Chapter 10

26.5K 854 14
                                    

Arrow Perez

"Ibalik ni'yo na 'yan." Nagpapadyak ako habang pilit na hinahabol silang tatlo.

Nasa field kami ngayon, kakatapos lang din kasi namin mag-lunch.

Ewan ko ba sa kanila at bakit bigla na lang naisipan na kuhanin ang librong binabasa ko.

Ang lalakas talaga nila mang-asar.

"Arrow, bilis bilisan mo naman ang takbo mo, baka hindi mo na 'to makuha." Humagalpak pa ng tawa si Miyuki habang iwinawagayway pa ang libro ko.

"Ibalik ninyo na kasi, please," pagmamakaawa ko.

Pero umiling lang sila at pinagpasa-pasahan pa 'yon.

Maiyak-iyak na ako habang pilit silang pinapakiusapan.

Ang bagal bagal ko pa naman, paano ko sila mahahabol kung mas mabilis silang tumakbo?

"Miyu--"

"Hey." Napalingon ako sa tatlong lalaki na ngayon ay nakatayo sa gilid ko.

Napatigil ako sandali, sila yung tatlong lalaki na kasama nung Froze.

"H-Hello po," nahihiya kong tugon.

"Hi, gorgeous. Naaalala ko pa ba kami?" tanong ni Ayce.

"Oo naman po, kabisado ko pa nga po ang mga pangalan ninyo." Ngumiti ako nang matamis.

Saglit pa silang natulala na ikinataka ko.

"Great, we're here to thank you about what happened the last time," sagot naman ni Filotimo na nakapamulsa.

"B-Bakit po?"

"Umepekto agad yung mga gamot na binigay mo sa leader namin, salamat nga pala," nakangiting sabi ni Hero.

"Talaga? Mabuti naman, mukhang ayos na nga siya, nakita ko kasi siya kanina, e." Tumango-tango sila sa sinabi ko.

"Alam namin." Kumunot ang noo ko sa sinabi nila.

"Po?"

Umiling-iling sila at ngumiti.

"By the way, I like your eyes." Namula ako sa sinabi ni Filotimo.

Nakita ko ang ginawang pagbatok sa kaniya ng dalawang kasama.

"Lagot," parang nananakot na asar ni Hero rito.

Dahil hindi ko naman alam ang pinag-uusapan nila ay nanahimik na lang ako.

Ang sabi kasi ni mommy at ni daddy, kapag hindi naman ikaw ang pinag-uusapan. Hindi ka dapat makinig sa usapan ng dalawang tao bilang pagrespeto sa privacy nila.

Nagtapunan sila ng mga makahulugang tingin bago ako nilingon.

"T-Thank you po." Saka lamang ako sumagot nang mukhang tapos na sila.

Napakamot sa batok si Filotimo. "Welcome,"

"It's nice meeting you again, Arrow." Yumuko silang tatlo sa akin.

"Nice to meet you rin po." Bahagya pa akong yumuko bilang pagbalik ng respeto.

Napalingon ako sa mga kaibigan ko na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.

Nakatulala lang sila sa tatlong lalaki sa harapan ko.

"Ah, mga kaibigan ko po sila," magalang kong sabi.

"Yeah, hello," bati ng mga ito sa mga kaibigan kong hanggang ngayon ay tulala pa rin.

"We need to go, Arrow, sinadya ka lang namin para magpasalamat," sabi ni Ayce.

Kumaway muna ako sa kanila bago silang tuluyang makaalis.

"Yes!" tili ko nang makuha ang libro mula sa kamay ni Saiko.

Mukhang natauhan sila sa ginawa kong 'yon.

"Hey, tara na," nakangiting aya ko sa kanila.

Tumingin lang sila sa akin at pinaningkitan ako ng mata.

"Why are you with them, Arrow?" nagtataka ang boses ni Miyuki.

"Ahh, sila Hero ba? Kasamahan ata sila ni Froze kasi tinulungan.." Napatigil ako nang may ma-realize.

"Bakit ganiyan ang mga reaksyon ninyo? K-Kasamahan ba sila ni Froze sa rank?" kinakabahang tanong ko.

Dahan-dahan silang tumango na ikinaatras ko.

They don't look like they are harmful.

"Nasa rank 2, 3 and 4 sila. Pangalawa si Filotimo, pangatlo si Ayce at pang-apat si Hero," paliwanag ni Sabrina.

Wala sa sariling tumango na lang ako. Hindi ata na-process ng utak ko.

Sa mga nakilala kong nasa rank, lahat sila hindi naman mukhang rebelde o mapanganib.

Yung tinutukoy nga lang nilang Froze ang nakakatakot sa kanilang lahat.

"Huwag mo ng masyadong isipin 'yon, Arrow. Hindi ka naman nila sinaktan." Hinagod ni Miyuki ang likod ko kaya napipilitang ngumiti ako.

Bakit ba lagi akong nakakatagpo ng mga taong mapanganib?

"SABADO na bukas, what are your plans for tomorrow, bitches?" tanong ni Sabrina na kasalukuyang inaayos ang make-up kit niya.

"Bibisita kila lolo," sagot ni Saiko.

"I'll dye my hair." Sabay-sabay kaming napalingon kay Miyuki.

"You'll dye your hair again? What color this time, Miyuki?" tanong ni Sabrina.

"I'll try color pink this time." Ngumiti ako sa sagot niya.

Kahit ano namang kulay ay bagay sa kaniya dahil maganda siya.

"How about you Arrow?" Bumaling silang tatlo sa akin.

"Uuwi ako kila mo--"

"Mommy at daddy," sabay-sabay nilang sabi.

Nahihiyang tumawa na lang ako.

"Kayo talaga," naiiling na sambit ko.

"Ingat kayo sa pag-uwi bukas, gabi pa ang dismissal ng huling class kaya gabi rin tayo makakauwi," paalala ni Saiko.

"Especially you, Arrow, I think it's better kung magpasundo ka dito. You can't go home by yourself," patukoy sa akin ni Sabrina.

Napanguso ako. "Hindi na ako bata, Sab."

Tumawa lang sila sa sinabi ko.

"Hindi naman 'yon ang ibig nilang sabihin, but you are prone to danger, Arrow." Si Miyuki ang sumagot sa akin.

Kumapit ako sa braso niya at nanlambing.

"I promise, I'll take care of myself." Itinaas ko pa ang kaliwang kamay na umanoy nangangako.

"It's dangerous, Arrow, hindi mo ba nabalitaan yung tungkol sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga estyudante tuwing Sabado ng gabi?" tanong ni Saiko.

Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya.

"N-Nabalitaan naman, p-pero malayo naman siguro 'yon dito."

"Malayo o malapit, it's still dangerous," sambit ni Sabrina.

"Sige na nga, magpapasundo na lang ako kila mommy at daddy," sagot ko.

Natakot din kasi ako bigla sa sinabi nila, ayoko pang mamatay ng maaga.

That killer is so brutal, ang balita ko ay puro estyudante ang mga pinapatay niya.

But I also heard na yung mga estyudanteng 'yon ay na-involve sa mga krimen sa loob ng mga University na pinapasukan nila. Like bullying, harassment or what.

Pero kahit na, mali pa rin ang ginagawa niya. I wonder kung bakit may mga taong kayang pumatay ng kapwa tao.

Kung ako siguro 'yon ay baka panginigan ako ng katawan bago ko pa masaksak ang target ko.

"Ano na? Natulala ka diyan." Napabalik ako sa wisyo nang magsalita si Miyuki sa harapan ko.

"I'm sorry, may naalala lang ako," nakangiting sabi ko.

KNIGHTS I-2: Demon's Destruction (Froze Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon