Legend 26

141 8 0
                                    

Thala.

Lahat ng mga Deyarous ay naghukay ng mga lupa dito mula sa likuran ng ilog, hinuhukay nila ang mga lupa para sa mga katawan ng kanilang mga kauri na namayapa na. Masama parin ang loob ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, makita ang mga Deyarous na ito na naghihirap dahil sa mga kauri nilang napatay ng mga Hulman. Wala silang awa! Wala silang pili kung sino man ang kanilang papatayin! Sila ay mas demonyo pa sa mga demonyo! Wala silang alam kundi manakop, pumatay at gumawa ng mga bagay-bagay na nakakasama sa buong Corona!

Napatingin ako kay Sarde na naghuhukay na ng napakalalim na lupa. Habang ang mga anak nito ay ngumangawa dahil sa pag-iyak, kitang-kita ko ang paghihirap sa mga mata ni Sarde dahil sa kaniyang ginagawa habang ang katawan na wala ng buhay ni Safre ay nasa tabi ko. Mahimbing na itong natutulog habang ang mga kamay nito ay nasa kaniyang dibdib, hindi ko mapigilang hindi mapaluha dahil sa sinapit ni Safre, iniligtas niya ang kaniyang mga anak at asawa mula sa mga kumalaban sa kanila.

"Ipaghihiganti kita, Safre. Hindi ko magagawang punuorin lamang ang iyong katawan na wala ng buhay habang sila ay nagsisiyahan sa kanilang teritoryo. Magbabayad sila." Diing bulong ko habang nakatingin sa mga pikit na mata ni Safre.

Napatingin ako sa tatlong anak nila ni Sarde habang isinasayaw nito ang kani-kanilang buntot habang nakaharap sa akin. Agad kong hinaplos ang kanilang mga ulo na siyang ikinapikit nilang lahat. Paano nalang kung lumaki ang mga munting nilalang na ito na wala ng kikilalanin na Ina? Na ang kanilang Ina ay isang bayani dahil iniligtas sila nito mula sa kapahamakan? Naaawa ako sa kanilang paglaki na hindi kumpleto ang kanilang pamilya. Ni hindi nila alam na wala na ang kanilang Ina at hindi lamang ito natutulog.


'Ayos na itinakda, k-kailangan na natin siyang ilibing habang sumisikat pa ang araw.' Agad akong napaayos at tumayo, pinunasan ko ang aking luha gamit ng aking palad at tumango sa sinabi ni Sarde. Lumapit siya sa katawan ni Safre at walang atubiling binuhat na parang isa lang itong magaan na bagay, sumama ako sa kaniya malapit sa hukay. Tumingin pa sa akin si Sarde kaya napangiti ako ng pilit, hinawakan ko ang balahibo ni Safre at hindi ko napigilang hindi mapahikbi.

"Paalam Safre, ipaglalaban ko ang iyong kamatayan." Sabi ko, tumango si Sarde at tumalon sa hukay kaya napalingon ako sa ilalim. Masiyado na nga itong malalim, akmang tatalon din ang tatlong bata ay agad ko silang hinarang.

"Malalim iyon, huwag kayong tumalon." Sabi ko sa kanila, mukhang naintindihan naman nila.

'I-Inana, Inana!' Halos durugin ang puso ko dahil sa pagsambit ng isa sa kanila ang salitang 'Ina', hindi man iyon lubos na tama pero agad akong nasiyahan na may dalang lungkot dahil sa nakakapagsalita na ito. Hinaplos ang puso ko dahil sa mga nagkikislapan nilang mga mata habang nakatingin sa malaking hukay. Hinawakan ko ang kani-kanilang mga noo kaya agad silang lumapit pa sa akin at idiniin ang kani-kanilang mga katawan sa aking mga paa.


'Mukhang nasisiyahan ang aking mga anak sa iyong paghawak sa kani-kanilang balahibo.' Napalingon ako kay Sarde, unti-unti niya ng tinatabon ang malalim ng hukay sa mga lupa na nahakot niya kanina. Ngumiti nalang ako ng pilit at tinulungan siya sa pagsaboy ng lupa sa hukay kung saan nandodoon ang katawan ni Safre.

"Paano mo sasabihin sa kanila sa kanilang paglaki? Na wala na ang kanilang Ina dahil sa pagligtas nito sa inyo?" Tanong ko.

'Sasabihin ko ang totoo sa kanila para maging isang inspirasiyon sa kanila ang pagkawala ng kanilang Ina para maging malakas silang Deyarous. Gusto kong mamulat sila na ang kanilang Ina ay isang magiting na Deyarous at isinakripisyo ang kaniyang buhay para sa amin. Ngayon, papalakihin ko sila na may tamang lakas at talino. Kailangan na namin iyon ngayon dahil sa hindi na namin alam kung kailan babalik ang mga Hulman.' Napatango ako sa sinabi niya, tama din naman siya sa kaniyang sinabi. Hindi nalang habang-buhay na maging malungkot ang lahat dahil sa pagkawala ng kanilang mga kauri. Kailangan din nilang tatagan ang kanilang mga puso at mas linawin ang kani-kanilang mga utak. Ngayon, mulat na silang lahat na kahit anong oras ay puwedeng bumalik ang mga Hulman.


Legend Of The Golden Keys Holder ✔️Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz