Chapter 34

20.8K 701 18
                                    

Victoria

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Bakit nandito ang lalaking 'yon? Bakit siya kilala ng anak ko?

"This is wrong, hindi dapat ito mangyari," kabadong saad ko.

I immediately dialed his number, ilang segundo lang din ay sinagot niya ito.

"I'm sorry for calling you, alam kong pinagbawalan mo na ako, pero may kailangan akong sabihin!" saad ko.

"What is it, Victoria?"

"'Yung lalaking tinutukoy mo sa akin noon, nandito siya! Kasama niya ang anak ko at para bang magkakilala sila!" I'm literally panicking.

"I told you to keep an eye to Arrow, Victoria. Pero bakit kasama niya ang lalaking 'yan ngayon?" Galit ang tono nito na ikinabahala ko.

"I'm sorry, I'm really sorry. I always ask my daughter kung sino ang mga napapalapit sa kaniya, but she didn't told me about Froze. Hindi ko alam," paliwanag ko.

"Hindi ko alam kung ano ang puwede nating gawin. Arrow is a wise woman, kahit nawala ang ala-ala niya, kapag pilot mong nilayo si Froze sa kaniya, siguradong magtataka siya." Napabuntong hininga ako sa sagot niya.

"What are we going to do now, emperor?" I asked him.

"Let him be, Victoria. He'll never do something that might harm the princess, I trust him ever since. Just let them do whatever they want. Maybe it's better for them to stay that close." Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niyang 'yon.

I'm so glad that he came up with that decision.

Dahan-dahan kong binaba ang telepono habang pinagmamasdan ang anak ko na nakikipag-usap sa kaniya.

Kitang-kita ko kung paano magningning ang mga mata ng anak ko habang nakikipag-usap sa lalaking 'yon.

I don't want to hurt her kaya hindi ko gustong ilayo si Froze mula sa kaniya.

Mapait akong tumawa dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari.

Of all people, Arrow, why him? Bakit ang lalaking 'yan ang nagustuhan mo?

Mariin akong pumikit habang malalim ang iniisip.

They used to be that close back then... Until now.

Naiiling na tumawa ako. Hindi nga talaga siguro sila paghihiwalayin ng tadhana. Kahit kami, hindi namin sila kayang paghiwalayin.

"VICTORIA! Victoria!" Nagulat ako nang marinig ang boses ng asawa ko mula sa sala.

Mabilis kong pinunasan ang kamay ko at naglakad patungo roon.

"Henry, ano bang sinisigaw..." Napatigil ako nang makita ang babaeng buhat-buhat niya.

Inilapag ni Henry ang napakagandang dalaga sa sofa kaya malaya ko itong napagmasdan.

"Victoria, I found her body near the river," humahangos na paliwanag ng asawa ko.

Lumapit ako sa dalagang dinala niya, I touched her beautiful face and smile after.

"She's so beautiful, Henry. Pero bakit may mga sugat siya sa katawan? Base sa nakikita ko, hindi pa masyadong naghihilom ang mga sugat niya," nag-aalalang saad ko.

He sat down. "Someone gave her to me, siya siguro ang unang nakakita sa katawan ng dalagang 'yan. Sinabi niya sa akin na mapapahamak silang dalawa kapag kinupkop niya ang dalagang 'yan."

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon