"Uy kanina ka pa dyan?" tanong niya saka nilagay yung gitara sa gilid ng kama niya
"Hinde kararating ko lang"
"Tara na?" nakangiting sabi niya tumango nalang ako
Pumunta na kaming 3 ni ate Amber dun sa pinagtugtugan namin kahapon
Naiwan si ate Amber sa table namin pagakyat namin sa stage
Nakita ko siyang lumapit sa table ni Dark na magisa lang naguusap sila at halatang nakikipagflirt si ate Amber sa kaniya binaling ko naman yung tingin ko kay Kiara hindi ko alam kung bakit biglang nagbago yung reaksyon niya parang kanina lang nakangiti siya ngayon wala nanaman siyang emosyon
Matagal na din bago ko siya nakitang nagkaganun nung sinabi ng papa niya na hiniwalayan siya ng mama nila ng walang sinasabing dahilan
Pagbaba namin ng stage nanatili siyang walang ekpresyon
"Ayos ka lang bestie?" tumango lang siya bilang sagot
Kiara's POV
"Ayos ka lang bestie?" tumango lang ako bilang sagot
Pagpunta ko dun sa table namin biglang pumunta si Dark dun kasama si ate
"Uy ayos ka lang?" tanong ni Dark sakin dahil kanina pa ko tahimik
"Oo naman" sabay ngiti ko ng pilit tinignan niya muna ko saka tumango tango
"Gusto mo bang pumunta sa bahay?" tanong naman ni ate Amber na siniko ko napatingin nalang siya sakin
"Sure kung ok lang sa inyo" napangiti naman si ate
"Ngayong gabi sa bahay" tumango tango naman si Dark
"Ok lang ba sayo Kiara?" tanong niya sakin
"Ok lang naman" medyo matagal din bago ako sumagot
"Uhm...ate pwede ba tayo magusap tayong dalawa lang?"
"Sure" agad naman kaming lumayo sa kanila
"Ate pwedeng wag mong sabihin kay Dark yung tungkol sa allergy ko?"
"Bakit naman?" tanong ni ate
"Sige na ate please" tumango naman siya kaya niyakap ko siya
"Thank you ate" bumalik na din naman kami pagtapos naming magusap
Naglakad na kami papunta sa bahay kami ni Jas ang magkasama nasa likuran namin sila Dark at ate rinig na rinig namin yung tawanan nilang dalawa
"Pa? Nandito na po kami" agad na sabi ko pagpasok sa bahay
"Oh sino yang kasama niyo?" agad na tanong ni papa
"Papa si Dark po siya yung sikat sa school namin papa" pagpapakila ni ate, tumango tango naman si papa
"Good evening po sir Dark Daniel Ross" sabay lahad ng kamay niya
"Anong ginagawa mo dito?" sabi ni papa pagtapos niyang makipagkamay kay Dark
"Ano ba papa nandito siya dahil inaya ko siya dito" singit ulit ni ate saka hinatak si Dark papunta sa kusina para kumain
"Sorry papa di ko na po napigilan si ate"
"Ok lang anak sige na ako na bahala dito umakyat ka na"
"Alis na din po ako tito, bestie" saka mano niya kay papa, beso sakin pinahiram ko din siya ng payong dah umuulan na
Naulanan ako ng konti dahil hindi ako agad nakatakbo pagbuhos ng ulan
Pagakyat ko sa taas naggitara muna ko saka bumaba nung nauhaw ako bigla
"Ikaw yung tumutugtog?" muntik ko nang mabitawan ang baso ko dahil sa biglang nagsalita si Dark hindi pa pala siya umaalis
"Dark uuwi ka na ba?" singit ni ate
"Oo di ka pa pala umaalis sige na akyat na ko" sagot ko na ikinatango niya naman
"Tara na?" rinig ko pang aya ni ate sa kaniya pagakyat ko
Naggitara ulit ako sa tabi ng bintana namin
Nakita ko pa si ate na pinayungan muna si Dark palabas saka pinahiram siya ng payong habang naglalakad si Dark tumingin pa siya dito sa bintana saka ngumiti
Hindi ko alam kung ngumiti talaga siya dahil sa nabalot ng tubig ulan ang bintana ko
Bigla din akong napangiti sa di malamang dahilan parang kanina lang naiirita ako tuwing nakikita sila ni ate na magkasama pero ngayon nakangiti na ako
Pero iniiwasan kong mahulog sa kaniya dahil alam kong pag nalaman niya yung allergy ko lalayuan niya ko
I'm starting to hate my allergy
Itutuloy~
Song: Cups by Anna Kendrick
![](https://img.wattpad.com/cover/222486888-288-k941514.jpg)
YOU ARE READING
Nightfall (Complete)
RomanceNɪɢʜᴛғᴀʟʟ (𝚂𝚃𝙰𝙽𝙳𝙰𝙻𝙾𝙽𝙴) Kiara Samantha Davidson, a girl who have a rare allergy. She's allergic to sunlight, it's very uncommon. Solar Urticarial is the symptom that burns and make her skin itch when sunlight hits it. Like what others sa...
Chapter 2
Start from the beginning