Kabanata 54

Mulai dari awal
                                    

"It's fine, Wifey. Isipin nalang natin na hindi pa siya para sa 'tin, okay?"

Tumango ako. "Pero nakakalungkot pa rin."

"Edi gawa nalang ulit tayo."

"Ayoko nga!" Pasigaw na sabi ko. Tumawa naman siya.

"Joke lang, Wifey. Matulog na nga tayo. Iuuwi na kita bukas."

"Okay, goodnight Christopher myloves."

"Gooodnight Cassiopeia Mikael Andrada, my living dead wife." And then he kissed me on my forehead.

***


"Anak!" Umiiyak pang sabi ni Mommy. Halos masakal na nga niya ako sa kayayakap niya sa leeg ko. Jusq, balak yata akong ibalik sa ospital.

"Mommy naman, kanina ka pa." Reklamo ko. Para kasi siyang si Desiree na hindi rin maka-move on.

"Masaya lang akong buhay ka, anak." Hinalik-halikan naman niya ako ngayon sa pisngi.

"Feel na feel ko ngang masaya ka, Mommy, eh. Kanina mo pa 'ko pinipiga. Sa katunayan, ang dating sa 'kin nito, gusto mong mamatay na 'ko ulit dahil iniipit mo ang paghinga ko." Biro ko.

"Pagbigyan mo na 'yang Mommy mo, anak. Masaya lang talaga kami." Sabi naman ni Daddy sa 'kin.

"Oo nga, hija, ang lakas mong manakot, eh" Si Mama Sophia naman 'yon.

Sige na nga.

"Mommy, Ma, kailangan na pong magpahinga ni Pei." Si Chris ang nagsalita.

"Osige, pupunta nalang ulit kami rito bukas, okay? Mag-ingat ka parati, anak." Paalala pa ni Mommy sa 'kin. "Yung mga gamot na nireseta sa 'yo huwag mong kalimutan." Dagdag pa niya.

"Opo." Tumango pa ako.

Narito na kami ngayon sa bahay. Nailabas na kasi nila ako sa ospital.

"Wifey, anong gusto mong kainin?"

"Ikaw."

"Ako?" Takang tanong niya. Napahinto ako saglit saka prinocess ang tanong niya at sagot ko.

"I mean ikaw, anong gusto mong kainin?" Pagsasaayos ko. Ano ba naman kasi 'tong si Hubby, parang ewan.

"Ikaw rin, eh." Ngumisi pa ang loko.

Yays! Feeling ko, inaakit niya 'ko, huhuhu.

"A-ano ka ba naman, Hubby?" Nakangusong sabi ko sa kaniya. Hindi pa ako ready na makipag-ehem sa kaniya ulit, 'no. Bukas nalang siguro, hehez.

"Namumula ka, Wifey." Tumawa pa siya at saka pinisil ang pisngi ko. "Hanggang ngayon patay na patay ka pa rin sa 'kin."

"Hindi no! Ang feeling nito." Pagtanggi ko pa.

Tumawa lang siya. "Kumain na nga tayo. Mag-noodles nalang tayo kasi nga hindi naman ako marunong magluto."

"Paano ako gagaling niyan kung 'yan lang ang ipapakain mo sa 'kin?" Sabi ko. Napanguso rin naman siya. Ngayon niya lang din siguro na-realize, hahaha.

"Magpapadeliver nalang ako."

Pagkatapos kumain, nagkwentuhan na naman kaming dalawa. Nakalingkis sa bewang ko ang isa niyang braso at yung isa naman, nakahawak sa tiyan ko.

"Wifey." Bulong pa niya. Sa sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin, ramdam na ramdam ko na ang mainit niyang hininga.

"Hmm?"

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang