Legend 15

221 16 0
                                    

Thala.

"Tignan ninyo? Hindi siya delikado pero hindi rin natin masasabing hindi siya mananakit kapag may ginawa tayong hindi angkop sa kaniya." Sabi sa amin ni Nebula.

Tinignan ko lang ang ilog-ilogan at para akong nag-iilusyon dahil paulit-ulit nalang lumalabas sa aking isipan ang kakaibang na nilalang na yun. Hindi nga siya delikado dahil sa kaniyang tinginnay madadala ka sa kaniyang tindig.

"Nakita mo ba Nebula?" Napatingin ako kay Socrates nang sabihin niya ang kataka-takang tanong niya yun.

"Siyempre nakita ko Socrat–" Bigla niyang pinutol ang aking sasabihin nang sumabat na siya.

"Hindi yun ang aking ibig-sabihin Thala. Ang ibig kong sabihin ay nakita mo ba? Nakita mo ba ang kaniyang mga matang napakalungkot?" Aniya.

Ibinalik ko naman uli ang nilalang na yun sa aking isipan at inalala ang mga pangyayari.

Nakangiti na hindi ko malaman at kapag kumikilos siya ay para siyang nanghihina talaga. Para siyang may malaking problemang pinapasan sa kaniyang buhay at parang dala niya ang buong mundo sa kaniyang likuran. Pero hindi ko napansin ang kaniyang mga mata dahil nakatingin lang ako sa kabuuan ng kaniyang mukha at hindi naman halos sa kaniyang mga mata.

Nadapo naman ang aking mga tingin sa mata ng nilalang na iyon pero mas nakakaakit talaga ang kaniyang mga ngiti.

"Sa mga ganiyang klase baguhan palang makakita sa kaniya ay hindi niyo talaga mapapansin. Hindi niyo mapapansin dahil nakatingin lang kayo sa kaniyang mga ngiti. Ang ngiting kaniyang iginagawad ay siyang panlaban niya sa kaniyang mga hinanakit na hindi ko malaman kung ano." Sabat ni Nebula sa aming usapan kaya napalingon ako sa kaniya.

Ngumiti sa akin si Nebula at tumingin sa ilog-ilogan.

"Hindi mo napansin pero ang mga matang iyon ay puno ng kalungkutan sa buhay. Hindi ko man alam ang kaniyang hinanakit pero kaya ko siyang tulungan kahit hindi naman talaga kami magkasundo. Magkalapit sila ni Lucresia dahil ata sa kaniyang abilidad na makausap ang Diyosa kaya inaakala kong may pinapakausap si Aquarius sa Diyosa." Paliwanag niya sa amin.

Kung may kalungkutan sa kaniyang mga mata at kung may mga hinanakit nga talaga siyang dinaramdam, baka puwede ko siyang matulungan kong kakausapin siya ng kapwa niya nilalang. Mas magkakaintindihan silang dalawa kung ganoon nga.

"Pero kung baguhan lang ang hindi makakapansin pero bakit napansin agad ni Socrates?" Takang tanong ko sa kanila at takang tinignan si Socrates.

"Dahil sa mata ako una tumingin at hindi sa kaniyang mga ngiti. Hindi ako interesado sa mga nilalang at hindi ko na inaaral ang kanilang mga kabuuan at sa mata nila ako unang tumingin. Kahit papaano ay nakakabasa din ako ng emosyon base sa kanilang mga mata kaya dun na umabot sa tinanong kita kung nakita mo ba ang kalungkutan sa kaniyang mga mata pero mas nanuna kang tumingin sa kaniyang ngiti." Depensa niya kaya tumango nalang ako dahil wala namang saysay kung makikipagtalo pa ako sa bihasa na diba?

"Pero matutulungan ko siya Nebula." Ngiting sabi ko sa kaniya kaya napalingon silang tatlo sa akin.

"Tama ba ang narinig ko? Tutulungan mo siya at hindi dadakpin?" Masayang sabi ni Nebula pero biglang naging seryoso ang aking mukha mula sa pagkakangiti at nawala din ang ngiti sa kaniyang labi.

"Tutulungan ko siyang ilabas ang kaniyang hinanakit at alam kong matutulungan tayo ng aking nilalang. Kapawa magkakaintindihan sila sa ganitong sitwasyon pero sinasabi ko sayo Nebula, na kahit anong problemang dinadala niya at hinanakit? Babagsak pa rin siya sa aking mga ginintuang susi." Pagpapaliwanag ko sa kaniya kaya tumango nalang ito nalulungkot.

Legend Of The Golden Keys Holder ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon