Kabanata 15

174K 4.4K 544
                                    

Kabanata 15

Cassiopeia Mikael's Point of View

Ilang araw na rin ang lumipas at ilang araw na rin akong umiiwas ako kay Christopher. Sinasadya kong iwasan siya dahil ayokong mapag-usapan ang tungkol sa annulment.

Selfish na kung selfish pero ayokong makipaghiwalay sa kanya. Kahit na ibinigay na niya sa 'kin ang annulment paper, wala akong balak pirmahan 'yon. Ayoko siyang ibigay kay Foina.

"Bakla, kumain ka naman." Nag-aalalang sabi ni Desiree. "Ilang araw ka nang ganyan, e."

"Wala talaga akong ganang kumain, bakla, kayo na lang." Nakahalumbabang sagot ko sa kanya.

"Mika, huwag mo masyadong seryosohin ang buhay. Gusto mo bang maging kalansay 'yang katawan mo? Ang payat-payat mo na nga, hindi ka pa kumakain." Si Gabriel naman ang nagsalita.

"Gab naman eh," nginusuan ko siya "Hindi ako makaka-appreciate ng joke ngayon."

"Paparating si Christopher!" Sigaw ng babae sa canteen.

Halos magwala ang sistema ko sa narinig ko. Hindi niya ako pwedeng makita dito.

"Guys, I need to go." Dali-daling paalam ko.

Agad akong tumayo at lumabas sa kabilang pintuan. Mahirap ang magtago, nakaka-stress! Sabihin na nating kaduwagan ang tumakas sa problema pero ayoko talagang mahiwalay sa kanya.

Dumiretso na 'ko sa room at doon na lang hinintay si Desiree. Lumapit naman sa 'kin si Lex.

"Huy, okay ka lang ba? Ang laki ng eyebags mo, ah."

"Oo, okay lang. Ang hirap kasing maging artista, tuwing madaling araw ang taping." Biro ko sa kanya.

"Sus, plastic. May problema ka ba? Baka makatulong ako. Ang mga gwapo, magaling sa problem-solving."

"Wow, lamig naman." Sarkastikong sabi ko. "Wala ka rin namang maitutulong e. Walang sinoman ang makakatulong sa 'kin."

"Ganon ba? Ang sad naman niyan. By the way, nasaan si Desiree?" Ngiting-ngiting tanong niya.

"Nasa canteen pa kasama ni Gabriel." Sagot ko sa kanya.

Nagulat ako sa biglang pagtayo ni Alexis. "Bakit mo sila iniwan do'n?!"

Tumingin ako sa kanya. Gulat.

"Ang OA mo, Alexis, ha?"

"Kasi naman, bakit mo siya pinasama kay Gabriel, alam mo namang type niya 'yon!"

"May problema ba ron? Teka nga," Ngumiti pa 'ko nang nakakaloko sa kanya. "May gusto ka kay Desiree, 'no?" Pang-aalaska ko.

"H-ha? W-wala ah." Dahan-dahan siyang bumalik sa pagkakaupo.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Letse, Lex namumula ka! Ang bakla ng hitsura mo, HAHAHAHAHAHAHA."

"Oy anong tinatawanan mo r'yan?" Biglang pumasok ng room si Desiree.

"Ito kasing si Alexis, HAHAHAHAHAHAHAHAHA may 'tinatagong lihim."

"Share naman d'yan." Sabi ni Desiree.

"Bawal sa pangit!" Kaagad na sabi ni Alexis.

"Luh, exempted ka??" Si Desiree pa rin 'yon.

The more you hate the more you love pala ang drama ng dalawang 'to?

"Mikael, pinapatawag ka ni Christopher." Sabi ng kaklase kong lalake. Bigla akong kinabahan. Para saan?

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Where stories live. Discover now