Chapter Fourteen

1.6K 85 3
                                    

Hindi makatulog si Carrie dahil sa kakaisip kay Krae. Nag-aalala siya para sa kaligtasan ng lalaki kahit na nakita naman niya kung gaano ito kagaling sa pakikipaglaban. Ninenerbiyos siya at ayaw niyang ipakita sa anak.

Mahimbing na natutulog na si Crane sa tabi niya sa loob ng kanilang kwarto. Pinili niya na doon na lamang matulog dahil sa wala naman ang lalaki at naiilang siya kung doon pa sila matutulog sa kwarto nito.

She was praying for him when she heard some noises from a distant. Sumilip siya sa bintana at wala naman siyang nakita kaya naman naalarma siya agad.

Fuck! What if they've already found us? What should I do?!

Kaagad niyang kinastigo ang isip upang alisin ang takot na nagsisimulang mamuo sa loob niya. Kailangan niyang ayusin ang sarili upang makapag-isip nang maayos.

She pulled out the gun that Dagger had given her from the bedside drawer. She needs to prepare herself in order to protect her son. Kramer is not around so she needs to step up and do the job.

Maingat siyang lumabas nang kaniyang kwarto at dahan-dahan siyang bumaba sa hagdanan nang walang ka-ilaw ilaw. Mahirap makakita sa dilim ngunit kailangan niyang gawin iyon upang hindi siya agad makita ng sinumang umaaligid sa bahay nila.

Nasa ibabang hagdan na siya nang marinig niya ang mahinang pagbukas ng main door. She almost stopped her breathing because her chest was thumping so loud. Ninenerbiyos kasi siya.

Hinigpitan na niya ang hawak sa baril habang nakasandal siya sa pader. Alam niyang may tao na sa loob ng bahay at papalapit na sa kinaroroonan niya. Napapikit siya at bumilang ng tatlo at pagkatapos ay huminga nang malalim bago dumilat.

And when she heard the footsteps coming near her side, she immediately pops out and aims her gun towards the intruder. Pero nagulat siya nang mabilis at walang kahirap-hirap nitong naagaw ang baril mula sa kanya.
Sisigaw na sana siya ngunit kaagad nitong natakpan ang kanyang bibig at naisandal siya sa may pader upang hindi siya makagalaw.

"Please don't scream." Wika nito sa kanya. "It's just me."

Doon siya huminto sa pagpapapalag nang marinig ang boses nito. Kaya naman binitiwan na siya nito nang hindi na siya gumalaw pa.

"What the hell was that?!" Galit niyang sita. "Muntik na kitang mabaril!"

He switched the lights on so that they can see each other.

"That is far from the truth. Hindi mo ako muntik mabaril dahil naagaw ko kaagad sayo ang baril mo. Remind me to teach you how to defend yourself. Just the basic skills to make it easy for beginners like you."

Ni hindi man lang ito naalarma sa nangyari at parang normal lang makipagusap sakanya. Samantalang siya ay mabilis pa din ang tibok ng puso niya dahil sa kaba.

"Seriously? Yan talaga ang naiisip mo ngayon?!" Inis niyang balik. "I'm still shaking you know?! Grabe ang kaba ko dahil akala ko pinasok na tayo sa bahay, yun pala ikaw lang! Pasalamat ka talaga at hindi ko nakalabit yung gatilyo, kundi nabaril na kita."

"As I said, that would be very impossible." Kalmado pa ding sagot nito na ikina-inis na niya. "Because I have a very good reflex and I act fast when-"

"Just stop, okay?!" She snapped. "Argh! What's wrong with you?!" Galit na talaga siya.

"Okay. I'm sorry."

Inirapan niya ito at saka naglakad papuntang kusina para kumuha ng tubig. Kailangan na niyang mahimasmasan dahil bukod sa kaba ay galit pa siya. Naramdaman niya ang pagsunod nito sakanya at ang pagtitig nito habang umiinom siya.

S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon