Legend 16

225 15 0
                                    

Thala.

"Anong ibig mong sabihin A-Aquarius? A-Anak? Meron kang anak?" Pagtataka kong tanong.

Posible bang magka-ibigan ang isang nilalang galing sa tubig at lupa? Pwede ba nilang marating ang isa't isa? Pwede bang magkaroon ng milagro ang hindi naman dapat magkaisa? Oo mga nilalang sila na hindi ko maintindihan pero ang mas nakakalito ay nagkaanak? Sila?

"Aquarius." Tawag sa kaniya ni Nebula kaya napalingon ang nilalang sa kaniya.

"Ikuwento mo ang lahat sa amin at ipamulat ang mga katotohanan na hindi pa namin nalalaman." Bahagyang sambit sa kaniya ni Nebula na napatango si Lucresia na sumasang-ayon sa kagustuhan ng kaniyang Prinsesa.

"Ako na ang magkukuwento. Sa sitwasyon niya ngayon ay nanghihina siya at kailangan niyang magpahinga." Turan ni Capricorn sa amin kaya tumango kami.

"Oo mabagsik ako, oo nakakatakot ang aking itsura. Yun ang aking lakas kasama na ang aking kapangyarihan laban sa mga magtatangkang lumapit sa akin. Kaya ganun nalang kung atakihin ko ang tinakdang binabanggit ni Aquarius." Sulyap niya kay Nebula at nagpahayag uli.

"Yun lamang ang aking laban para maprotektahan ang aking pamilya kung saka-sakaling makita ko uli ang kanilang mga ngiti at mga mata." Dagdag niya.

Napabuntong-hininga siya na para bang labag sa kaniyang magkuwento o di kaya hindi niya ugaling magkuwento pero ipinapahayag niya parin na kahit unti ay may malaman kami at posibleng kami ang makatulong sa kanilang mga problema.

"Nagmahalan kami ni Aquarius at sa makikita niyo ay hindi ito katotohanan at parang kamalian lamang." Salaysay ni Capricorn.

"Hindi naman maling magmahal na hindi mo kauri nilalang. Hindi mo na mapipigilan kapag ikaw ay nagmahal dahil kung sino nalang ang tinatamaan nito." Napalingon ako kay Socrates matapos niyang sabihin iyon na nakatingin pa sa akin kaya iniwas ko kaagad ang aking mga mata.

"Oo sa inyo pero sa amin ay kamalian iyon. Isilang palang kami ay alam na namin kung ano ang silbi namin, sa mga nilalang na nabubuhay para sa tinakdang nagmamay-ari ng mga ginintuang susi ay siyang kapangyarihan ng lahat. Kapangyarihan ng Corona, ng mga tribo dito sa Corona at ang kapangyarihan ng Diyosa Tereya.." Paliwanag ni Capricorn kaya halos mapahanga na naman ako sa aking mga narinig.

"At sa mga nilalang na iyon ay batay sa aking kaalaman, apat kaming mulat sa katotohanang alam namin ang silbi namin. Hindi namin kilala ang isa pero alam kung hindi rin kami labindalawa." Gulat akong napatingin kay Capricorn dahil sa kaniyang sinabi.

Hii sila labindalawa? Pero ano ang sinalaysay ng Diyosa sa akin? Bakit niya sinabi sa aking labindalawa?

"Pero sabi sa akin ng Diyosa na labindalawa lamang kayo." Sagot ko sa kaniya.

Tumingin siya sa akin at binigyan naman ako ng seryosong tingin pero hindi ako natitinag sa mga ganoong tingin dahil mas lalo akong nagaganahan dahil alam kong may iba na naman itong patutunguhan.

"Sa mga nilalang na nagkaisa, tinakda. Nagkakaroon ng panibagong nilalang at magkakaroon ng panibagong ginintuang susi sa iyong gintong puso. At base sa aking kaalaman ay may nagkakalat pang tulad namin na hindi nakatakda sa iyong susi." Taka naman akong nakatingin sa kaniya at binigyan ng tinging hindi ko maintindihan ang kaniyang isinasalaysay.

"Ano– Hindi ko maintindihan Capricorn!" Sigaw ko sa kaniya.

"May labindalawang nilalang na itinakda sa iyo noon pa pero masasabi kong hindi kami labindalawa lamang na nilalang sa Corona na ito. Yung iba ay hindi nakatakda sayo pero pwedeng maging iyo kung matatagpuan sila ng ginto mong puso. Sa mundong ginagalawan natin, posibleng may katulad mo na naghahanap din sa mga katulad na amin at yun ang ikinakatakot namin ni Aquarius. Na baka matagpuan nila ang aming anak na hindi namin nalalaman at gamitin sa kasamaan." Paliwanag ni Capricorn.

Legend Of The Golden Keys Holder ✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang