Chapter 36

163 14 0
                                    

Chapter 36: A new start?

∞∞∞∞∞

Selena's POV.

"Selena, lunch?" tanong saakin nung co-worker ko dito sa lawfirm na pinagiintern ko, her name is Trisha.

Napatingin naman ako sa orasan. Lunch na? Ang bilis naman.

"Uh.. Sunod ako, tapusin ko lang toh" sabi ko at tumango naman siya tsaka umalis na.

Tinapos ko na yung pinapagawa saakin nung boss ko and pagkatapos kong isubmit, kinuha ko na yung cellphone, wallet at journal ko para maglunch. Pagkabukas ng elevator, nagulat naman ako sa nakita ko dun sa dulo ng nakukumpulang tao dun. Agad ko naman tinakpan yung mukha ko at pumasok dun.

Shocks. Ba't toh andito? Hindi naman siguro niya ako nakita noh? Pag nakita niya ako, patay na talaga ako netooo. Pagkatapos ng lahat lahat na nagawa ko sakanya, sigurado talaga akong papatayin na niya ako ngayon.

*Ting*

I don't know why. Pero mukha talagang bad terms talaga kami ni tadhana ngayon at pinaalis ba naman lahat ng tao dito elevator pwera lang saaming dalawa. Pinagsisihan ko na, galit na nga si Kuya Christian saakin nang dahil sa ginawa ko eh. Amp. Pinagtanggol ko lang naman siya eh, that's what attorneys and sisters are for.

Hindi ako umatras mula sa kinatatayuan ko buti nalang hindi siya umabante at nakasandal pa rin sa likod.

Is it just me or biglang uminit dito? Kinuha ko yung panyo ko at pinunasan ng dahan dahan yung mukha ko hanggang sa batok ko pero.. ahh clumsy hands! Nahulog ko yung panyo ko sa lapag sa likod ko. So paano po tatalikod nang hindi niya nakikita?

Hmmm. Wala naman siyang pake saakin, kasi hindi naman niya ako kilala, so hindi niya ako titignan. Kukunin ko nalang yung panyo pag bumaba na siya.

"Miss. Yung panyo mo nahulog" narinig kong sabi niya at napapikit naman ako ng mairin.

Ano ba yan Elijah, kung kailan kailangan ko yung pagkasuplado at 'walang-pake-sa-paligid-niya' type of guy mo dun mo naman hindi ginamit. Hays.

"Miss--" narinig ko ulit siya nagsalita at bumaba na ako ng mabilis para kunin pero...

Nakita ko the moment na tumingin siya saakin, yun yung moment na kumunot yung noo niya. Aba't, no one dares to look at me like that! Malay ko bang kukunin din pala niya yung panyo ko sa lapag nung time na kukunin ko na yun!

*Ting*

Pagkabukas ng elevator, tumayo na siya at naglakad na papaalis without glancing back at me. Nagmadali naman akong lumabas din at hinabol siya.

"Elijah, wait!" tawag ko sakanya pero hindi siya tumingin. Aba bastos toh ah. "HOY!" sigaw ko sabay bato sakanya ng journal ko nung nasa labas na kami ng building, at tumama ito sa bandang batok niya. Syempre hindi ako pwedeng gumawa ng scene sa loob noh, psh.

Tumingin naman siya saakin ng masama. "Edi ngayon napatingin ka saakin?" sabi ko habang lumalapit sakanya.

"Ano bang kailangan mo?" tanong niya.

Pinulot ko muna yung journal ko tsaka tinignan siya.

"Sorry. Alam ko naman na pinoprotektahan mo lang yung kapatid mo eh pero sana wag ka nang makiepal sa love story nila ah" sabi ko. Nakita kong pumameway siya at ngumiti ng disbelief sa naririnig niya. "Hays. Anyway. I know we both step on the wrong foot, how about we start all over again? Hi I'm Selena Buenaflor, I hope we can be friends?" sabi ko and offer a shake hands.

Tinignan naman niya ito tapos tinignan niya ako ulit, ngumiti naman ako sakanya pero tumalikod nalang siya saakin at naglakad papaalis.

What the. Did he just ignored me?

A Beautiful Disaster [COMPLETED]Where stories live. Discover now