Chapter 44

24.9K 748 235
                                    

Arrow

Kanina ko pa tinatawagan si Froze pero hindi naman siya sumasagot sa mga tawag ko.

I need to know kung nasa ayos na bang lagay ang bangkay ng mga kaibigan ko.

Nakailang tawag na ako pero hindi pa rin siya sumasagot, siguro kailangan ko na siyang puntahan. Baka kung ano na ang nangyari sa kaniya.

Mabilis akong nag-ayos at nagbihis para umalis. Nang makalabas sa condo ay nagmamadali ang bawat kilos ko, I ran towards the parking lot.

Nang makita ko ang kotse ko ay mabilis ko itong binuksan at pinaandar.

I'm heading to Knights University because I really need to check my friends' bodies. Sana ay tumawag si Homer ng tulong.

I know he's mad at me, and I won't blame him for that.

Nabalik ako sa realidad nang maisip si Miyuki. Where the hell is she? I know she's not dead dahil hindi siya binanggit ng lalaking 'yon.

Parang nakahinga ako nang maluwag sa isipin na nakatakas siya. Please stay safe, Miyuki. I really need you to stay safe.

Natatawang pinagmasdan ko ang daanan. Kung sino nga naman ang hindi pinakamalapit sa akin, siya pa pala ang matitira.

I parked my car safely and get off. Maraming tumitingin sa direksyon ko pero hindi ko na sila tinatapunan ng tingin.

Marami akong nakakasalubong na sinusubukan akong tanungin tungkol sa pagkamatay nila Sabrina pero nilalampasan ko lang sila. Ano bang pakealam nila? Mga mapagpanggap.

"Filotimo!" tawag ko sa atensyon ng lalaking napadaan sa harapan ko.

Agad siyang humarap sa akin, pero kitang-kita ko ang pagkagulat at kaba sa mga mata niya.

"A-Arrow," he uttered.

Nagtatakang pinagmasdan ko siya. He's stuttering, I wonder why.

"Have you seen Froze? Where is he?" tanong ko.

"Hindi ko rin alam. Kanina pa siya hindi sumasagot sa mga tawag namin, nag-aalala na kaming lahat nila Hero," frustrated na saad niya.

"W-What?" utal kong tanong.

"Someone called us a while ago, they told us that we will witness how Froze die." Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya.

He can't be in danger because of me, right?

"Saan ninyo siya huling nakita?" nag-aalalang tanong ko.

Ilang beses siyang napakurap bago sumagot. "He's in our house."

Tumango lang ako at nilagpasan na siya. Naglakad na ako papunta sa likod ng university kung nasaan ang bahay ni Froze.

Nang makita ito ay agad akong humakbang papasok. The door is open kaya dire-diretsyo lang ako.

Luminga ako sa sala pero hindi ko makita ang pigura ni Froze, nasaan kaya siya?

"Fr--Shit!" mahina akong napamura nang muntik na akong madulas.

Inis na tiningnan ko ang bagay na natapakan ko pero agad ding nagtaka. This is Froze's clothes. Fuck! Nasaan si Froze?!

I heard a noise coming from Froze's room kaya doon ako nagpunta.

Hindi ko maiwasang kabahan. Hindi siya puwedeng mawala sa akin, hindi siya puwedeng mapahamak dahil baka tuluyan na akong mamatay.

"Froze? Are you inside?" mahina kong tanong, pero sa loob ko ay nanginginig na ako.

No one answered me, but I'm sure that the noise is coming from inside.

Tunog iyon ng isang tao na para bang may takip ang bibig.

Please, be safe, Froze. Sana guni-guni ko lang ito.

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at hinanda ang sarili para sa mga kalaban.

Pero napatulala ako nang ibang eksena ang bumungad sa akin.

"F-Froze," naiiyak kong tawag sa pangalan niya.

Dahan-dahan siyang humiwalay mula sa paghahalikan nila ni Reid at lumingon sa akin.

I was expecting him to say sorry, but he didn't. Ngumisi lang siya kasabay nang pagharap sa akin ni Reid na halos hubad na sa harap ni Froze.

"So your woman is here, baby! Hey, Arrow." Kumaway sa akin si Reid na para bang tuwang-tuwa sa reaksyon ko.

Hindi ako sumagot, nakatitig lamang ako kay Froze na para bang walang pake sa reaksyon ko. He's just standing right there.

"W-What is this?" malamig kong tanong.

"It's a surprise, Arrow. Actually matagal na nga naming pinlano ito, napatagal lang ang pag-amin namin kasi nasasarapan pa kaming makita ka na nahihirapan," nakangising sagot ni Reid na tumawa pa.

I harshly wiped my tears away.

"Thank you. I was really surprised," malamig kong tugon.

She grinned like a devil. "What do you feel, right now, Arrow? Masakit ba? Pasensya ka na, ha. Ikaw kasi ang natyempuhan naming paglaruan. At kumagat ka naman!"

Muli kong pinawi ang mga luhang pumatak sa pisngi ko at nginisian siya pabalik. "May ngipin ako, e. Pero next time baka ikaw na kagatin ko."

Namula ang buong mukha niya na para bang naiinis. She was about to attack me when Froze stopped her.

I looked at him seriously.

"Don't mind her, Reid. A toy is a toy, and you're a goddess. You'll just get your hands dirty if you touch her." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

How dare him?

Matamis akong nginitian ni Reid na para bang nagtagumpay sa isang championship na siya lang ang contestant.

"I'm really sorry, Arrow. But you can't took him away from me dahil kami naman talaga. Let us say na, props ka lang," tumatawang saad niya.

Hindi ko na pinansin pa ang mga sinasabi niya. Ang sakit-sakit na ng puso ko, at ayoko nang magtagal pa.

Muli kong nilingon si Froze na malamig lang na nakatitig sa akin.

I smiled at him sweetly as I wipe my tears away. "Atleast you're safe. I'm really glad." I stopped for a moment when my voice broke, pero nagpatuloy ako kaagad. "I'm really glad that you're safe."

Hindi siya nagsalita. Malamig pa rin ang pagkakatitig niya sa akin.

"Please stay safe forever, Froze. Mas mabuti na nga siguro na hindi totoo ang nararamdaman mo sa akin. Madali ka lang naman kalimutan, e. I am a very important person and I can get a man, hindi naman ako mahihirapan doon." Ngumiti ako nang matamis.

"I'm just sad for you, that you happened to end up with this kind of whore. Ingat-ingat din kayo minsan sa isa't isa, parehas pa naman kayong ahas," mapait at mariin kong sabi.

Mabilis ko silang tinalikuran para umaalis.

Hindi ako lumingon pabalik, hindi ko hinintay na tawagin niya ang pangalan ko. Wala nang mga luha ang pumatak mula sa mga mata ko nang maglakad ako papaalis.

Be happy, Froze. 'Cause you'll never see me again.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon