Chapter 42

20.6K 652 18
                                    

Arrow

I shook my head. "I am not dead, Kathleen, ang akala lang ng lahat ay nawawala ako."

"No, Arrow. You're already dead in the whole Korea. 'Yon ang pinalabas ng lolo mo para protektahan ka." I covered my mouth as I lick my lower lip.

Imposible. Imposible.

"W-Why?" Sinabunutan ko ang sarili. "Why am I dead, Kathleen?! Hindi ako puwedeng mamatay! Kailangan nilang malaman na buhay ako!"

"Hindi puwede, Arrow. Mas maraming kalaban ang lalapit sa 'yo para patayin ka. Kung nagawa ka nilang patayin dati, kaya rin nilang gawin 'yon!" sigaw niya pabalik.

Hindi ko na alam kung paano kontrolin ang nararamdaman ko.

"What do you want me to do right now, Kathleen? What am I supposed to do? Paghintayin ang mga taong namatay nang dahil sa akin?! They all died and it's because of me!" I shouted.

"Arrow, you need to rest. Don't do this to yourself--"

Hindi ko na napigilan ang sarili. Napahagulhol na ako sa sobrang sakit ng nararamdaman.

"I have no time to rest, Kathleen. Pagod na pagod na akong tumunganga at maging mahina. Kahit gaano pa man katapang ang dating Arrow na tinutukoy ninyo, hinding-hindi ko siya maibabalik hanggang hindi pa ako nakakaalala. Masasaktan at masasaktan pa rin ako, maghihiganti pa rin ako kahit anong sabihin ninyo. I'm still the soft-hearted stupid Arrow and it's killing me tuwing iniisip ko kung paano namatay ang mga taong naging parte ng buhay ko," umiiyak kong sabi.

"They used to make me smile, protect me at all cost. Pero kailan ko ba sila pinrotektahan, Kathleen? Bakit hindi ko magawa ang bagay na ginagawa nila sa akin?!" frustrated na sigaw ko.

"I'm sorry, Arrow. I'm really sorry."

Pinikit ko ang mga mata habang patuloy na pinapaagos ang mga luha ko. Ang sakit sakit na.

"I hope your sorry makes sense, I hope it'll help me gain my memories back, Kathleen. Baka matuwa pa ako sa 'yo kapag nangyari 'yon." Malakas kong sinarado ang pintuan ng kotse pagkasakay ko.

Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi at pinaandar na ang sasakyan. Pero hindi pa ako nakakalayo sa university nang manakit na naman ang dibdib ko.

I stopped the engine and cried my heart out. Bakit nila kailangang mamatay? Anong kasalanan ng mga taong 'yon sa mga tarantadong nagtangka sa akin?

"If only I found out about my real identity the moment I met you, guys. Hindi na sana kayo lumapit at nagpakilala sa akin. Hindi sana kayo nalagay sa ganiyang sitwasyon," I whispered to myself.

Humigpit ang kapit ko sa manibela habang umiiyak.

Napatigil ako sandali nang bumukas ang pintuan ng kotse ko.

"Arrow, where are you planning to go?" nag-aalalang tanong niya.

I clenched my jaw. "I'll be gone for a while, and don't even dare to find me."

Sinarado ko ang pintuan at mabilis na pinatakbo ang kotse.

I just need time to think. Kailangan kong makaalala para malaman ang lahat ng bagay na iniwanan ko sa nakaraan.

Napangiti ako nang bigla na lang sumagi sa isipan ko ang lalaking 'yon. I wonder where is he right now, is he doing fine?

Froze. I wonder if you'll be able to erase this pain I'm feeling. I just hope that you're here, baby.

I miss you.

Kathleen

"What the hell do you want?" malamig na tanong niya sa akin dahilan para mapalunok ako.

Parehas lang sila ni Arrow, nakakatakot kapag malapit sa 'yo.

"I'm here to beg you, Froze. Kailangan na kailangan ka niya ngayon," pakiusap ko rito.

Tinitigan niya ako nang malamig na para bang tumagos hanggang sa kaluluwa ko. Nakakatawang isipin na mas bata pa sa akin ang mga kinakatakutan ko.

"Who in the world you're exactly talking about?" tanong niya.

"Alam kong kilala mo siya, Froze. Arrow needs you, hindi niya kakayanin mag-isa tanggapin ang sakit na bitbit niya ngayon."

Napangiti ako nang makita kung paano lumambot ang ekspresyon niya nang marinig ang pangalan na binanggit ko.

Napahilamos siya sa mukha bago nagmamakaawang tumingin sa akin.

"W-What happened to my angel? Tell me!" sigaw niya.

"She found out that she's the princess of Korea. Patay na sila Victoria at si Henry, even Arrow's friends, they're all dead," paliwanag ko.

Sinabunutan niya ang sariling buhok habang nakayuko.

"She's not mad at me right? Hindi naman siguro siya galit sa akin dahil nalaman niya ang totoo 'di ba? Tell me. Did she found out about what I did?" he asked due to frustration.

Iling naman ang sinagot ko sa tanong niya.

"Hindi niya pa nalalaman ang lahat dahil hindi pa siya nakakaalala," sagot ko.

Sunod-sunod siyang napamura.

"Alam kong ikaw ang kailangan niya sa panahon na 'to. She's still the innocent Arrow na nakilala natin ngayon, at kahit patigasin niya ang puso niya, masasaktan at masasaktan pa rin siya. I know she's thinking of you right now," turan ko.

I saw how his tears fell after I said that.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. I can't believe that he's really crying infront me.

It's imposible for Froze, to cry, a Knights like him. Hindi mo puwedeng kalabanin ang pamilya nila dahil mababaliktad lahat ng ginawa mo.

Pero siguro nga, kahit anong kalakasan nilang magkakapatid, ang mga babaeng mahal pa rin nila ang puwedeng maging kahinaan nila.

"Do you know where is she right now?" tanong niya na sinagot ko ng iling.

"Then, have you seen her bag with her?"

Tumango ako nang maalala. "It's inside her car."

"I placed a tracker inside and I'm sure it's still inside," bulong niya sa sarili.

"I'll go now. Don't you dare tell the emperor about this, Kathleen. Ayokong may humahadlang sa relasyon namin ni Arrow, alam mo kung paano ako magalit." 'Yon ang bantang iniwan niya sa akin bago siya umalis.

Napangiti ako nang matamis. The emperor will surely understand their situation.

Just be happy, the both of you. Maaaring ito na ang huling beses ba magkakasama kayong masaya.

Be happy, Froze. You sacrificed everything you can give, and you deserve happiness.

---

Hello! Sana ay suportahan ninyo ang kaibigan kong manunulat din. Her username is @Autumnx0 and her stories are great! Thanks!

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon