Kabanata 43

137K 2.7K 140
                                    

Ch. 41


Cassiopeia Mikael's POV


Dinala ako ni Hubby sa special room nila dito sa University. Lahat kasi ng Clubs ay mayroong nakaassign na room para everytime na magkakaroon sila ng meetings e may venue na kaagad sila na paggaganapan. Si Christopher ay kasama sa photography. Ang room nila ang pinakaespesyal sa lahat. Lahat kasi ng models dito sa University namin ay binibigyan ng special treatment. Sila kasi ang nagpapalakas ng pangalan ng school. Actually, hindi na nga room na maituturing 'to. Para na kasi siyang bahay. =_= Dito mo makikita na hindi pantay ang tingin ng University nila Israel sa mga estudyante. Hays. Freshmen palang kami, model na si Chris. Kaya naman, kilalang kilala na siya ng mga tao dito. Bukod kasi sa gwapo, dagdag points sa mga babae ang kasungitan niya.


Ngayon ko lang napansin na haggard na ang asawa ko. *pout*


"Hubby, umupo ka kaya muna. Kanina ka pa paikot ikot diyan. Ang haggard mo na o." *pout*


"Sige."


Umupo siya sa sofa na kinaupuan ko. First time kong nakapasok dito sa room nila.


"Sino ang may pakana nitong lahat, Wifey?" Tanong niya. Alam kong naiinis pa rin siya sa nangyari kanina. Hindi ko naman siya masisisi dahil kahit ako e naiinis pa rin.


"Hindi ko alam, Hubby. Yung picture kasi na kinalat sa mga locker nila ay kuha sa 'tin mula sa Laguna."


"What do you mean? Sinusundan tayo ng taong may pakana nito?"


"Siguro, Hubby. Hindi ko alam." *pout*


Lumapit siya sa 'kin at sinundot ang braso ko.


"Aray." T_T


"Bruise." - Hubby


Tumayo si Hubby at kumuha ng yelo. Kumuha din siya ng towel at doon inilagay ang yelo at saka idinampi dampi sa pasa ko.


"Mag-iingat ka dapat palagi, Wifey. Hindi natin alam ang iniisip ng ibang tao. Kapag uuwi ka at hindi mo 'ko makakasabay, magpahatid ka kanila Alexis."


"Bakit? Hindi mo na ba 'ko sasabayan umuwi? Nagsasawa ka na bang hintayin ako? :("


"Hindi sa ganon, Wifey. Pero oo, hindi sa lahat ng araw sabay tayong papasok o kaya uuwi."


"Bakit nga?"


Hindi siya nagsalita. May kinalaman kaya 'to sa lagi niyang pagkawala tuwing hapon? Bakit ayaw niyang sabihin sa 'kin? Ganon ba talaga kaimportante 'yon?


Christopher's POV


Fvck it! Ayokong maglihim sa kanya pero, ayoko ding mapahamak siya. Naiipit ako sa sitwasyon. Naguguluhan ako kung sino ba ang dapat kong unahin. Kung siya ba o ang asawa ko. Hindi na dapat ako nagdadalawang isip na piliing dapat nasa tabi lang ako palagi ni Pei pero, tangina! Kung gagawin ko 'yon, siya din ang mapapahamak.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Where stories live. Discover now