Chapter 23

223 21 0
                                    

Chapter 23: Hinanakit

∞∞∞∞∞

Christian's POV.

Ilang segundo din kaming nagkatitigan ni General Cuanco. Ang tagal nung huling kita pa namin. Ang tanda na niya pero kilalang kilala ko pa rin siya. Nangigil ang mga kamao ko habang tinitigan ko siya.

Gusto ko siyang patayin sa harap mismo ng pamilya niya, sa harap mismo ng anak ko na apo niya.

I smirked and answered him. "Hindi po, sinadya ka po talagang bumisita muna dito"

He coughed and fakely smiled at me. "Iho, thank you sa pagdalaw ah pero dapat hindi na. Bawal kasi dito ang hindi naman namin kapamilya o hindi naman tinuturing na pamilya. Diba?" Tanong niya pa kila Abby.

Gusto kong tumawa sa sinabi niya. Hindi kapamilya? Alam nya ba na anak ko si Ethan? Kung hindi, sana mamatay siya sa sobrang galit at gulat.

"Abigail, ikaw ba nagimbita sakanya?"
"Hindi po"

Napakunot naman ako ng noo, ako lang ba or parang pinapagalitan na nito si Abby na parang teenager pa lang siya ngayon?

"Ahh okay. Makakaalis ka na,iho" sabi niya sabay lakad papunta sa puntod habang yung kamay niya ay nasa likod.

Tumalikod naman ako at tinitignan ulit siya pero hinila na ako ni Abby palabas. Paglabas namin sa bahay ng puntod ng nanay niya. Sinamahan na niya ako papunta sa kotse ko, tahimik lang kami naglalakad.

Alam ko na noon pa na anak siya ni General Cuanco, nung una nagulat pa ako at tinry ko maging attach sakanya para makaganti ako sa hayop na general na yun pero nung tumagal, I learn that yung kaso sa past at yung ngayon ay magkaiba. Alam ko rin na balang araw magkikita kami ni General Cuanco ulit pero hindi ko naman akalain na ngayon na pala yung araw na yun, shet. Pagkakita ko ulit sa mukha niya bumalik lahat ng mga masasakit na nangyari noon eh.

Napahinto ako sa paglalakad at mukhang agad naman napansin ni Abby yun.

"Christian, okay ka lang?" Narinig kong tanong niya.

Tinignan ko siya. Unti unting nagblur ang paningin ko at medyo gumagalaw na yung mundo sa paningin ko.

"Christian?" Tawag pa saakin ni Abby sabay hawak sa may bandang elbow ko.

Agad ko namang tinanggal iyon at hinila siya palapit saakin. Niyakap ko siya ng mahigpit at pumikit ng mairin. Ininda ko yung sakit ng ulo at niyakap ko lang siya.

"Christian?" Paulit ulit niya tinawag yung pangalan ko.

"Let's just stay like this for a moment" sabi ko and she just let me hug her without asking why or saying anything.

Binuksan ko unti unti yung mga mata ko nung wala na akong naramdamang sakit sa ulo ko. At dahan dahang humiwalay sakanya.

"Are you ok na?" She asked.

Ngumiti naman ako at tumango nalang. Ayoko pang malaman niyang may sakit ako. Actually, She doesn't have to know, besides ilang linggo nalang ikakasal na sila Brittney at Gab pagkatapos nun aalis na rin siya, silang dalawa ni Ethan.

"Mauna na ako" sabi ko ng may ngiti.

"Sige. Ingat. Thank you" sabi niya at kinawayan na ako.

Inistart ko na yung engine at pinaandar ko na yung kotse papunta sa exit dito sa cementeryo. Pero paglabas na pagkalabas ko sa gate agad akong hinarang ng grupo ng mga lalaki.

May naaninag naman akong isang itim na kotse sa hindi kalayuan, maya maya lang biglang bumaba yung bintana sa may likuran at nagpakita ang isang lalaki.

A Beautiful Disaster [COMPLETED]Where stories live. Discover now