Kabanata 39

146K 3.1K 295
                                    

Kabanata 37: This Night

Cassiopeia's Point of View

"What?!" Pasigaw na sabi ko nang mabasa ko ang isang sticky note na iniwan ni Christopher sa ibabaw ng mesa sa kwarto namin.

Wifey,
Aalis ako. Nagpasama kasi si Charice e. Sorry hindi na kita nagising. Iloveyou.

- Hubby

Nakakainis. Saan na naman kaya sila nagpunta ng isang iyon? Baka ahasin ng Charice na iyon ang asawa ko! Nawala nga si Foina, kaagad-agad namang may pumalit.

This night is sparkling dont you let it go.
Im wonder-stuck, blushing all the way home.
I'll stand forever wondering if you knew
I was enchanted to meet you.

Ringtone ko iyan.

Sinilip ko kung sino ang tumatawag. Nakapagtataka dahil unregistered number. Wala namang sinabi ang mga kamag-anak kong magpapalit sila ng simcard.

Sinagot ko ang tawag.

"Hello?"

"Hey, bitch."

Kaagad na nagsalubong ang magkabila kong kilay dahil sa sinabi ng babae sa kabilang linya.

"Sorry," Pinakalma ko ang aking sarili dahil baka naman nantitrip lang ang isang 'to. But seriously, it's not a good joke lalo na't hindi maganda ang bumungad sa akin ngayong umaga. "...wrong call ka yata."

"It is not a mistaken identity! I know that you are Cassiopeia Mikael Sandoval, the bitch, boyfriend stealer!"

Matitigas ang bawat pagbigkas niya sa mga salita. Parang gigil na gigil.

"Sino ka?" Tanong ko.

Kahit na meron naman talaga akong ideya kung sino siya.

Pero sabi nga nila, masama ang mambintang lalo pa't wala namang ebidensya.

"I am your worst nightmare, bitch. Stay away from Chris or else, hindi mo magugustuhan ang mangyayari sa 'yo!" Sigaw at pagbabanta niya sa akin.

"Sino ka sabi-"

Binabaan niya ako ng telepono.

Great. Patay na patay masyado kay Christopher, ha? As if namang natakot ako sa pagbabanta niya, tsk.

Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama.Ugh! Nakakainis ang mga nangyayari sa araw na ito!!

***

"The number you have dialled is not attended or out of coverage area. Please try again later."

Tsk, nakakainis na! Alas otso na ng gabi pero hindi pa rin umuuwi si Christopher. Hindi man lang ako naisipang i-text at sabihin kung nasaang ibayo na ba siya ng mundo. Ang lakas-lakas ng ulan.

Saan ka ba nagpupupuntang lalake ka? Hindi mo ba naiisip na hinihintay kita?!!

Sinubukan ko muling tawagan ang telepono niya.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Where stories live. Discover now