Kabanata 26

180K 4.2K 362
                                    

Kabanata 24


Cassiopeia Mikael's POV


Kagaya nga ng naisipan ko, nagpunta sa ako sa Mall malapit sa inuupahan kong apartment ngayon. Sa paglalakad-laakd ko at pagmumuni-muni, na-realized ko na hindi naman pala malungkot ang maging mag-isa.


As long as nililibang natin ang mga sarili natin, at hindi natin iniisip ang anomang kalungkutan natin sa buhay, magiging masaya tayo.


Anyways, kanina pa 'ko palakad-lakad dito pero wala pa rin akong nabibili -_- Ano kaya kung pumunta ako ng Salon? Gusto ko ng bagong mukha. Yung malayo sa hitsura ko ngayong akala mo e binyuda. -_-


Dali-dali akong naghanap ng Salon at halos panghinaan naman ako ng loob nang makita ko kung gaano karami ang costumers na nasa loob.


Nasa moving-on process rin kaya sila kagaya ko? >.> Mukha namang maaaliwwalas ang mga mukha nila. Dapat inuuna yung mga may pinagdadaanan sa buhay, choz.


No choice! Kailangan mong maghintay, Cassiopeia Mikael. Hayaan mo na, sanay ka naman.


Pumasok pa rin ako sa loob at naupo sa isang bakanteng upuan. Makalipas ang mahigit isang oras, may nabakante nang parlorista.


Oki, it's my turn.


"Ano pong gagawin natin sa buhok mo, Ma'am?" Sabi ng hairstylist na bakla sa'kin. Grabe, kung titignan mo 'tong kumakausap sa 'kin, hindi mo siya mapagkakamalang bakla dahil sa ganda ng katawan niya. Mas pambabae pa kaysa sa 'kin. T.T


Nagtititingin ako sa magazine na ibinigay nila sa 'kin kanina para pagkopyahan ng igugupit nilang buhok sa 'kin. Nagbrowse lang ako r'on hanggang sa nakita ko na ang gusto kong gupit.


"Gusto ko ang buhok na 'to," Itinuro ko yung picture ng babaeng hanggang ibabaw ng balikat ang buhok. "Ipaparebond ko siya tapos pakukulayan ng brown."


"Okay, Ma'am. Because I am your fairy hairstylist, just sit here and I will do the magic." Nakangiting sabi niya.


Nagsimula na siyang kalikutin ang buhok ko. Binigyan niya 'ko ng babasahin para raw hindi ako mainip.


Pagkalipas ng mahigit anim na oras, natapos na kami sa buhok ko. Amoy mapanghi siya infairness hahaha.


"Tadaaaa~"


Iniharap ako ng beki sa isang life-sized mirror. Bumagay sa 'kin ang buhok ko. Halatang-halata na nagmo-move on sa haba ng ibinawas, hahahahaha.


Ito lang ang masasabi ko: "Ang ganda mo, Mikael" HAHAHAHA.


Lumabas na 'ko sa salon pagkatapos kong magbayad sa cashier nila.


"Oras na para mamili ng mga magagandang mga damit!" Pangmomotivate ko sa sarili ko.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Where stories live. Discover now