Chapter 48

181 15 0
                                    

Chapter 48: It's finally over.. I guess?

∞∞∞∞∞

Abby's POV.

Nilibot ko yung tingin ko. Natapos na yung barilan. Andito na yung ilang pulis at inbestigador at yung ambulansiya. May mga reporters na rin daw dun sa kalsada. Patay na si Senator Buenaflor at nadala na sa kukulungan si Paolo.

Napabuntong hininga ako. At tinignan yung sarili ko, at himala, buo pa rin ako.

Napatingin naman ako katabi ko na nakatulala, sinundan ko naman yung tingin niya. Nakatingin siya dun sa katawan ng tatay niya na ngayon tinakpan na nila binibitbit gamit yung stretcher sa ambulansya. Hanggang ngayon shock pa rin siya sa nangyari, pati rin naman ako. Gusto namin matapos na toh pero hindi ko naman intentional na ginusto na mamatay yung ama ng mahal ko.

Pero that's fate. That's the consequence of his actions.

Dahan dahan kong pinatong yung kamay ko sa shoulder ni Christian. And rubbed it gently on there to console him. Doon na bumalik yung kaluluwa niya mundo at tumingin saakin.

"Ay. Okay ka lang? May masakit pa ba sayo? Tara dalhin na kita sa hospital" sabi niya. Napatingin naman ako sa kabilang shoulder niya na napuruhan kanina at ngumiti.

"Go." Sabi ko at sumenyas na pumunta na siya dun sa katawan ng dad niya. "I'll be alright. Just go and be with your dad, for a moment. Tsaka pagamot mo na rin yang sugat mo"

Nginitian naman niya ako at nilapit yung ulo ko sakanya tsaka niya hinalikan yung noo ko. "I'll be back"

Tumango nalang ako at tumakbo na siya papunta dun sa dad niya. Tignan ko naman siya at nagstay muna rito.

Nang may narealize ako...

Napatingin naman ako dun sa gubat papunta sa bahay na ginanap yung hostage taking at kung saan may pagsabog na naganap.

"Oh god" sabi ko sa sarili ko at naglakad na papunta dun magisa. It's not that far.

Please, sana wala dito yung papa at tatay ko. Sana nakaalis sila kaagad.

Pagkalabas ko ng gubat kitang kita ko yung itim na spot at may konting apoy apoy pa na kinause yung pagsabog. Nandito na yung mga bumbero para apulahin yung apoy dun sa mismong bahay at yung konting nakapaligid dito.

"No" sabi ko at nararamdaman kong tumutulo nanaman yung luha ko.

Napaupo nalang ako at nagpatuloy na umiyak dahil sa nakikita ko.

Hindi man lang ako binigyan ng chance para magpathank you kay papa sa pagkupkop saakin at pagprotekta saakin palagi. Hindi man lang din ako nakapagsorry sakanya sa mga sagutan namin and sa mga sana mamatay na yung papa ko moment. I can't believe this, kahit gaano mo pala kahate yung taong nagpalaki sayo aka yung papa at mama mo, pag namatay sila iiyak ka pa rin at hihilingin na sana mabuhay pa sila ng matagal.

Hindi man lang din ako nabigyan ng pagkakataon na makilala at makita yung itsura yung totoo kong tatay. Hindi ko man lang nasabi sakanila na mahal na mahal ko sila.

Binaon ko yung ulo ko sa mga kamay ko and continue crying. I want to stop pero hindi lang double, triple, or whatever yung sakit eh. Para bang endless.

Kakambal ko nga talaga yung malas. Endless eh, hindi matapos tapos.

"Anong iniiyak iyak mo dyan?"

Napatigil ako sa kakasinga nung may narinig akong boses.

That voice..

Pinunasan ko yung mata at ilong ko gamit yung damit ko bago tumingala and I found...

A Beautiful Disaster [COMPLETED]Where stories live. Discover now