Chapter 9

15.2K 244 10
                                    

Maui's Pov 

Laking tuwa ko ng malamang nakuwi na sila Daddy galing sa isang Business trip. Sinabi sakin ni Manang na nasa office daw ito ang kaso ay wala si Mommy dahil may inaasikaso sa Company. 

Mabilis akung nagbihis at nagtungo sa office ni Daddy. Nakabukas ang pinto ng office ni Daddy at nakikita ko siyang may binabasa. Mabilis akung kumatok at napatingin siya sa direksiyon ko mabilis siyang napangiti ng makita ako at tinabi ang binabasa niya. 

"Pasok anak." Nakangiting sabi nito at umupo ng maayos. Umupo ako sa chair na nasa harapan niya at huminga ng malalim bago nagsalita. Minsan lang ako humingi kay Daddy ng pabor kaya alam kung pagbibigyan niya ko. 

"Dad pwede bang humingi ng pabor?" Para naman yata siyang nagulat sa tanong ko dahil tumaas ang kilay niya. Hindi siguro siya makapaniwala na humihingi ako sakaniya ng pabor. Hindi ko kase gawain yun kahit nahihirapan ako o may gusto ako hindi ako humihiling sakanila. 

"Ano yon anak?" Nakangiting tanong ni Daddy huminga muna ako ng malalim bago tumingin sakaniya ng seryoso. Kung hindi lang samin ni Julia to hindi ko gagawin to eh. 

"May kilala kabang Morales na apelyido na nagtatrabaho sa Company?" Napataas ulit ang kilay ni Daddy at nagtatakang tumingin sakin. 

"Bakit mo naman naitanong yan anak?" Nagtatakang tanong ni Daddy habang titig na titig sakin. 

"Just answer my question Dad." Seryosong saad ko at halatang nagulat siya. Huminga muna siya ng malalim bago inalis ang salamin na nasa mata niya at tumingin sakin ng seryoso at mabilis na tumango.  

"Yes anak meron. Morales Company actually pumasok sila sa Company para mas mapalago pa ang Company nila." Napangisi naman ako hindi ako nagsisi na lumapit ako kay Daddy. Hindi nako magtataka na sa Company namin nagtatrabaho ang mga Morales masyadong malaki at kilala ang Company namin. 

"Kilala mo ba yung anak ni Mr. Morales Dad?" Seryosong tanong ko at kahit mukhang nagtataka si Daddy at tumango nalang siya. 

"Si Raver anak. Raver Morales bakit?" Napabuga naman ako ng hangin shit si Raver lang ba anak? Morales ang apelyido ni Monica sa pagkakaalam ko. 

"Yun lang Dad ang anak?" Nawawalang pag-asang tanong ko. 

"No anak, meron siyang anak na babae si Monica." Mabilis akung napangisi sa sinabi ni Daddy. "Wait don't tell me anak interesado ka sa anak ni Mr. Morales na si Monica ang akala ko ba si Julia ang mahal mo?" Natatawang tanong ni Daddy at mabilis na kumunot ang noo ko. 

"No! Of coures not. I love Julia hindi ko siya ipagpapalit kahit kanino." Napangiti si Daddy sa sinabi ko. 

"Inlove na inlove talaga ang anak ko. So ano ang pabor na hinihingi ng aking anak?" Malambing niyang tanong. 

"Gusto kung paalisin mo ang Morales sa Company natin." Nanlaki ang mata ni Daddy sa sinabi ko at parang hindi makapaniwala. 

"Anak hindi pwede. Malaki din ang tulong ng Morales Company satin kaya hindi natin basta basta silang paalisin." Inis na sabi ni Daddy at umiiling.  

"May ginawa si Monica saming dalawa ni Julia Dad. Nagsabi siya kay Julia ng mga kasinungalingan. Naniwala si Julia sakaniya kaya hindi ako kinakausap ni Julia." Inis na saad ko at natahimik si Daddy. 

"Anong sinabi anak?" Nagtataka niyang tanong. 

"Sinabi niya kay Julia na may kahalikan akung ibang babae kahit hindi naman talaga totoo. Dad sinisiraan ako ni Monica kay Julia kaya hindi ako pinapansin ni Julia alam mo naman kung gaano ko kahalaga at kamahal si Julia Dad diba?" Pagmamakaawa ko nakita kung napabuntong hininga si Dad. "Gusto kung sabihin mo kay Mr. Morales na sabihin sa anak niya na bawiin lahat ng sinabi niya kay Julia. Kase isang linggo nakung hindi kinakausap ng girlfriend ko." Galit na sabi ko at seryoso lang na nakatingin sakin si Daddy. 

"So ang gusto mo paalisin ko ang Morales Company?" Mabilis akung umiling sa tanong ni Daddy. 

"Takutin mo sila Dad takutin mo sila na papaalisin mo sila sa Company papaalisin mo sila kapag hindi binawi ni Monica lahat ng sinabi niya kay Julia." Bumuntong hininga si Daddy at mabilis na tumango.  

"Okay anak. Masusunod." Napangiti ako sa sinabi ni Daddy. 

"Thanks Dad. You're the best." Nakangiting sambit ko at nakita kung napangiti siya. 

"I hope magkaayos na kayo ni Julia kapag binawi na ni Monica lahat ng mga sinabi niya. Akala ko pa naman mabait ang anak ni Ricardo." Iling iling na sabi ni Daddy. 

Nagpaalam muna ako bago umalis sa office ni Daddy. Umalis ako ng may ngiti sa labi, i'm sure bukas magkaayos na kami ni Julia. I miss her so much...

Monica's Pov

"Monica mag-usap tayo." Napatingin ako kay Daddy na seryosong nakatingin sakin. Halatang galit nanaman ito sakin. Well ano pa nga bang aasahan ko ganiyan naman siya sakin eh simula bata palang ako pinagiinitan na niya ko. Dahil ako ang sinisisi nila ni Kuya na pumatay kay Mommy kahit hindi naman totoo. 

Kung buhay pa siguro si Mommy hindi nila ako tatratuhin ng ganito. Minsan nga naiisip ko ampon lang ako kase kahit nung buhay pa si Mommy iba na ang trato sakin ni Daddy. Palaging galit palagi akung sinasaktan. 

Maliit na pagkakamali ko lang malaki na sakanila yun. Minsan gusto ko nalang umaalis dito pero wala naman akung lakas ng loob. 

"Ano yon Daddy?" Tanong ko habang nakatingin sa phone ko nagulat ako ng mabilis niya yung hinablot sakin at hinagis. Patakbo akung lumapit kung saan niya hinagis ang phone ko. Mabilis kung pinulot yun at inis na lumingon kay Daddy ng makitang sira na ito. "Ano bang problema mo Daddy?" Naiiyak na tanong ko. 

Araw-araw nalang ba? Araw-araw nalang niya kung pagiinitan. Sasaktan sasabihan ng kung ano-ano. 

"Aba bastos kana talaga!" Sigaw ni Daddy sakin napaiwas nalang ako ng tingin at pinigilan ang pagtulo ng luha ko. Walang mangyayare kung iiyak ako sa harapan niya. Pag umiyak bako? Maaawa siya sakin, pag ba umiyak ako sa harapan niya babaguhin na niya trato niya sakin? Hindi kaya masasayang lang yung pag-iyak ko sa harapan niya lalo na wala naman siyang pakielam sakin. 

"Bawiin mo lahat ng mga kasinungaling sinabi mo sa anak ni Mr. Perez." Napatigil ako at dahan-dahang tumingin kay Daddy na masama ang tingin sakin. Hindi ko na tatanungin kung sino yun dahil alam kung si Julia yun. 

Ano namang ginawa ni Maui? Napakagaling niya talaga! 

"Ano bang sinasabi mo Daddy?" Tanong ko sakaniya. 

"Sinabi sakin ni Mr. Monteverde na papaalisin niya tayo sa Company nila kapag hindi mo binawi lahat ng kasinungaling sinabi mo sa nobya ng anak niya! Hindi kana talaga nagbago Monica hindi mo kilala ang kinakalaban mo. Matataas sila at kayang kaya nila tayong itapon lang! Kaya bawiin mo lahat ng sinabi mo sa nobya ng anak ni Mr. Monteverde kung ayaw mong masaktan at hindi makapag-aral." Sigaw niya at mabilis akung tinalikuran. 

Kung kanina naiiyak ako ngayon galit na galit ako! Damn you Maui! 


MY BOYFRIEND IS A FUCKBOY (BTS FF TAGALOG COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon