Chapter 27

188 16 0
                                    

Chapter 27: Pinoprotektahan pa rin.

°°°°°

Marlon's POV.

"Sir!" Sabi nung isang sundalo habang nakasalute pagkapasok niya rito sa opisina ko. Nagsalute naman din ako sakanya tsaka siya tuluyang lumapit. "Nagpatawag mo ng meeting sainyo po si Senator Buenaflor"

Tsk.

"Pakisabi pasensya na, marami pa akong inaasikaso. Yun lang"

Wala na siyang sinabi pang iba at nagsalute nalang bago umalis.

Habang nagtratrabaho ako hindi ko maiwasang maisip yung nangyari nung nakaraan. Kung paano ako nagkulang bilang isang asawa kay Claudine.

FLASHBACK.

Pagkatapos ng isang buwan na operasyon sa Mindanao, nakauwi na rin kami.. ako dito sa Santa Ana. Isang buwan,isang buwan namin natiis na hindi magusap ng misis ko dahil bago pa man ako umalis, nagaway na kami. Atsaka walang signal doon sa bundok kung saan kami nadistino. Nagsisisi ako kaya naman pagbaba namin ng bundok agad akong bumili ng bulaklak at ng paborito niyang pagkain.

"Papa!" Sigaw ng anak kong si Zerine tsaka tumakbo saakin kasama ng mga kapatid niya na sina Zeckey at Claudette.

"Kamusta mga anak ko huh?" Tanong ko tsaka isa isa silang hinalikan sa noo.

"Okay naman po, pa!"sabi ni Zerine na karga karga ko.

"Nagmeryenda na ba kayo? Kain na kayo, eto may pasalubong si papa. Masarap yan! Manang" sabi ko at binigay kay manang yung dala dala kong pagkain.

"Oh tara na. Mukhang masarap nga toh oh" sabi ni manang at pinasunod yung mga bata sa hapag-kainan.

"Ay Ester, si madam mo pala, asan? Asa hospital pa ba?" Tanong ko sa isa pang katulong namin.

Doctor kasi yung asawa ko tapos may sarili ding hospital yung pamilya nila, eh maaga pa naman kaya ka nasa trabaho pa siya.

"Ah sir, hindi po pumasok si madam. Nasa taas po siya"

"Huh? Bakit? May sakit siya?"

Nagtaka naman ako dun. Kahit may sakit yun, pumapasok pa rin yun deh. Sa sobrang gusto niyang gumamot ng tao, siya miamo nagkakasakit. Hays.

"Wala naman po ata"

"Ahh. Sige, Salamat" sabi ko at umakyat na dala dala yung bulaklak na binili ko para sakanya. Dahan dahan kong binuksan yung pinto ng kwarto namin para may intense naman kaso wala siya dun.

Napakunot yung noo ko, sabi ni Ester andito siya ah? Napalingon ako sa labas ng kwarto namin at sasara na sana yung pinto nang biglang nakarinig ako ng nagsusuka sa loob.

Binuksan ko ulit ng todo yung pinto ng kwarto namin at pumasok ng tuluyan. Inilapag ko yung bulaklak sa gilid at dahan dahang naglakad papunta sa tapat ng banyo dito sa kwarto namin at dito nga nangagaling yung sumusuka.

May sakit ba siya o ...

Bumukas yung pintuan ng banyo at bumungad si Claudine sa harap ko, na may kasamang gulat na reaksiyon nung nakita ako.

"Marlon.." kalmadong sinabi niya yung pangalan ko pero gulat pa rin yung reaksiyon niya hanggang ngayon.

"May sakit ka ba?" Tanong ko.

Pero hindi siya makasagot.

Napapunas ako ng mukha at pinilit na ngumiti kahit may kutob na ako. "Claudine, mahal. Bakit ka nagsusuka? May sakit ka ba?"

A Beautiful Disaster [COMPLETED]Where stories live. Discover now