Kabanata 46

132K 2.6K 198
                                    

Ch. 44

Her POV

I'm sorry, Chris, I don't want to do this but, I want you to be mine. Only mine. Kaya lahat gagawin ko, makuha ko lang ulit ang oras at atensiyon mo. At kapag sinabi kong lahat, as in lahat!

"What now?"

I know that he's annoyed but I don't care.

"Please come here, Chris. I'm alone. Sabi ni Daddy, ikaw ang magbabantay sa 'kin for the whole night."

Hindi naman talaga sinabi ni Daddy 'yon. Alam ko kasing takot siya kay Dad dahil sa laki ng utang na loob ng pamilya nila sa pamilya namin.

"What?! Hindi pwede. My wif-"

Asawa na naman! Sino ba naman kasing may sabi sa kanya na pakasalan niya ang babaeng 'yon?! Yung babaeng mukhang engot at wala man lang kahugis hugis ang katawan. Tsk! Sa 'kin ka Chris, sa 'kin! Kahit makipag-agawan pa ako sa dalawang babaeng patay na patay sayo, wala akong pakialam.

"Okay, I'll tell this to my Dad."

"No, please. Don't-"

"Just come here! Or else, ipapahamak ko ang asawa mo!"

I ended the call. Alam kong pupunta siya dito. Pupunta siya kung ayaw niyang asawa niya ang pagbuntungan ko!

Hindi nga ako nagkamali at maya-maya lang ay dumating na siya. Sinasabi ko na nga ba't ako pa rin ang pipiliin niya. Very good, Chris. Very very good! *clap clap*

Cassiopeia Mikael's POV

Without any reason, nagising ako. Anong oras na ba?

Tumayo ako para tignan ang orasan. 3am?! Ang aga ko namang magising. *pout* Parang ang haba haba na ng tulog ko a.

"Hubby." Kinapa ko ang higaan niya. Patay kasi ang ilaw kapag natutulog kami. Hindi kasi ako sanay na may nakabukas kahit na lampshade lang. Hindi ko makapa si Chris. "Hubby?" Bakit wala siya dito?

"Hubby? Hubby nasaan ka?"

Saan naman kaya siya pumunta? Alas tres na. Alam ko kapag ganitong oras gising ang mga kampon ng kasamaan e.

Hindi! Hindi naman sila totoo e. Kathang-isip lang 'yon ng mga tao!

*door creeks*

"Myghad, sino 'yon?" Bulong ko sa sarili ko.

Napansin kong nakaawang nang bahagya ang pintuan. Naalala ko tuloy yung nabasa ko sa reader's digest.

"If you wake up at 3:00 in the morning, it means someone is looking/watching at you."

Waaaahh!! Bakit ko ba kasi 'yon binasa?! Wala namang ibang tao dito ngayon, ako lang.

*door creeks again*

Y-Yung pinto unti-unting bumubukas. B-Baka may multo! Huhuhuhu. Nakareceive pa naman ako ng chain message no'ng isang araw na 'pag hindi ko daw pinasa e may magpapakita daw sa 'kin na babaeng biktima ng panggagahasa. Waaaahh!! Hwag naman sana! Bakit ba kasi nagpapatay ako ng ilaw pag natutulog?! Hindi ko tuloy makita kung sino ang nagbubukas ng pinto.

Agad akong bumalik sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot. Kung magpapakita man sa 'kin ang babaeng ginahasa na 'yon, sana naman ay maayos ang hitsura niya. So far, wala pa naman akong nabalitaang multo na nagpakita ng hubo't hubad. Diba? Diba?!

Tuluyan nang bumukas ang pinto. Naririnig ko din ang unti-unti niyang paglapit sa 'kin. Mommy!!

Huminto siya. Ano kayang ginagawa niya? Nakatitig kaya siya sa 'kin? Galit ba siya dahil hindi ko pinasa yung chain message na tungkol sa kanya? Waahh!! Anong idadahilan ko?

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Where stories live. Discover now