"Oh, he finished some missions outside the University for straight 2 weeks kaya pagod na pagod," yung lalaki namang kulay blue ang buhok ang sumagot sa akin.

"Is he gonna be fine?" tanong ko.

"You seems so worried about our master, miss. And yeah, he's gonna ba fine. Dadalhin na lang namin siya sa clinic." Napatango ako sa sagot nung chinito.

"A-Ah, oo nga pala." Kinuha ko sa loob ng bag ang isang banig ng gamot. "Na-over fatigue din kasi ako recently kaya may gamot ako, ipainom ninyo ito sa kaniya. S-Salamat po."

"Thank you miss... Oh, what's your name by the way?" tanong nung lalaking tumulong sa akin patayo.

"Arrow po," magalang kong sagot.

"I'm Hero by the way, this one is Filotimo and right here is Ayce," patukoy niya doon sa chinito at sa lalaking kulay blue ang buhok.

"H-Hello po." Tumungo ako para magbigay galang sa kanilang tatlo.

"No need to be so polite, miss. Salamat din sa pagtulong dito sa kaibigan namin." Tumango-tango ako sa sinabi ni Ayce.

"U-Una na po ako," paalam ko.

Tumungo muna ako sa kanilang tatlo bago tuluyang umalis.

Nakatingin lang ako sa lupa habang naglalakad.

Kawawa naman siya. Sa sobrang pagod niya ay bigla siyang nag-collapse.

"Arrow! Saan ka galing?!" Hysterical na sigaw ni Sabrina kasama sila Saiko.

"H-Ha? Sa gym," sabi ko.

"What?! Nagpaiwan ka doon? Hindi mo ba alam kung gaano kadelikadong tao si Froze para mag-stay ka pa doon?" Kinaladkad na ako nila Saiko palayo.

"Pero natumba kasi siya bigla, eh. Nakakaawa n-naman siya kung iiwan--"

"You promised us na hindi ka lalapit sa kung sino," putol sa akin ni Miyuki.

"Saglit lang naman 'yon, eh. H-Huwag kayong mag-alala, umalis agad ako," sagot ko agad.

"Hindi mo siya dapat tinulungan o nilapitan!"

Hindi makapaniwalang nilingon ko sila.

"Ano?" tanong ko.

"Arrow--"

"Kung kayo ba yung nasa puwesto ko, hindi ninyo ba gagawin yung ginawa ko? Tinulungan ko lang naman yung tao kasi bigla siyang nag-collapse. Ngayon, kung magkaiba tayo ng takbo ng mga utak, hindi ko na kasalanan iyon," paliwanag ko.

Natulala pa sila saglit sa reaksyon ko, pero si Sabrina ang unang nakabawi.

"You don't understand us, Arrow."

Nilihis ko ang tingin at nilagpasan na lang sila. "Gusto ko kayong intindihin pero hindi ko naman talaga kayo maintindihan."

"He's the rank 1, Arrow. Siya ang tinutukoy namin na may-ari ng University." Napatigil ako sa paglalakad.

Nilingon ko sila. "Mababawasan ba non ang desisyon ko na tulungan siya?"

"But you can be in danger when he's around, Arrow," galit na sabi ni Saiko.

"Well, I'm still alive. Buhay pa naman ako hindi ba?" tanong ko.

Napatigil silang tatlo.

"Ayokong ibatay sa puwesto ng tao kung tutulungan ko ba sila o hindi, kung magkakaiba ang opinyon natin huwag na ninyong subukan ibahin ang akin. Sinusunod ko kayo kapag alam kong tama kayo, pero huwag na ninyo akong diktahan kapag sariling desisyon ko na." Iniwan ko silang tatlo doon para pumunta sa susunod na klase.

Hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay humarang na sila sa daan ko.

"Arrow, sorry na. Huwag ka nang magalit," malambing na sabi ni Sabrina.

"We just want you to be safe, we're sorry kung nasobrahan kami," sabi naman ni Saiko.

I smiled sweetly at them. "Hindi naman ako galit, bati naman tayo forever."

Dinamba ko silang tatlo ng yakap.

Narinig ko pang bumuntong hininga si Miyuki at Saiko.

"I told you, mabilis mawala ang galit niyan," nakangising sabi ni Saiko.

"Hindi nga po ako galit," sabat ko.

Tumawa silang tatlo at hinaplos ang buhok ko. "Sige na, lilimitahin lang namin ang pagbabawal sa 'yo. But next time, iwasan mo na lang siguro si Froze. Hindi siya makakabuti sa 'yo. Kahit gusto namin siya ay alam pa rin namin kung ano ang ugali niya."

Tumango-tango ako sa mga sinasabi nila.

"Tara na, we're 10 minutes late for goodness sake!"

Natatarantang tumakbo kaming apat para makahabol pa sa klase namin.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Where stories live. Discover now