Kabanata 24

186K 4.6K 1K
                                    

Desiree's POV

Buong araw na hindi pumasok sa klase si Mikael kahapon. Nag-aalala ako sa kanya. Bakit naman kasi napakamanhid ng Christopher Andrada na 'yon?! >_< Hindi man lang ma-appreciate ang mga efforts ni Mikael! Nako, once in a lifetime lang siya makakakita ng isang Cassiopeia Mikael 'no! Napakatanga niyang bwisit siya!!

"Bakit nakatulala ka r'yan?" Sabi ng tangang katabi ko. Itago nalang natin siya sa pangalang Alexis -_-

"Pakialam mo ba? -_^"

"Ang sungit mo talaga, Babe." Lungkot-lungkutan pang wika niya.

"Stop calling me Babe, idiot =_= I'm not a pig!"

Ngumuso naman siya ngayon. "Palagi mo nalang akong sinusungitan."

"Palagi mo nalang akong kinukulit -_- Go to your home! Go to hell."

"Kapag ako nagsawa sa kasungitan mo-"

"Ano? Anong gagawin mo?"

"Wala! Be thankful type kita. Uuwi na nga 'ko sa bahay natin. Gutom na ang mga anak ko! Yung nanay kasi nila nakatulala pa rito."

"Sige lang, Dela Cruz! Mangarap ka =_="

Tumayo na siya sa kinauupuan niya. Nandito kasi kami ngayon sa quadrangle. Break time kasi namin at ang ugok na 'to, kung kailan mag-i-start na ang next class, saka pa naisipang umuwi.

"Hahaha, bye Babe. I love you mwa." Tapos patawa-tawa pa siyang tumakbo paalis. Walanghiya talaga, may nalalaman pang pa-flying kiss -_-

Nasaan na ba ang Mikael na 'yon? Tss. Maitext na nga, magsisimula na ang klase e.

Pei Sandoval
Bakla! Asan kana?
- Sent

Mabilis naman siyang nagresponse sa text ko.

Pei Sandoval
Room na.
- Received

Hindi man lang ako inantay? >_< Nako naman~!

Cassiopeia Mikael's POV

Klase namin ngayon sa Humanities. Malapit na nga palang Mag-december. Magpapasko na at siguradong marami na namang mga event bago matapos ang taon.

"Gaya nga ng sinabi ko, dahil magde-december na, magkakaroon tayo ng masquerade party." Pagpapaliwanag ni Ma'am Razon-Professor namin sa Humanities.

"Wooooh! Maganda 'yan. Marami na namang magiging chics." Sigaw ng kaklase kong lalake.

"So excited! *^0^* Hahanap ako ng gwapong partner do'n!" - Girl1

"Tanga! Paano mo malalamang gwapo eh nakamask nga. Bobo ampota." - Girl2

"Sorry ha? Sorry! Perfect ka? Perfect?" Sarcastic na sagot nung isa.

Ano na naman kayang pakulo 'to? -_-

Bumuntong hininga ako. Hindi nalang siguro ako aattend.

Hanggang sa dismissal, walang sawa pa ring pinag-uusapan ng mga estudyante ang tungkol sa masquerade party. Ewan ko ba pero wala ako sa mood na sumali sa gan'yan ngayon samantalang dati, excited ako magkaro'n ng gan'tong klaseng event kasi umaasa ako na makakasayaw ko si Christopher. Pero syempre, iba na ngayon. Mas malaki na ang chance na hindi 'yon mangyari dahil sa sitwasyon namin. Minsan nga naiisip ko na sana, hindi nalang pala kami ikinasal. Na sana, hindi niya nalang ako nakilala para hindi na 'ko nasasaktan.

"Bakla, may plano ka na bang gown na susuotin mo sa party? Gusto mo ako ang pumili para sa 'yo? *U*" - Desiree

"Hindi ako sasali, Bakla. Tinatamad ako eh." Joke lang 'yon, ayoko lang talagang makita si Chris do'n kasi, sigurado akong sila ang kauna-unahang aattend don kasi sila naman ang ginagamit ng school para manghatak ng mga estudyanteng tatangkilik sa mga pakulo nila.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Место, где живут истории. Откройте их для себя