Legend 29

157 12 0
                                    

Thala.


"T-Teka huminahon k—" Agad kaming napaiwas dahil sa ibinato ng halimaw, ang mga nagtitigasang parte ng ilog ay kaniyang ibinabato sa amin ngayon. Kani-kaniya kaming gumawa ng paraan kung paano ito maiwasan dahil sa bilis nito kung umatake sa amin. Ang bilis niyang gumawa ng mga aksiyon, grabe nga talaga ang kaniyang lakas. Manang-mana siya sa kaniyang Ama na may mainitin na ulo, pero ang kaniyang mukha at tindig ay namana niya kay Aquarius.

Hindi ko napigilang hindi mapangiti dahil sa wakas nauna kaming matagpuan ang nilalang na ito na anak nina Aquarius. Magiging maayos na ang palagay ng magkasintahan dahil sa natagpuan na namin ang kanilang anak.

Tumalon ako ng mamataang pabulusok na papunta sa akin ang iba pang mga nagtitigasang bagay, kami ni Nebula ang kaniyang puntirya.

"Makinig k—" Hindi pa natatapos ni Nebula ang kaniyang sasabihin na bigla nalang umatake sa kaniya ang halimaw, sumugod ito habang ang mga matitigas na bagay ay nakapalibot sa katawan niya. Nataranta ako dahil sa sitwasiyon ngayon, biglang lumitaw ang espada sa kamay ni Nebula at itinutok ito sa harapan ng halimaw pero hindi natinag ang halimaw sa espada na nakatutok sa kaniya.


"Nebula!" Sigaw ni Gerharde at huli na ng makalapit ito dahil umatake na ang mga matitigas na bagay kay Nebula, nanlaki ang mga mata nito at hindi nakagalaw sa kaniyang puwesto dahil sa napakabilis ng nangyari. Napapikit nalang ako dahil sa hindi ko gustong makita ang mangyayari, nang unti-unti kong dinilat ang aking mga mata ay natigilan ako sa nasisilayan ko ngayon dahil sa mga bagay na hindi tumama kay Nebula sapagkat nakahinto lang ito sa ere. Si Nebula naman ay hindi nakagalaw at kinakabahang napatingin kay Gerharde.


Namangha ako dahil sa nagliliwanag na mga mata ni Gerharde, puti lahat ang kaniyang mga mata habang nakatutok ito sa mga bagay na papaatake sana sa puwesto ni Nebula. Ito ba ang kaniyang kakayahan? Ang patigilan ang isang kapangyarihan ng isang nilalang?


"Huwag mong sasaktan si Nebula!" Sigaw ni Gerharde at nagulat ako dahil sa bumulusok pabalik sa halimaw ang mga matitigas na bagay at hindi na iyon naiwasan ng nilalang dahil sa agad siyang tumilapon sa ere at tumama ang likod sa isang malaking puno. Halos malula ako dahil sa nabali ang malaking katawan ng puno na ikinabagsak nito sa lupa at nagdulot ng malakas na tunog. Nakakamangha! Nakokontrol niya ang kapangyarihan ng isang nilalang?

Galit na napaangat sa ere ang halimaw pero rumespunde naman si Wenawin at kinontrol ang mga naglalakihang ugat na lumitaw galing sa ilalim ng lupa at pumulupot ito sa katawan ng halimaw. Nagsusumigaw ang halimaw na siyang ikinakapikit ko dahil sa lakas ng puwersa din ng kaniyang sigaw. Nakita ko kung paano nawasak ang mga ugat at walang-atubiling na sumugod ito sa puwesto ni Wenawin na ngayo'y seryoso ng nakatingin sa halimaw.


Sumugod si Wenawin na nag-aapoy ang mga palad, lumikha ito ng mga bolang apoy at ibinato ito sa sumusugod na nilalang. Naiwasan naman iyon ng nilalang pero natigilan ito dahil sa malakas na hangin na humihila sa kaniya papaatras. Isa na naman sa kakayahan ni Wenawin, lumapit naman ako kay Nebula at agad itong niyakap ng mahigpit. Nakabantay lang sa kaniya si Gerharde na ngayo'y nakaharap sa halimaw.

"Ngayon mong sabihin na pabigat si Gerharde, Nebula. Ni hindi ka nakagalaw sa atake ng halimaw na iyan, mabuti nalang at mabilis ang kilos no Gerharde at kaagad kang natulungan." Turan ko sa kaniya, napayuko siya dahil ata sa kahihiyang nararamdaman niya ngayon.

"H-Hindi ko namalayan na g-ganoon kabilis ang atake ng halimaw." Bulong ni Nebula, napailing nalang ako at tinulungan siyang makatayo. Tila nanginginig parin ang mga tuhod niya dahil sa nangyari, hindi naman kasi porque't itinakda kami ay malakas na kami palagi sa lahat ng larangan. Siguro mabagal ang pakiramdam ngayon ni Nebula dahil sa wala siya sa tamang pag-iisip. Sino ba naman kasing makakapag-isip ng tama kung ang dati mong kasintahan ay kasama mo sa isang misyon? At malala pa doon ay siya lang ang nakakaalam na hiwalay sila sapagkat si Gerharde ay hindi naman pumayag sa desisyon niya.

Legend Of The Golden Keys Holder ✔️Where stories live. Discover now