Chapter 65

24.6K 646 86
                                    

Arrow


"What the hell is happening, Alicia? Bakit nagkakagulo ang lahat?" takang tanong ko nang makasalubong ko siya.

Maging siya ay halata ang pagkataranta sa mukha.

"P-Princess, your father is creating a huge mess inside the palace!" simpleng sagot niya bago ako lagpasan.

Kitang-kita ko rin ang paglabas ng mga palace guards mula kung saan. They all look bothered.

Kababalik ko lang sa palasyo pero ganito na agad ang mabubungaran ko.

Hindi na ako nag-atubli na sundan ang mga guwardiya kung saan sila pupunta.

What the hell pushed Mesaion to do these things again?

Ano na naman ang ginawa niya?

Nagulantang ako nang makita ang mga naglalabang guwardiya sa harapan ng lolo ko.

I knew it. There are some guards here na nasa panig ng tatay ko, talagang magaling siyang mangumbinsi.

My mother just killed herself because of him, because of his sins. Pero ano na naman ba ang ginagawa niyang kalat ngayon?

Mabilis kong kinuha ang katana sa likuran para makipaglaban din sa mga sumusugod sa akin.

Madali ko lang silang napatumba dahil kailangan ko pang maprotektahan ang lolo ko.

Kahit maraming nakapaligid sa kaniya ay hindi ako makakampante.

"Mesaion!" galit na sigaw ko nang makita kung paano niya tangkain na sugurin ang lolo ko.

Lumingon siya sa akin habang walang ekspresyon ang mukha. "Stay out of this, Arrow. Huwag ka nang mangialam pa!"

Tinakbo ko ang pagitan namin para harangan ang lolo ko. I'll never let him harm Gunner this time. Ako na mismo ang makakalaban niya.

"Stop all these shits that you're trying to make, Mesaion. Tigilan mo na ang kahibangan mo sa kapangyarihan!" sigaw ko.

"I said stay out of this!"

"Canapia died because of you! Hindi ka pa ba nakokonsensya sa lahat ng mga nagawa mo?!" galit na singhal ko.

Hindi siya sumagot sa akin, sa halip ay muli niyang kinalaban ang mga guwardiyang panig sa amin.

Hindi rin dapat ako tumunganga rito sa tabi, kaya nakipaglaban pa rin ako sa mga guwardiyang akala ko ay kakampi namin hanggang huli.

Kung ano man ang nag-udyok sa kanilang magtraydor, hindi sila dapat magpadala sa tuksong 'yon.

Habang nakikipaglaban ay hindi ko maiwasang mainis dahil sa dami ng mga traydor sa paligid ko. Parami sila nang parami at hindi ko alam kung saan sila nanggagaling.

Tumigil ang katana ko sa ere nang makita kung paano iangat ni Mesaion ang hawak na baril paangat sa ulo niya.

Muntik ko nang mabitawan ang hawak na armas dahil sa ginawa niya.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon