Kabanata 23

183K 4.2K 269
                                    

Cassiopeia Mikael's POV

Inabot na 'ko ng alas nuebe ng gabi dito sa taas. Ewan ko ba pero parang ayaw kumilos ng buong katawan ko. Wala akong napasukan ni isa sa mga subjects ko. As if naman kasing may matututunan ako if ever na pumasok ako. Masakit ang puso ko, ayokong stress-in pa ang utak ko sa mga school problems.

Kinuha ko ang cellphone ko. 13 messages na pala ang na-missed ko.

Binuksan ko isa-isa ang mga 'yon. Halos karamihan galing kay Desiree. Kanina niya pa pala 'ko hinahanap. Baka nag-aalala na 'yon sa'kin.

Tinignan ko pa kung sino ang mga nag-send ng messages bukod sa kanya. May isang galing kay Gabriel.

Gabriel Concepcion

Hey, I heard about the news. I'm sorry wala ako r'yan para i-comfort ka. Be strong Mikael. Alam kong kaya mo 'yan. Be positive. J I miss you.

Ni-reply-an ko ang text niya.

Reply:
Daya mo! Ngayon pa naman kita kailangan, hahaha. Ingat ka r'yan, okay? Kaya ko 'to. Trust me.
- Sent

Pagka-send ko no'n, tinignan ko pa ang iba pang messages.

Jasmin Andrada
Unnie, where are you na? :( Kanina pa nandito si Oppa.

Jasmin Andrada
Unnie, go home na :(

Kailangan ko na nga yata umuwi. Baka masaraduhan pa 'ko ng gate ni Manong Guard sa ibaba.

Bumaba na 'ko at lumabas ng gate ng school. Nagulat pa nga yung guard dahil late na 'kong umuwi. Tinanong niya rin kung bakit namamaga ang mga mata ko. Hindi ako makapagsalita dahil feeling ko pagod na pagod na 'ko, emotionally and physically.

Pagkarating ko sa bahay, nagtutumpukan sa sala sina Nanay, Jasmin at Christopher. Sabay pa ngang napatayo si Nanay at Jasmin nang makita nila 'ko.

"Myghad, Unnie! What happened? Bakit namamaga yung mata mo? May nagpaiyak ba sa'yo? Sino?! Sabihin mo po sa 'kin."

"May ano kasi-"

Ano bang pwede kong gawing palusot? >_>

"M-May play kasi kaming ginagawa sa Humanities namin kaya gan'to. Pinilit akong paiyakin eh. Ha-ha, ganon nga ang nangyari."

And the most made-in-china award goes to me.

"Bakit ngayon ka lang, hija? Grabe naman 'yang play niyo, anong oras na kayo pinapauwi."

"Nay, ngayon lang po kasi natapos 'yon e. Ay oo nga pala, Jasmin, tabi tayo sa kwarto mo ha? Okay lang ba?"

"O-okay lang naman, Unnie. Pero, bakit? Magkaaway ba kayo ni Oppa?"

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Where stories live. Discover now