Chapter 39

147 13 0
                                    

Chapter 39: Attacked

∞∞∞∞∞

Abby's POV.

Dumaan muna kami sa bahay para kunin yung mga gamit namin. Wala naman dun si Ate Zeline, baka asa kampo siya ngayon. Kumatok naman ako sa office ni papa.

"Papa? Aalis na po kami" sabi ko sakanya.

"Pumasok ka muna dito" sabi niya habang hindi nakatingin saakin. Sinarado ko naman yung pintuan at naglakad papunta sakanya.

"Ano po yun?" Tanong ko habang yung kamay ko nasa likuran.

May kinuha naman siya sa drawer niya at nakita kong box ito at sa loob nun may nakita akong makalumang necklace. Kanino kaya yan? Parang nakita ko na yan noon?

"Nasa mga gamit toh ng mama mo nung nabubuhay pa siya" sabi niya. Ahh oo nga! Nakita ko nga yan sa mga gamit ni mama. "Pero hindi sakanya ito"

"Po? Edi kanino?" Tanong ko tumayo naman siya at umikot mula sa desk niya papunta saakin.

"Sayo" sabi niya sabay bigay saakin nung box. Binuksan ko naman iyon at dahan dahang inilabas?

"Saakin?" Tanong ko naman habang pinagmamasdan yung necklace.

"Galing yan sa totoo mong tatay. Binigay niya yan sa mama mo bago sila maghiwalay para ibigay sayo paglaki. Pero ngayong wala na siya, hindi ko ipagkakait yan sayo, ang totoo" sabi ni papa.

Tumingin naman ako kay papa. Bakit ang sweet niya ngayon? Para bang mamatay na siya? Oh no. Wag. Knock on wood. Joke lang.

Hindi ko mapigilan yung sarili ko at niyakap ko siya. "Salamat po sa lahat" sabi ko kahit may grudge ako sakanya, nagpapasalamat pa rin ako at hindi niya ako pinabayaan.

"Ay sorry po. Naoverwhelmed lang po" sabi ko at pinipigilang tumulo yung luha.

Nakita ko naman siyang ngumiti. For the first time! Wow! Pwede na akong mamatay! Hahaha joke lang!

Nagpaalam na kami sa isa't isa at umalis na kami papunta sa airport. Habang nasa kotse kami tinitignan tignan ko pa rin yung kwintas na binigay niya.

"I'm glad you and your dad are in goodterms already" sabi ni Christian habang nagdadrive.

"Oo nga eh. Ang bait nya nga ngayon. Medyo nagwoworried na nga ako eh. Baka may mangyaring masama sakanya." sabi ko at bumuntong hininga tsaka binaba yung box na binigay saakin ni papa.

Huminto naman yung kotse dahil sa redlight. He gently pat my head, I looked at him.

"Wag kang magiisip nga ganyan. Baka naman nagbabagong buhay na siya. Wag kang magalala" sabi niya sabay ngiti. Ngumiti naman ako sakanya medyo feeling reassured na.

Tinignan ko ulit tong box na nasa lap ko. Ganda talaga. Tinanggal ko yun sa box at sinoot ko. Tinignan tignan ko naman iyon sa salamin ng kotse pagkasoot ko.

"Bagay ba?" Tanong ko kay Christian habang nagdadrive siya. Tumingin siya saglit saakin pero bumalik ulit yung tingin sa daan.

"Oo naman. Lahat naman bagay sayo eh" sabi niya. Medyo tinulak ko naman siya at tumawa, napangiti rin naman siya.

"Ano ba yan" pabiro kong sabi at inayos na yung sarili ko.  "Ay wait!"

Napahinto bigla sa gilid yung kotse at napatingin saakin si Christian.

"Bakit? Anong nangyari?" Nagaalalang tanong niya. Tinignan ko siya.

"Bisitihin muna natin si mama" sabi ko at ngumiti ng pilit.

A Beautiful Disaster [COMPLETED]Where stories live. Discover now