Chapter Seventeen

1.6K 83 8
                                    

She saw some changes in him, especially after she gave him advice about embracing his new self. He seems to be opening himself a bit more towards her and Crane, which has a good effect on their relationship.

Ngunit naroon pa rin ang malaking tanong sa isipan niya. Ano nga ba ang relasyon na namamagitan sa kanilang dalawa bukod sa pagiging magulang nila sa bata.

Ramdam niya na may namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa. Kakaibang tensyon na hindi niya maipaliwanag. Masaya siya sa ipinapakita nitong atensyon sa kanya ngunit kasabay niyon ay natatakot din siya dahil baka malaman nito ang itinatago niya.

She was trying so hard not to let him get close to her, well... physically close to her. Iba kasi ang nagiging epekto ng sarili niyang katawan sa tuwing nagkakadikit sila.

Kagaya na lang ng nangyari sa kanila kanina lang. They kissed and it was a good one. She almost gave in but she has controlled herself at the end to push him.

Magulo ang isip niya sa kung ano nga ba ang nararamdaman niya sa lalaki. Clearly, she feels something for him but doesn't know what it is. She is not the jealous type of person but somehow she's becoming one.

Kahapon kasi ay narinig niya itong may kausap sa telepono. Alam niyang tungkol iyon sa trabaho at kinukumusta ang mga kasamahan. Noong una ay hindi niya masyadong inintindi ang pag-aalala nito masyado sa kasamahan na tinawag nitong Archer. But something just snapped at her when he heard him called the woman by her real name- Avery.

Medyo nakaramdam siya ng inis dahil hindi naman ito ganoon kapag nag kausap nito ay si Gunner o yung isang nag-ngangalang Hacker. Iba ang pag-aalala nito para sa babae at ayaw man niyang aminin ay nagselos talaga siya.

Kaya sa tingin niya ay tama lang na dumistansiya muna sila sa isa't isa. Dahil bukod sa takot siyang malaman nito ang lihim niya ay natatakot din siyang mahulog nang tuluyan ang loob niya rito at masaktan. Kahit saang anggulo kasi niya tingnan ay siya ang talo, siya ang masasaktan sa huli.

Subalit nang makita niya ang ginawang paghabol ng anak niya sa lalaki na hindi man lang lumingon at basta na lamang umalis ay naisip niyang hindi lamang siya ang masasaktan kundi pati ang bata.

They need to sort their relationship with each other for the sake of Crane. Lahat ng gagawin nila at mga bagay na pagdedesisyunan ay dapat para sa ikabubuti ng bata. They should always put him first before themselves. At kung kinakailangan niyang ipagpatuloy ang kasinungalingan habang buhay ay gagawin niya. Kahit pa siya lang ang masasaktan sa huli.

After a few hours, he went back and apologizes to them. He even agreed to her suggestion like it was really a good idea.

"I understand now, that we need to take things slow because things can get so complicated, especially that we have an unusual set up for a family. Kailangan pa natin mag-adjust sa lahat ng sitwasyon na may kinalaman kay Crane. We can't just do anything without thinking thoroughly because it can affect him. And the last thing I wanna do is to hurt him."

Mas pinili na lang niyang tumingin sa sahig habang tumango-tango dahil ayaw niyang salubungin ang mga mata nito. Ayaw niyang makita nito ang pag-aalinlangan niya dahil siya naman ang naka-isip ng suhestiyon na iyon.

"Right. We should take things slow. As much as possible, we need to work together for Crane. Ang kasiyahan, ang kaligtasan at ang mga bagay na makakabuti sa kanya ang palaging dapat nating unahin." Sagot niya na sa ibaba pa din nakatingin.

S.I.A.T.T. Series Book 6: The Mysterious BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon