Chapter Seven

1.8K 78 2
                                    

She wiped away her tears as soon as she ended the call. Hearing her son pleading about his father is really breaking her heart.

Kung pupwedeng lang talaga niyang kidnapin si Foster ay kanina pa niya ginawa at sapilitan niya itong isasama pabalik ng Pinas para sa kanyang anak.

Ngunit hindi naman niya kaya iyon. Bukod sa hindi tama ay ayaw din niya na ipakita ito sa kanyang anak na napipilitan lamang. Ang gusto niya ay hindi labag sa loob nito ang pakikipagkilala kay Crane dahil mahalaga sakanya ang mararamdaman ng anak.

Hindi na niya namalayan ang oras dahil sa pagkakatulala na niya. Nakarinig lang siya ng mahihinang katok sa may pintuan kaya't binuksan niya iyon.

"Come on. I've prepared a simple dinner." Aya nito sa kanya.

Sumunod naman siya sa labas at saka napataas ang isang kilay sa nakitang nakahain sa mesa.

"You call this simple dinner?" Habang nakaturo sa kanyang plato.

She didnt even bother to hide the sarcasm in her tone. She can't believed that he called that a simple dinner. It's a steak for pete's sake!

Alam niya kung gaano kamahal iyon dahil miminsanan na niyang gustong makakain din. Ngunit hindi niya magawang bumili dahil nanghihinayang siya sa pera.

"Yeah. It's just a steak. Nothing fancy about it." Simpleng sagot nito na mas lalo lang ikina-irita niya.

"Just a steak?! Eh sa pinas kapag umorder ka nito nasa libo na tapos isang kainan lang. Alam mo ba na ang katumbas ng presyo nito ay ilang araw na naming pagkain na mag-ina? Kaya wag mo sasabihin na 'just a steak' lang."

Kinunutan siya nito ng noo.

"Ano bang ikinagagalit mo? Ayaw mo ba niyan?" Eto naman ang parang nainis sa kanya. "Kung ayaw mo, eh di magluto ka ng iba."

Natameme naman siya dahil hindi naman iyon ang punto niya.

"Hindi na, okay na to. Gutom na ako eh." Sagot na lang niya at saka nagsimula na sa pagkain.

Talagang ninamnam niya ang steak na iyon at kulang na lang ay mapapikit siya sa sarap. Nagulat pa siya nang inilagay nito sa kanyang plato ang kalahati ng steak nito.

"Mukhang kulang pa sayo eh." At saka ito nagsimulang kumain.

Sasagot pa sana siya dahil naiinis siya na pinagmumukha siya nitong matakaw. Pero dahil sobrang sarap talaga ay hindi na lang siya kumibo at nagpatuloy sa pagkain.

"Thank you for the meal." Aniya na nakangiti.

Tinanguan lang siya nito at saka naunang tumayo. Kaagad naman siyang nakipag-agawan sa pagligpit ng mga plato dahil gusto niya na siya na ang maghugas. Nahihiya naman kasi siya na ito na nga ang nagluto tapos ito pa ang paghuhugasin niya.

"Nagamit mo na ba ang bago mong telepono?" Narinig niyang tanong nito sa kanyang likuran.

"Oo, nasubukan ko na kanina. Tinawagan ko ang anak nat-" napahinto siya saglit pero agad namang binawi. "..anak ko."

She even faked a cough to ease the tension between them. She feels awkward because he was standing behind her while she was busy washing the dishes.

"Mabuti naman kung ganun."

Naghihintay pa siya sa susunod na maaari nitong sabihin ngunit wala na. Pasimple niyang nilingon ang lalaki at tahimik lang itong nakasandal sa may kicthen counter habang tulala sa kawalan. Mukhang malalim ang iniisip at hiling niya na sana ay matauhan na ito at gustuhin nang kilalanin ang sarili nitong anak.

S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious BeastWhere stories live. Discover now