Legend 21

149 9 0
                                    

Nebula.

"Teka saan pupunta si Socrates? Bakit nalang tayo iniwan ng lalaking iyon?" Takang tanong ko kay Thala, napatingin naman siya sa direksiyon kung saan tumungo si Socrates at nagbikit-balikat na lamang ito at hindi na pinansin pa.

"Hayaan mo na ang lalaking iyon, ganoon na talaga ang pag-uugali at walang tiwala sa mga kababaihan. Kung makaakto siya, parang malakas at makisig ang kaniyang katauhan." Agad naman akong napangisi sa sinabi niya, nadako ang tingin sa akin ng matandang babae at kunot ako nitong tinignan sa mga mata. Lumapit naman ako at agad akong yumuko sa kaniya.


"Ako po si Nebula kung kayo ay nagtataka, isa po akong mamamayan ng Arslan." Tila nagulantang ang matandang babae at kaagad napaatras pero nahawakan naman ni Thala ang mga braso nito.

"Nebula? Ang prinsesa ng Arslan?" Paninigurado nito, kahit nagtataka sa kaniyang ekspresiyon ay tumango nalang ako. Ano ba ang kaniyang problema at parang gulat na gulat sa aking pangalan? Siya na nga mismo ang nakaalam sa aking posisyon bilang mamamayan sa Arslan.

"Siguro isa ka rin sa may busilak na puso kaya ka nakapasok dito sa aming bayan. Nakapunta na din ako sa inyong bayan pero maraming nilalang na siyang hindi dapat naming makasalamuha dahil nanganganib ang aming mga lahi dahil sa inggit na nararamdaman sa amin ng mga tribo Hulman. Kaya hindi na kami pinahintulutan na pumaroon ulit, nagagalak kong makilala ang tumatayong prinsesa at pinuno ng bayan ng Arsla ." Hindi na ako nagtaka sa sinabi niya dahil alam kong hayok talaga sa posisyon ang mga Hulman, kahit ngayon ay nagdidilim ang paningin ko kapag naririnig ko ang mga pangalan nila. Nasa kanila ang aking Ina, iyon ang sabi sa akin ni Ama bago ito mamatay sa harapan ko. Namatay siya dahil sa pagprotekta niya sa akin laban sa isang Hulman, hinarang niya ang kaniyang katawan para ako ay mailigtas.


Ngumiti nalang ako sa matandang babae at yumuko para ipakita ang paggalang ko sa kaniya.

"Maraming salamat sa inyong mainit na introduksiyon, nandidito po kami para kuhanin at isama sa aming misyon ang babaeng kayang kontrolin ang limang elemento." Sa pangalawang pagkakataon ay nagulat na naman ang matanda, pero napailing ito at tumingin sa aming mga mata.


"Thala, kasama mo ba ang prinsesa na ito? Kasama mo ba siya sa iyong misyon?" Hindi nagdalawang-isip na tumango si Thala sa sinambit nito.


"At Lola Belinda, may sasabihin din sana ako sa iyo. Ahmm—"


"Na hindi ka isang Banak? Na wala kang kakayahan na kumontrol o gumawa ng nahahawi sa mga elemento ng kapaligiran?" Napansin ko ang gulat na rumehistro sa itsura ni Thala at parang hindi makapaniwala sa sinabi ng tinatawag niyang Lola Belinda. Napabuntong-hininga ito at hinawakan sa mga kamay si Thala at seryoso itong tinignan sa mga mata.

"Noong una palang natin pagtatagpo ay alam ko na hindi ka kabilang sa amin pero nagtataka parin ako sa iyong katauhan. Ngayon, hindi na importante kung saan ka nanggaling. Ang importante ay kung paano niyo makukuha ang aming prinsesa sa kalagayan nitong walang kontrol ang kapangyarihan at kayang-kaya niya kayong saktan." Nag-aalalang turan ni Lola Belinda na ikinangiti lang ni Thala. Nahihiwagaan din ako dito mismo kay Thala dahil sa bait na taglay niya, kaming mga itinakda ay may kani-kaniyang mga ugali pero hindi mawawala ang respeto sa Diyosa at ang tapang na natural na sa aming katauhan. Hindi naman ako ganoon kabait pero siguro natural na kay Thala ang ganitong klaseng pag-uugali.

"Huwag po kayong mag-alala, gagawin namin ang lahat para makuha ang loob ng prinsesa ng Banak. Pero ito po ang sasabihin ko sa inyo, ang pangunahing misyon namin ay ibalik sa dati ang Corona na nasa inyong tribo ang mamumuno nito ulit. Gagawin namin ang lahat para burahin lahat ng mga Hulman na nabubuhay sa Corona." Sinserong turan ni Thala na may namumuong determinasiyon.


Legend Of The Golden Keys Holder ✔️जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें