Chapter 3

28.9K 1K 51
                                    

Arrow Vlood

"Hello po. Ako p-po si Arrow Perez, 21 years old." Magalang na yumuko ako sa harapan nilang tatlo.

Wala silang sinabi at nakatitig lang sa akin na para bang tinubuan ako ng dalawang ulo.

"You are so polite. Hindi ka bagay dito," malamig na sabi ni Saiko at inirapan pa ako.

Napayuko ako sa sinabi niya. Ayaw ba nila ako maging kaibigan?

"I'm Saiko Zhen by the way, don't bother shaking hands with me, I won't accept it."

Nakatungo pa rin ako dahil ayokong makita nila ang mga nagbabadyang luha sa mata ko.

"Hi beauty, I am Sabrina Merell, and I really love your face and your eyes!" Ngumiti ako ng matamis kay Sabrina bago muling yumuko.

"Miyuki Gondranios, and Saiko's right, hindi ka bagay dito, Arrow. Ngayon pa lang, umalis ka na." Tuluyan nang tumulo ang luha ko dahil sa sinabi ni Miyuki.

Why don't they want me here? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila.

Hindi ko na napigilang mapahikbi.

"What the. Naiyak ka ba?!" Rinig kong singhal ni Saiko na hinawakan pa ako sa magkabilang balikat.

I wiped my tears away pero patuloy pa rin sila sa pagtulo.

"I'm sorry, I'm s-sorry po. I don't know what d-did I do wrong, g-gusto ko lang po kayo maging kaibigan." Umiiyak na nilabas ko ang daing ko.

Ayoko talagang may taong nagagalit sa akin, gusto ko lang naman maging kaibigan ang lahat, masama ba iyon?

"Hala, pretty, 'wag ka nang umiyak. Ayan kasi, the two of you, you're so mean to her!" sigaw ni Sabrina na bahagya pa akong niyakap.

I felt relief suddenly dahil sa pagyakap niya.

Sumisinghot na yumuko ako kay Saiko at Miyuki. "S-Sorry po kung may ginawa man ako n-na hindi ninyo nagustuhan."

"N-No, no. Pasensya na rin, hindi namin sinasadyang sabihin 'yon." Inalo ako ni Saiko dahilan para mas lumakas ang iyak ko.

Akala ko kasi ayaw na nila sa akin.

"Ang cute mo pa naman Arrow, kaya ko lang sinabi 'yon ay para protektahan ka. Especially na ganiyan ka pala kalambot, ikaw ang pag-iinteresan dito." Napakunot-noo ako sa sinabi ni Miyuki.

I wiped away my tears. "P-Protektahan? Hindi po ako kriminal, h-hindi naman po ako hinahabol ng mga pulis."

They chuckled all together na mas lalo pang nagpadagdag ng lito sa akin.

"Arrow you are so innocent, dapat ay inalam mo muna kung anong klaseng mga estyudante ang nandito," seryosong sabi ni Saiko sa tabi ko.

"B-Bakit po?" tanong ko.

I really want to know kung bakit ganito sila magsalita.

"Most of the students here are rebels, Arrow. Matatalino naman ang mga estyudante dito, pero sa loob ng University, we are all rebels here," paliwanag ni Sabrina habang bahagyang hinahaplos ang kamay ko.

Ngumiti ako sa kaniya na ikinatulala niya. She's so sweet, kanina pa siya sweet sa akin na ikinatutuwa ko.

"Lahat po ba kayo dito?" dugtong ko.

"No, some of the students here are from other Universities na dito pinapadala dahil lagpas lagpas pa ang talino." Si Miyuki ang sumagot sa akin.

"N-Nambu-bully po k-kayo?"

"Hindi naman gano'n kababaw ang ugali ng mga estyudante dito, kapag may natipuhan lang sila o kaya naman ay may kumalaban sa kanila, doon nagsisimula ang gulo. Pero hindi naman totally napakasama ng mga estyudante dito," Sabrina said.

"B-Bakit ninyo p-pa po ako pinapaalis? Hindi ko naman po sila kakalabanin, promise, mag-aaral lang po talaga--"

"You are so beautiful, Arrow. Tingin mo hindi ka mapapansin?" taas-kilay na tanong ni Saiko.

"Hindi n-naman po ako magan--"

"Oh shut up, Arrow, ang ganda mo kaya. Kung ako may-ari ng mukhang 'yan, I'll definitely get one hundred boyfriends," nakangising kinindatan ako ni Sabrina.

Sa maikling panahon ay nalaman ko na rin agad ang pagkakaiba nilang tatlo.

Si Miyuki, siya yung tipo na nakakatakot at parang cool lang.

Samantalang si Saiko naman ay tahimik at seryoso.

Tapos si Sabrina yung sassy at medyo maarte sa kanila.

Pero kahit naman anong ugali nila ay kakaibiganin ko pa rin sila.

Sasagot na sana ako kay Sabrina pero biglang napabaling ang atensyon ko sa paso na nadaanan ko ng tingin.

Tumayo ako sa sofa at nagmamadaling pumunta doon.

Nagniningning ang mga matang kinuha ko ang isang bato. "Wow, bato, itim na itim. Puwedeng pahingi ng isa?"

Ngumiti ako sa kanila at pinakita ang maliit na batong kinuha ko.

Nakatingin lang sila sa akin na para bang may ginawa akong kasalanan.

Hindi ko na lang sila pinansin at muling hinarap ang paso at nagtingin-tingin pa ng mas magandang hugis sa batong hawak ko.

"Wow, para siyang hugis A." Natutuwang itinaas ko nang bahagya ang bato na kung titingnan ay paletrang 'A'.

Nagkalikot pa ako para maghanap pa pero narinig ko silang nag-uusap sa likod ko.

Minabuti kong makinig habang kunwari ay kumakalikot pa rin ng mga bato.

"Boys will surely pick on her, guys. She's so perfect." Boses ni Miyuki.

"And Reid too, alam ninyo kung gaano kainsekyora ang babaeng iyon. Kaya hindi puwedeng magkalapit sila ni Arrow dahil hindi natin siya kakayanin." Boses naman iyon ni Saiko.

"Ah basta! I want Arrow to stay here, I want a friend like her. She's so cute!" Irit ni Sabrina ang nangibabaw sa lahat.

Natutuwa ako na gusto niya akong maging kaibigan.

Ako rin naman, gustong-gusto ko silang maging kaibigan lahat.

Sana lang ay hindi ako mahirapang maging close sila, gusto ko kasi na may natatawag na kaibigan o best friend.

At mas masaya daw kapag marami, sabi ni mommy.

"Protect her no matter what, mangangapa pa siya sa unang pasok niya." Dinig kong sabi ni Miyuki.

"Let's be friends with her, ha? She seems so nice and kind, gusto ko siya maging kaibigan." That's Sabrina's voice right now.

I smiled sweetly. I hope everything's gonna be fine.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon