Chapter Eighteen

1.6K 80 5
                                    

All he hears are loud screams and raging bullets everywhere while he is pinning his son down, shielding him from harm.

Nang narinig na niya ang pagharurot palayo ng sasakyan ay kaagad na siyang bumangon upang sana mahabol pa niya, ngunit nakalayo na ang mga ito.

Paglingon niya ay naroon na si Carrie, nakaluhod sa tabi ng anak nila. Itinulak niya kasi ito padapa kanina bago niya tinalon ang anak upang ihiga din at takpan ang munti nitong katawan gamit ang sarili.

"I'll follow them." Paalam niya at patakbong pumunta sa kung nasaan nakaparada ang sasakyan niya.

Ngunit hindi pa siya nakakalayo ay napahinto siya nang marinig ang pahisteryang sigaw ng babae.

"Oh no, my baby!" Tili nito. "Please, wake up, Baby Love. Mommy's here." Umiiyak nitong paki-usap.

Napabalik siya sa pwesto nito at tila may sumipa sa mukha niya nang makita ang duguang braso ng anak niya.

"Damn it!" Mura niya. "No, No! Not my son!" At saka lumuhod na rin sa tabi nito.

Halos mamanhid ang mga kamay niya nang hawakan ang katawan ng anak. Wala itong malay habang nilalagyan ni Carrie ng benda ang sugat nito.

"Please, let's get him to the hospital." Aya nito na nagpagising sa pagkakatulala niya.

Kaagad naman niyang binuhat na ang bata at isinakay sa sasakyan. He breaks some traffic rules just to drive fast. Habang hawak niya nang mahigpit ang manibela ay ibinubuhos din niya doon ang galit na nararamdaman. Kasabay niyon ang paninisi rin niya sa sarili.

If he was fast enough to cover his son, then he wouldn't have been shot. Or if he didn't asked them out to, they wouldn't have been tracked down by those motherfuckers! No one would've been hurt, no one would've been become the victim of this mass shooting.

No one should be blamed for this but himself.

Pagdating nila sa ospital ay hinarang sila at hindi na pinapasok pa sa emergency room. Panay naman ang iyak ni Carrie habang nakatanaw sa pintuan kung saan ipinasok ang anak.

"Please, please, save him. Save my baby." Pagmamakaawa nito roon na patuloy sa pag-iyak.

He doesn't want to see her like that so he did what he supposed to do. He hugged him from behind, to let her know that he's here.

"They will do their best to save him." He said, encouraging her.

She then turned around and hugged him back. Now he can also feel a little comfort from her. Coz that's the only thing they can do right now, which is to comfort each other until they can hear good news from the doctor.

Ramdam niya ang panginginig nito dahil sa kaiiyak.

"I'm scared Krae. W-what if.... What if he-"

"Shhhh. Stop. Calm down." Putol niya rito. Ayaw niyang isipin din ang iniisip nito. "He will make it. Our son is a tough boy. He's a fighter and he will make it." Habang hinahagod niya ang likod nito.

Humigpit ang yakap nito sakanya kaya naman hinigpitan din niya ang kanya. Maya-maya pa ay lumabas na din ang doktor para ibalita na ligtas na ang bata. Ililipat na lang daw ito sa kwarto mamaya upang makapagpahinga. Pareho silang nakahinga nang maluwag at kahit papaano ay nabawasan ang bigat sa dibdib niya gawa ng pag-aalala niya para sa anak.

Nang nailipat na ito sa kwarto ay doon niya nagawang pagmasdan ang bata. May benda ang kaliwang braso nito habang may nakatusok rito na suero. Naawa siya sa sinapit ng anak. Nadamay lang ito nang dahil sa kagagawan niya.

Tumunog ang telepono niya kaya iniwan na muna niya ang dalawa para lumabas at sagutin iyon.

"What happened?" Si Gunner na marahil ay nalaman na ang nangyari. "Kababalik ko lang dito sa HQ at ibinalita sakin ang nangyaring pamamaril kanina. May kumuha ng video at kahit hindi ka gaanong makita roon ay nakuhaan naman ang mag-ina mo."

S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon