Chapter 48

914 29 0
                                    

Julia's Pov

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumata sa mukha ko, nakalimutan pala naming ibaba ang curtain kagabi. Dahan dahan akong tumayo dahil nasa gitna ako nila Samantha at Monnie at parehas pa silang nakayakap sakin.

Pagbaba ng kama ay agad akong dumiretso ng cr para maghilamos. Pinunasan ko ang mukha ko at chineck ang email ko at replyan ang mga client ko. Nilagay ko sa bulsa ko ang phone at lumabas ng kwarto dumiretso ako sa katabi naming room which is room ni Maui pagsilip ko ay tulog mantika pa silang lahat. Magkakatabi sa taas sina Kuya, Maui at James sa baba naman si Mark at Cj na magkayakap. Napangiti ako at agad na bumaba para maghanda ng breakfast para saming lahat.

Dumiretso ako agad sa kitchen, dahil sunday ngayon wala ang katulong at guard nila Maui day off sila today. Nagluto naman ako ng basic na pagkain para sa breakfast. Egg,Bacon,Spam,Hotdog,Tocino at ang favorite ni Samantha na tuna na nilagyan ng maraming repolyo. Dinamihan ko ang luto dahil alam kung mag aagawan nanaman silang lahat lalo na si Cj at Mark.

Napatingin ako sa phone ko na nasa table ng umilaw ito. Tumigil ako sa pag-aayos ng food namin at kinuha ang phone ko. Napakunot ang noo ko ng makitang si John ang nagtext.

Julia can we talk? Nasa labas ako ng bahay nila Maui

Para namang may bumara sa lalamunan ko, hindi ko kasi alam kung handa naba akong humarap sakaniya lalo na sa nangyare at nagawa ko. Wala naman akong pinagsisihan don ang ayoko lang makita ay nahihirapan siya dahil sakin. Hindi nako nagreply at tinago na ang phone ko sa bulsa.

Hindi ko na ginising sila Maui sa taas at lumabas nako. Nakita kung nakasandal si John sa sasakyan niya at napangiti ito ng makita ako gumanti naman ako don.

"J-john..." Pagtawag ko sakaniya, hindi ko kasi alam pano sisimulan.

"Gusto ko lang magkaroon tayo ng closure bago ako umalis. Pupunta na kasi ako new york." Nagulat naman ako sa sinabi niya pero dahan dahan ding napatango. Nilagay niya ang kamay niya sa bulsa niya at halatang hindi mapakali.

Napatingin ako sakaniya mukhang ayos naman siya, tama nga siguro ang umiwas siya samin ng isang linggo mukhang nagiging ayos na siya at masaya ako dahil nakapag decide na siya para sa sarili niya.

"Sige gusto mo pumasok tayo sa loob?" Pag-aya ko sakaniya dahil gusto ko ding makita siya nila Maui bago siya umalis mas maganda sana kung pati sakanila maging ayos na.

"Kung pwede sana ikaw lang muna." Sabi niya at napatango naman ako. Mukhang nahihiya pa siguro siya kila Maui. "Pwede bang sa kotse nalang tayo mag-usap." Hindi naman ako nakatanggi dahil wala naman akong karapatan nasaktan ko na nga siya dadagdagan ko pa. Pinagbuksan niya ko ng pinto at agad naman akong pumasok don.

"So anong pag-" Hindi pa natatapos ang sasabihin ko ng may nilagay siyang panyo sa bibig ko.

Sisigaw pa sana ako at tatakas pero naramdaman ko na ang pagpikit ng mga mata ko.

-

Unti unti kung minulat ang mga mata ko at tinignan kung nasaan ako inaalala ang mga nangyare kanina at kung bakit nandito ako.

Mag-uusap kami ni John pero may nilagay siya sa bibig ko, na sa tingin ko ay panyo at pagtapos non wala nakong maalala dahil nawalan nako ng malay.

"Gising kana pala." Napatingin ako sa pintuan ng marinig ko ang boses niya, nakangiti siyang pumasok ng kwarto at binaba sa lapag ko ang tray na hawak niya. "Kumain ka muna." At inayos ang mga pagkain sa harap ko. Bakit kung makapag salita siya wala siyang ginawa.

"John anong ginagawa mo?" Naguguluhang tanong ko sakaniya, napatigil siya sa ginagawa niya at takang tumingin sakin.

"Kinukuha ang fiance ko." Mahinahong sabi niya.

MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon