Chapter Two

2.5K 87 17
                                    

"It's a cliche, but like all cliches, it's the truth. Your life can change overnight. Or in a moment." Ani Carrie sabay kibit balikat.

"I totally understand you." Sagot naman ng kaibigan niyang si Porsche.

Napagkwentuhan na naman kasi nila ang mga nangyari sa kanya nitong nakaraang taon. Nagbago bigla ang buhay niya isang araw at wala na siyang nagawa kundi ang tanggapin iyon.

One day she received a call from a hospital saying that her sister- Carina died while giving birth. She instantly flew to the USA to bring her newly born baby boy and her lifeless body back here in the Philippines.

Matagal silang hindi nagkita ng ate niya at hindi niya lubos maisip na sa ganoong pagkakataon sila muling magkikita. Isang malamig na bangkay na ito habang naiwan nito ang isang munting anghel.

Lumayas ito noon sa bahay nila at sumama sa nobyo nito. Naging pasaway ang kapatid niya magmula nang mamatay ang kanilang ama dahil sa atake sa puso. Silang mag-iina na lamang ang magkakasama ngunit napagod na ang kanilang mommy na paulit ulit itong pinagsasabihan kaya't hinayaan na lang nila ito na gawin ang gusto nito.

Ang huling naging pag-uusap nila ay noong sabihin nito na may bago na itong nobyo at isang mabuting lalaki daw iyon. Isasama daw ito sa Amerika at doon magsisimula ng bagong buhay.

At dahil galit pa rin ang mommy  nila rito ay pinagbawalan siya na makipag-usap sa kapatid, kung kaya't wala na silang naging anomang balita tungkol rito.

Isang araw ay nabalitaan niya mula sa malalayong kamag-anak nila na nasa States na mukhang maganda na daw ang buhay ng kapatid niya. Palagi daw itong nagpupunta sa iba't ibang bansa kasama ang nobyo nito na hindi nila pa rin alam ang pangalan.

Kaya nagulat siya nang walang nobyong naroon nang mamatay ang ate niya sa panganganak. Pinabayaan ng lalaking iyon ang kapatid niya habang pinagbubuntis pa nito ang pamangkin niya.

Masakit para sa kanya na ganoon ang naging kinahantungan ng buhay ng kapatid at lalo na ng batang naiwan nito. Pero nangako siya na aalagaan at mamahalin niya ang bata na parang tunay na niyang anak. At doon nga nagbago ang takbo ng buhay niya.

Nang maiuwi na niya ang pamangkin ay pinalaki nila ito kasama ng kanyang ina. Mahirap ngunit nakakayanan niya dahil kasama niya ang mommy niya. Ngunit isang taon lang ang nakalipas ay nagkasakit din ang ina at saka pumanaw.

Simula noon ay hindi na naging madali sakanya ang lahat. Mahirap magpalaki ng isang bata na mag-isa. Bigla siyang naging instant single mommy. Hindi naman din ganoon kalaki ang sinasahod niya bilang isang nurse kaya't may mga pagkakataon na napipilitan siyang mangutang lalo na kapag sa tuwing nagkakasakit pa ito.

Sa isang simpleng apartment lang siya nangungupahan dahil naibenta na nila ang dating bahay para maiuwi ang bangkay ng Ate niya. Pagkatapos ay may pinapasweldo pa siya na yaya dahil wala siyang pupwedeng pag-iwanan ng anak niya kapag pumapasok siya sa trabaho. Isa pa ay pinag-aaral na din niya ito sa isang pre-school na malapit sa bahay nila kaya't kayod kalabaw talaga siya upang kumita lang ng pera.

Her life turned around four years ago, but it turned more beautifully when her son, Crane came. She named him similarly after his father's name but uses her and her sister's first name letter- C.

Yes. Nalaman niya ang pangalan ng ama ni Crane dahil sa dog tag na nasa bag ng kanyang ate, kasama ang isang litrato nito. Sergeant Kramer Foster. Isang dating US marine corps na natanggal sa serbisyo at walang nakakaalam kung nasaan na ito.

S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious BeastWhere stories live. Discover now