Chapter 46

23.8K 762 97
                                    

Arrow

Inirapan niya lang ako at humakbang papalapit. Buong lakas niyang hinigit ang buhok ko kaya mariin ko siyang tinitigan.

"Huwag mo akong pagbantaan na para bang kayang-kaya mo akong talunin, Arrow," she coldly said.

I chuckled devilishly and smirk at her. "I almost killed you that night, Reid. Huwag mong sabihin na nakalimutan mo na 'yon?"

Napangisi ako nang mamutla ang buong mukha niya. Nawala rin ang mariin na pagkakakapit sa buhok ko kaya kinuha ko ang pagkakataon na 'yon.

Hinablot ko ang braso niya at ibinalibag siya sa lupa dahilan para magsigawan ang mga estyudante.

She groaned in pain because of what I did. Pero hindi pa ako kuntento sa sakit na naramdaman niya.

Dinampot ko ang baseball bat na kanina'y hawak-hawak niya. Isang matamis na ngiti ang ginawad ko sa kaniya bago ihampas sa kaniya ang bagay na hawak.

Rinig na rinig nang lahat kung paano siya umungol sa sakit. She's not screaming. Talagang ayaw ipahalata sa iba na sobrang nasaktan.

Sinamaan ko ng tingin ang mga kaibigan niyang humakbang papalapit. Otomatikong umatras sila nang mapatingin sa akin.

Bumaling muli ako kay Reid habang kinakaladkad ang bat sa kamay ko.

Tumalungko ako sa harapan niya at ngumiti. Hinawakan ko ang baba niya para iangat ang mukha niya.

Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka bulagta na ako rito sa lupa sa sobrang sama ng tingin na binibigay niya.

"Fuck you," she uttered na ikinangiti ko.

"I like how brave you are, Reid. But I don't like the way you flip your tongue. Shall we get rid of it?" I asked her while grinning.

Hindi pa siya nakakasagot ay hinampas ko na siya ng baseball bat sa mukha.

Rinig na rinig ang pagkabasag ng mga buto niya dahilan para mapatingala ako sa saya. Feels so good.

Tahimik lang ang lahat ng estyudante, walang nagbabalak magsalita o makisali.

I was surprised when Reid suddenly stood. She's still alive?

Hawak-hawak niya ang ilong na nagdurugo habang diretsyong nakatingin sa akin.

"I'll kill you for breaking my beautiful face!" umiiyak na sigaw niya.

Tumakbo siya pasugod sa akin kaya mabilis akong tumagilid para harangan ang paa niya.

I sighed in satisfaction nang bumagsak muli siya sa lupa. Pero matatag talaga ang babaeng 'to dahil nagawa pa rin niyang makatayo.

Mabilis ang bawat galaw niya nang tapunan niya ako ng mga suntok. Ang ilan ay naiilagan ko pero natatamaan din ako ng ibang atake niya.

Isang sipa ang pinakawalan ko sa tiyan niya para patigilin siya saglit. Hinawakan ko ang nagdurugong labi na gawa niya.

"You're too strong, Reid."

She grinned at me. "I am, Arrow. At kahit anong gawin mo, hindi mo ako mapapatumba!"

Sumugod ulit siya sa akin bitbit ang isang kahoy na inihagis sa kaniya ng kasama.

Inilagan ko ang atake niyang 'yon at buong lakas na pinalo ang tiyan niya ng bat.

Napasuka siya ng dugo pero hindi 'yon sapat para sumuko siya.

Iwinasiwas niya ang hawak na kahoy na tumama sa balikat ko. Napaungol ako sa sakit na dulot non.

What the hell is wrong with this body?

Kahit nahihirapan ay sinikap ko pa ring makipaglaban.

Sobrang bilis ng galaw niya na minsan ay hindi ko masabayan. Gusto kong murahin ang sarili dahil hindi pa nakikiayon sa panahon.

Wala pang kahit isa ang sumusuko sa amin kahit marami na kaming natamo na sugat at sakit sa katawan.

I won't give up on her. Kung nakakaalala lang ako ay baka napatay ko na siya.

Masyado kong minaliit ang babaeng 'to, I forgot how strong she is. At walang-wala akong laban lalo na sa sitwasyon ko ngayon.

"Sumuko ka na Arrow. 'Yan ang problema sa 'yo, masyado kang nagmamatapang kaya namamatay lahat ng tao sa paligid mo," she said while smirking.

She distracted me with those words kaya natahimik ako saglit.

"Those innocent people died because of you, Arrow. Ikaw ang dahilan kung bakit nawala sila sa mundong 'to!" Napaiyak ako sa sakit nang hampasin niya ako sa likod.

Kasabay rin nang pagtulo ng mga luha ko ay ang pagbalik ng mga memoryang kasama ko ang mga taong minahal ko.

Those days that I'm still happy with them. Ang mga magulang ko na ginawa ang lahat para ibigay ang magandang buhay sa akin.

Sabrina, Saiko, and Juana. They did their best to protect me, yet they sacrificed their own lives dahil sa akin.

Muli akong napasigaw sa sakit nang maramdaman ang paghampas niya sa katawan ko.

Hindi na ako lumaban pa.

I just want to die.

Froze will never come to save me, wala na akong natitirang kakampi dahil wala na ang mga kaibigan ko sa tabi ko.

Maybe I should die also, para makasama ko na silang lahat. I'm sure they'll get mad at me but they'll understand the situation also.

I just want to rest, with those beautiful angels.

I saw how she raised the baseball bat. Alam kong isang hampas pa ay tuluyan na akong mamamatay.

Just kill me, Reid, kill me.

Bumagsak ako sa lupa kasabay nang paglangitngit ng mga gulong ng sasakyan.

Naaninag ko ang napakaraming itim na sasakyan sa likuran ko. Pero hindi ko na pinansin 'yon.

Let me die, please. Let me die.

Napamulat ako nang marinig ang tunog at yapak ng sapatos. Mabibigat ang hakbang ng lalaking naaaninag ko, pero hindi ko siya makilala.

Lumabas ang mga armadong lalaki mula sa mga kotse at tinutukan ng baril sila Reid na napaatras.

Who are they?

"How dare you hurt the princess of Korea?!" Isang malamig at malalim na boses ang nagpagising sa diwa ko.

Inalalayan ako ng mga armadong lalaki para makabangon. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng katawan ko pero sinubukan ko pa ring buksan ang mga mata ko para makita kung sino ang lalaking 'yon.

I almost cried when I saw his face. It's him. It's Gunner Vlood, my grandpa.

Lumapit siya sa akin kasabay nang paglabas ng mga heneral sa likuran niya. Lumapit ang mga ito sa direksyon nila Reid na hindi na magkamayaw sa pag-atras.

Bumaling ako sa lalaking ngayon ay nasa harapan ko na. He removed his coat to cover me.

Tuluyan na akong napaiyak nang haplusin niya ang pisngi ko.

"My princess, you'll be fine, okay? Lolo is here. No one will ever hurt you again." 'Yon ang mga huling salita na narinig ko bago ako tuluyang bumagsak sa bisig niya.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon