Legend 22

156 11 1
                                    

Thala.


Agad kaming rumespunde at tinulungan namin ang ibang matatandang lakaki. Ang iba ay gulat sa aming presensiya kung paano kami nakapasok pero ang iba naman ay natuwa dahil sa wakas ay may bagong tulong na dumating para sa kanila. Agad kong hinila ang likuran ng nanghihinang lalaki at itinabi sa isang sulok kung saan hindi siya makikita.

"P-Paano kayo nakapasok dito? Hindi ito nakikita ng ibang nilalang sapagkat binubuo ito ng k-kapangyarihan." Hirap na sabi nitong hindi pa gaano katandang lalaki na nasa harapan ko, nakakatayo pa siya pero agad niyang nakita ang lalaking hinila ko kaya napaluhod siya dito at inalo.


"Hindi na importante kung paano kami nakapasok, ang importante ngayon ay kung paano siya hihinahon at titigil sa pagsira ng kagubatan na ito." Seryoso kong turan, tinignan ako sa mga mata ng lalaki na parang hindi pinag-aaralan niya ang aking presensiya.

"Hindi niyo siya dapat kitilin, isa siya sa magliligtas ng Corona." Tumango nalang ako at umalis sa kanilang harapan.

Nakita ko pa sina Nebula at Socrates na tinutulungan ang iba pang matatandang lalaki na nahihirapan na sa pagtayo, ang iba naman ay nahihirapan na sa paghinga dahil sa makapal na usok. Napansin kong lalaki lahat at halos may katandaan na, sila ba ang nakakataas sa tribo Banak?


Tumakbo ako sa direksiyon ng isang matandang lalaki habang nakaharap ito sa babae na ngayo'y nag-aapoy ang palad. Hindi ako sanay na may nakakakita na may kakayahang kontrolin ang apoy maliban kay Socrates. Napakalakas ng presensiya niya, ang kapangyarihan na bumabalot sa buo niyang katawan ay mas malakas pa sa aming inaakala. Masiyado siyang ipinagpala pero kahit gano'n, may mga suliranin parin siyang kinakaharap. Hindi madali ang kontrolin ang limang elemento na siya ding nagdala sa kaniya ngayon sa pagkawala ng kontrol.


Hinanda ko ang aking espada at agad na sinangga ang apoy na ibinato ng babae, napapikit doon ang matanda dahil sa nagtamo ito ng makapal na usok. Agad ko siyang dinala sa lugar kung saan hindi siya makikita, napatingin pa ito sa akin pero agad akong nginitian.

"Ang babaeng may araw na simbolo sa kaniyang espada ay nandidito na, isa ka sa mga itinakda." Turan nito na ipinagtaka ko, masiyado silang maraming nalalaman.

"Paano niyo nalaman?" Tanong ko.


"Pagkamatay ng pinakamatandang miyembro sa aming tribo, hindi alam ng lahat na naipasa nito sa akin ang pakikipagkuwentuhan sa Diyosa ng Corona gamit ang panaginip. Ngayon, alam na alam kong ikaw mismo ang nagsisimbolo sa araw dahil diyan sa espada mo, at dahil din sa presensiya na meron ka na kasing-lakas ng presensiya ng aming prinsesa." Mahabang paliwanag nito, napasa sa kaniya ang kakayahan ng pinakamatandang miyembro ng Banak? Posible pala talaga ang mga bagay na iyon? Hindi ko alam pero maganda kapag nakakausap ang Diyosa dahil bibigyan ka nito ng sapat na impormasiyon at pag-asa.



"Noong sinabi ng lahat na hindi na darating ang mga itinakda, hindi ako naniwala dahil kapag buhay ang aming prinsesa, buhay din ang mga kapuwa nitong mga itinakda na sa tamang panahon ay magsasama. Tatanungin kita, nandidito kayo para kunin ang aming prinsesa tama?" Wala akong nagawa kundi tumango nalang sa kaniyang sinabi, masiyado siyang matalino at masiyado na din siyang maalam. Siguro ito ang epekto kapag nagiging matanda ka na, siya na ata ang pangalawang pinakamatandang miyembro sa Banak.



"Hindi nakakapasok sa gubat na ito ang mga ordinaryong nilalang lamang kaya hindi nakakapagtaka na nakapasok kayo dahil kayo na ang matagal naming hinihintay. Ang lugar na ito ay hindi nakikita pero ang tanging may mga malalakas na kapangyarihan lamang ang nakakapasok at nakakaalam at kaming mga nakakataas sa Banak ay alam ang mga bagay na iyon dahil kami ang gumawa ng ganitong klaseng kapangyarihan at ng tirahan ng prinsesa."

Legend Of The Golden Keys Holder ✔️Where stories live. Discover now