PROLOGUE

1.8K 128 233
                                    


Sa mundo ng maharlika ay marami kang makikitang imposible sa mga ordinaryong tao. Sa mundo ng maharlika ay makikita mo lahat ng hindi mo aasahang makita.

Sa lugar kung saan parte ng napakalayong lugar na tinatawag na Arslan ay may mga nakatirang hindi makaordinaryong tao. Mga taong may kakayahan na hinding hindi makakaya ng mga ordinaryong tao. Mga kakayahang mapapabilib ka dahil sa galing, liksi at lakas.

Masaya silang naninirahan at payapang gumagalaw na walang humuhusga. Sa kanilang estado ay malalaman mo ang tunay na depinisyon ng pagtutulungan at pagmamahalan. Pagtutulungan dahil problema ng isa ay problema ng lahat. Pagmamahalan dahil nirerespeto ang bawat isa at bilib sa mga kayang gawin.

Sila ang mga tribo Banak. Ang mga tribong Banak ay may kakayahang kumontrol ng mga apoy, tubig, hangin, lupa at kalikasan. Sila ang nagbabantay ng pasikreto sa maharlikang mundo na tinatawag na Corona. Kung saan lahat ng taong may mga bihirang lakas, liksi at kapangyarihan.

Pero dahil sa isang rason, lahat ng mga tribong Banak ay nawasak. Nawasak dahil sa panggagatong sa kanila ng mga taga tribo Hulman. Sila ang mga taong may kakayahang kumontrol ng mga kapangyarihan maliban sa kakayahan ng mga tribo Banak.

Sila ang mga taong rebelde at gustong makamit ang trono sa pagbabantay ng Corona, ang maharlikang mundo. Ang rason nila kung bakit nila ginagatong ang mga tribo Banak ay gusto nilang sila mismo ang magbantay sa Corona.

Pero hindi gusto ng Diyosa ang mga pamahiin at tradisyon ng mga taga tribo Hulman. Pinapatay ng mga tribo Hulman ang mga miyembro ng tribo Banak para maging konti nalang ang kanilang bilang.

Nagalit ang Diyosa ng maharlikang mundo pero sa pinagkasunduan ng Diyosa at ng kataastaasang Diyos na hindi dapat makialam sa mga mas mababa pa sa kaniya. Sabi ng Diyos na maaari itong tumulong pero hindi siya mismo ang kikilos kundi siya lang mismo ang magdadala.

Dahil sa gusto ng Diyosa na patilihin ang Corona na maging maayos dahil nga sa naging magulo ito sa pamumuno ngayon ng mga tribo Hulman.

Gumawa siya ng paraan at naglikha ng napakalakas na mga nilalang galing sa kaniyang dugo at kalamnan. Parte din ng kaniyang utak at puso. Ito mismo ang magdadala ng kapayapaan pero may kapalit ang kaniyang tulong at yun ang tugon ng kataastaasang Diyos.

Isisilang ang batang babae na galing sa tribong walang pangalan. Tribong kakaunti lang ang bilang at kakaiba ang lakas. Isisilang ang batang babae dala dala ang mahiwagang gintong susi sa kaniyang puso.

Susi kung saan siya mismo ang magpapaamo sa mga mababangis na nilikha ng Diyosa.

Lalaki ang batang babae na may takot sa kataastaasang Diyos at sa Diyosa, may respeto at bilib sa sarili. Bibigyan ng basbas na maging matapang, maliksi at mautak sa lahat ng bagay. At biniyayaan ng magandang itsura na walang wala sa iba.

Sa paglaki ng bata ay magpapakita sa kaniya ang Diyosa at bibigyan ng misyon.

Misyon kung saan dapat labanan ang mga masasama, gawing maayos ang Corona at hanapin at hulihin ang labindalawang mababangis na kaniyang nilikha.

Legend Of The Golden Keys Holder ✔️Where stories live. Discover now