"Ay, sorry kung nakasamok ko nimo, 'day! Maghatad lang ko advide sa imo, ayaw pag-inarte!" Dinuldol niya ang mukha sa 'kin. "Umayos ka talaga, ate! May mga batas na sinusunod ang mga del Valle kaya umayos ka talaga, naku, sinasabi ko talaga sa 'yo."

Sumimangot ako. "Oo na."

"Mag-ingat-ingat kayo at hindi pwedeng makabuntis si Maxwell nang hindi kasal. Iba ang batas sa kanila."

"I know," lalo pa akong ngumuso.

"Umayos ka talaga, naku, sinasabi ko sa 'yo."

"Sinabi nang oo, eh," angil ko.

"Psh, if I know, kagabi lang e, naangkin ka na naman! Magsulti ka sa tinuod!" inambaan niya rin ako.

"Samok ka!" inaandayan ko siya ng hampas.

"Stop me!"

"Hindi ka ba mananahimik?"

"Ano ba, itabi mo nga 'yang sanshe?" inis niyang tinabig ang kamay ko. "Eh, nanbanggit mo na ba sa kaniya 'yong kay Maxrill?"

Awtomatiko ko siyang nilingon. "Tsismosa ka, you know that?"

"Gusto kong malaman, yawa ka." Bigla ay angil niya. "Kasi sinasabi ko talaga sa 'yo, ate, hindi kita kakampihan."

Ngumuso ako. "Hindi pa rin niya alam."

"Hindi mo sinabi?"

"Paano 'ko sasabihin na hinalikan ako ni Maxrill?" gigil kong bulong. "Kahit paulit-ulit kong pag-isipan, Zarnaih, walang maniniwala sa 'kin kung sasabihin kong hindi ko 'yon sinasadya at walang ibig sabihin sa 'kin 'yon."

Tumitig siya sa 'kin at nag-iwas ng tingin. "Mahirap talagang paniwalaan 'yon dahil masyado ka nang matanda para hindi malamang mali 'yon."

Lumaylay ang mga balikat ko. "Matanda na ako pero hanggang ngayon, hindi ko alam kung paanong ipapaalam na nagkamali ako." Matamlay akong tumingin sa sinasangag ko. "Natatakot akong mawala si Maxwell sa 'kin kapag nalaman niya ang totoo."

Hindi ko inaasahang ilalapit ni Zarnaih ang mukha sa 'kin, halos mapatalon ako sa pag-iwas. "Mas matakot ka kay Maxpein kapag nalaman niyang tinuhog mo ang parehong kapatid niya."

Umawang ang bibig ko, hindi matanggap ang salitang ginamit niya. Tinuhog? Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi mo na nga ako maintindihan, hinuhusgahan mo pa 'ko! Anong klaseng kapatid ka? Tinuhog talaga, Zarnaih, really?"

"Oh, eh, anong term ang gagamitin ko, sige?"

"Hindi ko sinasadyang halikan si Maxrill," angil ko, maiiyak na sa kawalan ng maidadahilan.

"Oh, eh, anong tawag mo ro'n?"

Muling umawang ang labi ko, hindi talaga makapaniwala sa kaniya. "What do you mean? Are you expecting me to admit na sinadya ko 'yon? Gano'n ba?"

"Bakit, hindi ba?"

"Hindi nga!"

"Aga-aga, nag-aaway kayo riyan, ano ba?"pareho kaming nagulat nang magsalita si Mokz, kapapasok lang nito sa kitchen.

Oh, shit!

Pareho kaming napaayos ng tayo ni Zarnaih. "Good morning, Mokz," sabay rin naming bati.

Ngumisi siya sa amin at dumeretso sa ref para kumuha ng tubig. Hindi ko maalis ang paningin ko kay Mokz habang inuubos ang bote ng mineral water. Papalakas nang papalakas ang kabog sa dibdib ko, ang isip ko ay paulit-ulit na nagtatanong kung may narinig ba ito.

LOVE WITHOUT LIMITSWhere stories live. Discover now