Legend 2

1K 115 369
                                    

Thala.

Anong susunod kong gagawin? Hindi ko na mahagilap ang amoy ni ama dahil napakalayo na nito.

Isa pa ay naguguluhan ako. Naguguluhan ako dahil hindi ko alam kung maniniwala ako sa babaeng naenkwentro ko kanina. Sinasabi niyang isa siyang Diyosa at hindi ko mawari kung katotohanan ba ang kaniyang pinagsasabi. May mga sinabi pa siya sa akin na hindi ko masyadong naintindihan.

Lalabas daw ang ginintuang susi sa aking puso kapag nakita ko na ang nilikha niyang mga mababangis na hindi ko man alam kung hayop ba ang kaniyang pinapaintindi sa akin.

Isa pa tong sandatang hawak ko ngayon, totoo kayang Diyosa iyon? Hindi ko naman ito nakita nung napunta ako sa lugar nayun at tsaka kakaiba ang sandatang hawak ko.

Napakapit ako sa maliit na bag na nakasuot sa aking balikat. Ito yung naiwan ni ama, nasa loob kasi ng bag na ito ang kutsilyong ginawa niya. Ito palagi ang ginagamit niya kapag nasa labanan. Mahilig kasi siyang makipaglaban noon at ito mismo ang nagpapanalo sa mga kagrupo niya noon. Hindi pa nabubuo ang tribo na ito at hindi pa ako iniluluwal.

Inilibot ko ang aking paningin, hindi ko alam ang lugar na ito pero ang alam ko ay nasa gitna pa din ako ng malawak na kagubatan. Kahit hindi ko kabisado ang mga lugar dito pero naaamoy ko parin ang daan papunta sa amin. Kaya kong amuyin kung saan ako dumaan kanina.

Naglakad lakad ako para libutin kong may mga miyembro ba dito ng Hulman o di kaya tribo Banak. Hinanda ko na lang ang sandatang bigay ng Diyosa para inkasong may umatake ay handa ako para lumaban. Handa akong manakit at pumaslang para lang mailigtas ang aking sarili sa kapahamakan.

May narinig akong kumakaluskos sa bandang gilid ko at may naramdamang paparating sa puwesto ko.

Dumapa ako at gumulong sa lupa inkasong may ibinato na naman siya at tama nga ako dahil kapag hindi ako gumulong ay masusugatan ako sa mga tinik na galing sa lupa.

"Sino kang hampas lupang babae ka?! Bakit naririto ka sa aking teritoryo?!"

Nabigla ako sa isang babaeng lumitaw at sa sigaw nito. Napakalalim ng boses at maririnig na maririnig mong kakatakot ang kaniyang boses at isinisimbolo nito kung gaano din siya kalakas. Amoy ko ang kakaibang lakas nito.

Tinignan ko siya pero may napansin akong maliit na dalawang sungay sa gilid ng ulo nito. Hindi siya ganun kahaba at hindi din siya ganun kalaki. Parang bagong turok lang.

"S-sino ka?" Tanong ko sa kaniya. Biglang mas sumeryoso ang kaniyang mukha at nanggagalaiting mga panga.

Hindi siya lalaki kundi babae, buhok niyang kulay tsokolate na nakalugay hanggang balikat ata at ang kaniyang kasuotan ay iba. Konting tela lamang bandang dibdiban niya kaya kitang kita ang kaniyang pusod. Tela ding tumatakip sa kaniyang pagkababae ay hindi din gaano kataas at hanggang gitna kang ito ng kaniyang binti.

"Lahat ng mga taong hangal na nagtatanong sa aking pangalan ay kapalit ang kamatayan. Hindi na makakauwi sa kanila ng buhay at ipaglalandakan isa sa aking mga puno sa aking tahanan para maging pagkain ng aking alaga."

Napaatras ako sa sinabi niya, nagtatanong lang sa kaniyang pangalan pero napakadaming kapalit. Kamatayan? Hindi na ako takot na mamatay basta kapalit ng katarungan pero hindi sa ganitong paraan. Isa lang siyang hamak na tao, taong may kakaibang lakas at nakaksiguro akong isa siyang halimaw.

"Wala akong pakealam, ibahagi mo sa akin ang iyong pangalan kahit ang aking buhay ang kapalit." Turan ko sa babaeng nasa aking harapan.

"Bakit napakaimportante sa iyo ang ibahagi ang aking pangalan sapagkat ikaw ay mawawala na rin sa tinatapakan mo." Sagot niya sa akin kaya nginisian ko lang ito para asarin at tagumpay naman dahil nag-abot ang dalawang kilay nito.

Legend Of The Golden Keys Holder ✔️Where stories live. Discover now