Chapter One

4.3K 107 2
                                    

"Intel confirmed. Twelve hostiles, three marines and four civilians." Kramer whispered thru his earpiece.

He was on a rescue mission in Iraq and he was sent to confirm if the intel that they've received about some UN humanitarian volunteers was being held captive.

Ipinadala niya ang sariling team niya upang pangunahan ang pagsagip sa mga hostage, ngunit nawalan siya ng komunikasyon sa mga ito kaya't alam niya na may nangyaring hindi maganda.

"Ghost one, you are not to engage. Unit two is on its way." Utos ng kausap niya sa kabilang linya.

"No time." Sagot niya pabalik na tumingin pa sa isang kasamahan niya na nasa tabi niya at naririnig din ang pinaguusapan.

Silang dalawa lang ni Corporal Eric Whitford ang sumugod roon upang iligtas ang mga ka-team nila sa US Marine Corp, kasama na ang mga sibilyan na nahuli.

Kita niya na isa-isa nang pinaluhod ng mga armadong Iraqi ang mga bihag habang tinututukan ng mga baril. Pagkatapos ay isang putok ng baril ang umalingawngaw at isang sibilyan na lalaki ang bumagsak dahil sa pagkakabaril sa ulo.

Aalma sana ang mga ka-team niya ngunit idiniin sa mga ulo nito ang baril upang magsi-tigil sila. Ang isang sibilyang babae naman ang humagulgol ng iyak habang sinusubukan na abutin ang napatay na lalaki.

"Fuck! Damn it!" Mariin niyang mura. "There's no time to wait." Aniya dahil nag-aalala na siya sa mga susunod na maaaring mangyari.

"Do not engage. That's an order!" Ma-awtoritadong wika ng kanyang superior sa kabilang linya.

Napalingon siyang muli kay Eric na para bang sinasabihan niya ito sa pamamagitan ng mga mata na maghanda. Umiling naman ito sa kanya dahil naintindihan nito ang ibig niyang sabihin at alam nito na hindi maganda ang naiisip niyang desisyon.

"They're my team and they can't wait any longer. They're going to kill them If I don't make a move."

"Stand down, Sergeant Foster!" Sigaw sa kanya ng pinuno.

"I won't." Mariin niyang wika. "I cannot fail my team."

Pagkatapos niyon ay pinatay na niya ang komunikasyon niya at hinanda ang sarili sa pagsugod na gagawin.

"I don't think this is right Sarge. We have an order." Pigil sa kanya ni Eric.

"Screw that order!" Anggil niya. "On my count, I want you to run to your right and fire on them, while I'm going straight thru them." Utos niya.

At pagbilang nga niya ay sabay na silang sumugod bago pa magawang pumatay muli ng mga armadong lalaki.

He fired at those men while he was shouting an order for his other teammates who got themselves armed instantly and covered the civilians.

"Sarge!" Sabay-sabay na tawag sa kanya ng mga kasamahan na nabihag.

"We knew you'd come and rescue us."
Ani ng isa.

"I told you that he won't leave us here to die." Wika naman ng isa na tumapik sa kanya sa balikat.

"Sarge has always got our back." Dagdag pa ng isa na kahit maga ng mukha ay nagagawa pang ngumiti nang malapad.

S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon