Kabanata 10

171K 4.1K 260
                                    

Kabanata 10


Cassiopeia Mikael's Point of View


Isang nakaririnding tunog ng alarm clock ang gumising sa akin. Parang kaiidlip ko pa lang tapos umaga na kaagad? Ang bilis naman!

Wait, wala naman akong pasok ah? Hindi rin ako nagset ng alarm!

Tinignan ko ang oras. BWISIT naman talaga, oh! 2:00AM? Talaga ba?! Sinong mag-aalarm nang ganito kaaga?

Ay teka nga!!

Nahuli ko si Christopher kanina na hawak-hawak ang phone ko.

Hindi kaya...

"Christopher Andrada!"

Natatandaan ko na ganitong-ganito rin ang ginawa niya noong nainis siya sa 'kin dahil kinulit ko siya sa classroom nila. Ano naman kayang kinainisan non ngayon sa akin?! Hindi ko rin siya maintindihan minsan e! Siguradong hindi na 'ko makakatulog nito!!

Sinubukan kong ipikit ulit ang mga mata ko. Tinakpan ang mukha ng unan, at nagpagulong-gulong sa kama.

Tick, tock. Tick, tock. Tick, tock.

WTF?? Hindi na talaga ako makatulog! Humanda ka sa 'king Andrada ka, makakatikim ka!

Tumayo ako sa higaan at tinungo ang kwarto ni Christopher.

"Christopher Andrada, gumising ka diyan! Walanghiya ka, ano na namang trip mo sa buhay at nanggigising ka ng tao, ha?! Lumabas ka diyan!"

Kinalampag ko nang kinalampag ang pintuan niya. Hindi naman nagtagal ay binuksan niya na rin ito.

"Fvck, stop it. What's your problem, ugly woman?!"

"Ugly woman pala, ha? Ito ang sa 'yo!!"

Inapakan ko ang paa niya. Naiinis kasi talaga 'ko. Hindi porket mahal ko siya, pinagtitripan niya na 'ko. Naiinis din ako minsan!

"Shit! Ano bang problema mo?"

"Ikaw ang problema ko! Alarm ka nang alarm ng orasan ko, bwisit ka, hindi mo ba alam na hirap na ulit akong makatulog nang dahil sayo?!"

"And so?" Itinaas niya pa ang kilay niya.

"Epal ka!"

Napatingin siya sa leeg ko, sa may kwintas na suot ko to be exact.

"Anong tinitingin-tingin mo sa kuwintas ko?" Mataray na tanong ko sa kanya.

"Masama bang tingnan? Mahiya ka naman, ang kapal ng libag mo."

"Ah, talaga ba? Ikaw naman, ang kapal ng mukha mo!"

"At bakit naman?!"

Hindi na ako nagsalita. Alangan namang sabihin kong ang kapal ng mukha niya para makipaglandian kay Foina sa harap ko kanina.

"Di ka makapagsalita ngayon?"

"Pakielam mo ba? Siguro naiinggit ka dito 'no?" Panunukso ko na lang sa kanya.

"Do you think so? Sa tingin mo bagay yan sayo?"

"Bagay man o hindi, wala akong pake. Kung hindi bagay sa akin, kanino pala mas bagay? Kay Foina? O baka naman sa 'yo? Don't tell me nai-insecure ka sa kwintas ko? Type mo? Pwede ko namang ipahiram sa 'yo."

Pilit kong pinipigil ang pagtawa ko. Nag-iiba na kasi ang expression ng mukha niya. Nag-uumpisa nang malukot. Pfft! Serves you right!

"What do you mean?" Sabi niya habang pinaniningkitan ako ng mata.

"Wala naman, ngayon alam ko na kung bakit hindi mo 'ko magustuhan." Ngumiti pa 'ko sa kanya.

"Hindi kita gusto kasi hindi kita gusto." Direktang sabi niya.

Saglit akong napatahimik. Wala talagang preno kung magsalita yung taong 'to.

"N-No, it's because you're gay." Sabi ko, kahit na medyo na-hurt ako sa sagot niya kanina. And his face? Lumaki pa mga mata niya at halatang gulat sa sinabi ko. Sinaktan mo ego ko, sasaktan ko din yung iyo.

"Speechless ka 'no?" Nakangisi pang sabi ko. "Tinaguriang model ng school pero isip-bata at bakla? Nakakahiya."

"Ulitin mo nga yung sinabi mo, Ms. Sandoval?" Masama na ang tingin niya sa 'kin. Medyo seryoso.

"Mrs. Andrada." Pagtatama ko pa. Dagdag inis din kasi yon sa kanya.

"You are not Mrs. Andrada and you will never be!" Galit na siya.

"Really? Parang iyon na ang nakalagay sa marriage certificate ko." Ipinamewang ko ang kaliwang kamay ko at inilagay ko na sa baba ko ang isa. Talagang iniinis ko siya.

"I said, ulitin mo yung sinabi mo kanina!"

"Saan ba don?" Umakto pa akong may inaalalang bagay. "Ah, yung isip-bata ka at bak-"

Nabigla ako sa paghigit niya sa akin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at saka ako hinalikan sa labi.

Wait.

He shut my mouth using his lips?

HOLYMOTHEROFSWEETMONKEYCAKES!!

Hindi magkandaugaga sa pagkabog ang dibdib ko. Dilat na dilat ang mukha ko at para na akong naestatwa dahil ni hindi ko maigalaw ang sarili kong katawan.

Limang segundo yatang nakadampi ang labi ko sa kanya. Parang may kung anong gumagalaw sa loob ng tiyan ko. Butterflies in my stomach?

Inalis na niya ang labi niya sa labi ko, at ako? Gulat na gulat pa rin ang hitsura.

Nakangisi niyang inihiwalay ang sarili niya sa akin. "Ngayon, ikaw naman ang speechless."

Pagkatapos n'on, isinara na niya ang pinto ng kwarto niya.

Nakatulala lang ako. Unti-unti kong naramdaman ang pag-akyat ng dugo ko sa mukha ko. Ang init. Sinubukan kong kurutin ang pisngi ko pero nakaramdam ako ng sakit.

So, totoo nga?

Palagi ko na lang siya sasabihang bakla para halikan niya 'ko nang paulit-ulit!!

Christopher's Point of View


Ang lakas talaga ng loob ng babaeng 'yon para sabihan akong bakla at isip-bata! Sino ba siya sa tingin niya?!

Ewan ko ba kung bakit naiinis ako sa kwintas na suot niya. Psh! 'Yon ang gustong bilhin ni Foina. Kung hindi lang sana pumasok sa eksena ang gagong Concepcion na 'yon.

Bumalik na 'ko sa higaan ko. Bigla na lang akong natawa nang maalala ko ang hitsura niyang gulat na gulat.

"Fuck." Naisalabi ko na lang.

Bakit ako natutuwang isipin ang bubwit na 'yon?! Demonyo. Hindi magandang isipin, tangina!

Cassiopeia Mikael's Point of View


Hanggang ngayon, kilig na kilig pa rin ako sa nangyari kaninang madaling araw. Hindi pa rin ako maka-getover sa first kiss namin ni Chris. Ni hindi na nga ako nakatulog ulit dahil don! Panay gulong lang ako sa kama ko tapos kapag napagod, tatayo at tititig sa malaking frame na nakadikit sa wall ng kwarto ko. As in malaking frame na halos sakop ang isang corner ng kwarto ko. Picture namin 'yon ni Christopher nung kasal namin.

Narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Hija, nakahanda na ang almusal sa ibaba, halika na at kumain."

"Sige po, bababa na 'ko." Sagot ko kay Nanay.

Alas sais y media na din pala, hindi ko namalayan.

Tumayo na 'ko at nag-ayos ng sarili. Ano ba ang dapat kong i-react kapag nagkita kami? Nahihiya ako.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Where stories live. Discover now