Season 2- Pasilip

347 6 8
                                    

Lahat kami ay naglalakad na patungo sa tribo ng mga Hulman, kasama ang mga kaibigan ko na handang labanan ang kasamaan. Masiyado daw malakas ang kanilang kupunan, hindi namin alam kung sinu-sino sila pero nasisiguro kaming alam na nila na kami ay paparating.









Tanaw ang mga puno na wala ng buhay, simbolo na malapit na kami sa kanilang tribo. Lahat ay wasak, madilim at walang makikita ni kahit anong aninong nabubuhay na mga kahayupan sa lugar na ito.





Isa lang ang misyon na pinanghahawakan ko, at iyon ang iligtas ang mundong ito sa palad ng mga masasamang tribo.









Kailangan ko ng makumpleto ang mga susi, hindi ko dapat pa itong patagalin pa dahil masiyadong malakas ang kupunan.










Natigilan kaming lahat nang may maaninag kaming nagliliwanag hindi kalayuan sa aming kinakatayuan ngayon. Naghanda kaming lahat nang makita namin ang napakagandang mukha nito na nakangiti sa aming lahat, hindi ko siya kilala pero napakagaan sa kalooban ang kaniyang presensiya.








Sino siya?









"Habang kaya ko pang makatulong para puksain ang kasamaan, ay tutulong at tutulong ako sa mga nangangailangan. Pero limitado lamang ang aking kakayahan sapagkat ako ay matagal ng namatay sa aming mundo."








Lahat kami ay hindi nakapagsalita sa kaniyang litaniya, nagtataka lang kaming nakatingin sa kaniya habang lumulutang ito sa hangin. Ang kaniyang bestidang puti na napakahaba ay hanggang sa lupa ang haba, mukhang masiyadong sagrado ito para hawakan at tignan dahil sa kinang at mahal nitong pagkakagawa.







Napaatras kami dahil sa paglapit nito, ang ibang kasamahan ko ay naghanda sakaling isa itong huwad at may masamang balak. Pero iba ang aking nararamdaman, hindi siya ganoon sa aking paningin at may kung ano sa presensiya niya ang humahaplos sa aking puso.









"Lahat man kayo ay nagtataka, nandito ako para tulungan kayo. Ako nga pala si Genesis."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Legend Of The Golden Keys Holder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon