin mo ang gusto mong gawin," putol niya dito. Wala na siyang lakas pa para makipagtalo pa. Pakiramadam niya ay tuwing malapit ito sa kaniya ay may nangyayari sa kaniyang kakaiba. Hahayaan niya na lang ito sa nais nitong mangyari. Nakakasawa nang iwasan ito; magagalit o iiyak lang din naman ang kahihinatnan niya. she wanted to bring her life in order. Naroon man ito o wala.




"Thank you, Tinley." bago pa niya tuluyang malagpasan ito ay nahuli niya pa ang ngiti sa mga labi nito. It was a smile she used to see at the old Rolf...her Rolf.

***


What do you think of this chapter?

Don't forget to comment and vote. It will be highly appreciated. Please add/follow my Facebook account for updates on new chapters:

https://www.facebook.com/aji.lyndonwp.3

Here's the link for my Wattpad profile. Please feel free to follow for more stories in the future:

https://www.wattpad.com/user/AjiLyndon

Thank you! <3 

[COMPLETED] When I'm with You (Romance/Mystery)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum