Chapter 26

210 16 0
                                    

Chapter 26: I love you

∞∞∞∞∞

Frank's POV.

"Patuloy pong umaatteka yung mga rebelde, sir" sabi nung isang empleyado ko.

"Sinabihan nyo na ba yung mga sundalo? Yung inutos ng presidente" sabi ko.

"Yes, sir. Nasabihan na po. Paano po pala yung isa?"

Napatingin naman ako sakanya tsaka tinignan yung file ni Abby na nasa table ko.

"Patuloy nyo lang siyang sundan, sa lahat ng kilos niya, kung saan siya pumupunta at kung sino mga kasama niya. Wag niyong hahayaang mawala siya sa paningin nyo."

"Opo" sabi niya tsaka umalis na.

Nagisip naman ako kung anong gagawin ko dito sa babaeng ito. Kinuha ko yung phone ko at nagdial ng number.

"Magset ka ng appointment para kay General Cuanco. Gusto ko siyang makausap within this week"

Abby's POV.

Kailangan ko siyang makumbinsi na magpaopera na. At the same time kailangan yung doctor sure akong magiging successful yung operasyon.

Hmm sino naman kayang Neurologist yun? Eh si Kuya Zeckey at...

Napatingin naman ako dun sa pwesto nila Christian kung saan nagkukumpulan sila, sinundan ko naman yung tingin nilang lahat. Tama! Si Marcus! Tama tama.

Kaso, pag nalaman niya yung saamin ni Christian, baka tuluyan niya na yun. Aish. Marcus wouldn't dare. He would probably seperate his personal feelings from his job, right?

Naglakad na ako papunta sakanila nang biglang banggain pa ba naman ako ng isang babae. Jusko laki laki ng space oh! Makabangga? Sorry ah!

"Omg! My baby!" She cried and hugged Christian.

What

The

Fudge?

"Huy huy huy, Trixie. Wag OA, ok? Walang namatay? Ok?" Sabi ni Pat.

Nga naman, makahagulgol, parang namatay na si Christian. Teh? Ang OA ah.

Lumapit na ako sakanila para naman marinig ko ng maayos yung usapan noh haha.

"Aish! Bakit mo kasi hinayaan siyang makaganun! Kawawa naman yung baby ko!" Sabi niya habang hinahawak hawakan niya yung mukha ni Christian. Eto namang si Christian pinipigilang hindi magising.

Pfft, sige ginusto mo yan ah. Magkunyari ka pang tulog hahaha.

"Teka, teka. Sino ka ba ah? At bakit mo ginagawang dough yang mukha ni Christian?! Baka gusto mo rin ganyan ganyanin ko mukha mo? Tutal ubod na ng harina yang mukha mo." Gigil na gigil na sabi ni Britt sabay tanggal nung mga kamay nung babae sa mukha ni Christian.

Ahh. Fighter. Don't underestimate nga naman ang isang fan hahah.

"I'm Trixie Vidal, supermodel, artist,beautyqueen. And ako lang naman ang fiancée ni Christian"

Nanlaki naman mata ko. Fiancée? As in Fiancée? Teka teka, all this time ikakasal na pala siya sa ibang babae?

Wow. So I guess we're even.

Yeah. We're even.

"Pfft. Fiancée? Fiancée ka lang pala eh! Pwes eto sasabihin ko sayo. Hindi yan matutuloy! Hindi ka pa ba informed dun sa nangyari sa last wedding niya?" Sabi ni Britt habang nakataas yung isang kilay.

"How dare you! Sino ka ba ah?!"

"I am Brittney Santiago, dermatologist, fiancée ng isang sundalong mambabaril sayo! At kaibigan ng nanay ng anak ng fiancée mo!"

A Beautiful Disaster [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon