Kabanata 48

126K 2.6K 388
                                    

Ch. 46

Cassiopeia Mikael's POV

Physical Education ang next subject namin. Dumiretso kami ni Desiree sa locker room para kunin ang mga pamalit namin.

"Swimming nga pala tayo ngayon. Paano ka?" - Desiree

"Kakausapin ko nalang muna siguro si Sir."

"Mas maganda nga 'yan. Tara na, baka ma-late pa tayo." - Desiree

Tumango ako.

××

Mabuti naman at pumayag ang professor ko. Bukod kasi sa nagdadalang tao ako, hindi din ako marunong lumangoy. 'Yan talaga ang pinaka kahinaan ko sa lahat. *pout*

Basic strokes ang mga itinuturo ni Sir sa kanila pati na din ang proper breathing. Baka daw kasi madestino kami sa barko at biglang may mangyaring masama, atleast marunong kaming lumangoy. E ang kaso, takot nga 'kong lumangoy. Kaya nga 'pag nagpupunta kami sa beach, hanggang sa pinakamababaw lang ako na part no'n.

"Okay class, that's enough for today. Magbihis na ulit kayo. Class dismissed." - Sir

Isa isa nang nagpunta sa comfort room malapit sa pool ang mga kaklase namin para magpalit.

"Bestfriend, tara na. Magbihis na tayo." - Desiree

"Wait lang, mauna ka nalang. Kukunin ko pa yung uniform ko sa bag e."

"Okay, sunod ka a?"

Kinuha ko na ang uniform ko. Ako nalang pala ang naiwan. Palakad na 'ko papuntang comfort room nang biglang...

"Aaaaahhh!!" Malakas na sigaw ko.

May tumulak sa 'kin mula sa likod. Sakto pang sa malalim na part ako nalaglag. Myghad! What to do?!

"He-Help!!" Nakakalunok na 'ko ng tubig. Wala bang tutulong sa 'kin?

"Hub-" Napaubo ako nang dahil sa mga tubig na nalulunok ko. "Hubby!!"

Desiree's POV

Bumalik na 'ko sa pool. Ang tagal naman ni Mika. -_-

"Hoy bruha ang tag-Ohmyghad! Mikael!!" A-Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?!

"Sir! Sir, si Mikael po!!"

Biglang naalarma ang mga kaklase ko. Sa sobrang pagpapanic ko, hindi ko na maigalaw ang mga paa ko. S-si Mikael. Nakalutang na ang katawan niya sa pool.

Iniangat ng mga kaklase ko ang katawan ni Mika na wala nang malay. Inihiga nila ito.

"Sino ang marunong magcpr sa inyo?" Tanong ng isa kong kaklase.

Walang sumasagot. H-Hindi din ako marunong. Paanong nalaglag sa pool si Mika? Imposibleng tumalon siya do'n.

"Wala bang marunong mag-CPR?!" Sumigaw na si Sir. Siguradong nagpapanic na din siya.

"What hapenned?!" Tanong ng isang lalake mula sa likod namin.

Si Israe-Hindi. Si Ralf siya. Dumating na pala ang susunod na class.

"R-Ralf si M-Mika." Tanging nasabi ko nalang. Kinakabahan ako para sa kaibigan ko.

Kaagad na tumakbo si Ralf sa kinalalagyan ni Mika. Naigalaw ko na din ang mga paa ko mula sa pagkagulat.

Umupo si Ralf upang mabigyan ng hangin si Mika sa pamamagitan ng pagsi-CPR. Nagpump din siya ng tatlong beses sa bandang ibaba ng dibdib ni Mika atsaka bumalik ulit sa pagbibigay ng hangin.

Nabawasan ang tensyon sa lugar nang makita naming maubo si Mika.

"Myghad, friendship! Thank goodness." Napayakap pa 'ko sa kanya.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Where stories live. Discover now