veintiseis

808 33 4
                                    

1889 {VEINTISEIS}


Lara's POV

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.


Ano ba ang dapat gawin ng isang katulad ko?


Minaltrato ako ng walanghiyang si Lorenzo.


Ginahasa ako ng demonyong iyon.


Hindi ko sya mapapatawad.


At hindi ko rin mapapatawad ang sarili ko.


Naging mahina ako. Hindi dapat iyon nangyari sa akin kung naging malakas sana ako.


Kasalanan ko ang lahat ng ito.


Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa bagay na ito.


Lumipas ang ilan pang mga araw ay hindi na ako makatulog. Kapag pinatay na ni Mama ang ilaw sa kwarto ay hindi ko mapigilang makaramdam ng takot kapag may kumaluskos lamang o kahit ang mga yabag ng paa sa buong kabahayan.


Hindi ko mapigilang mapatayo kapag may kumalantog na kasangkapan.


Minsan ay nasa kusina ako nang biglang pumasok si Kuya Leandro at nabasag ko ang basong iniinuman ko ng tubig dahil sa gulat.


Nabigla rin si Kuya sa mga ikinikilos ko kaya't napagpasyahan niyang kausapin ako.


Doon nya sinabing mayroon siyang kakilalang makakatulong sa akin.


Si Dr. Arabella Martin, isang psychiatrist.


Sinamahan ako ni Kuya na pumunta sa clinic niya at doon nya sinabing ako raw ay may PTSD o Post-traumatic stress disorder.


I've lost a lot of pounds. The bags under my eyes are stressing my family and Sebastian.


All of them looked at me with sadness in their eyes.


I never went out of the room to eat with them. I'm ashamed. I'm so ashamed of my self.


Isa na akong basura. Isang maduming basura.


"Lara, anong ginagawa mo?" nakita ko si Lucas na nagmamadaling lumapit sa akin at kinuha ang bote ng alak na wala na sa kalahati ang laman.


Ito ang kauna-unahang beses na uminom ako ng alak. Masakit at gumuguhit pala sa lalamunan sa umpisa ngunit habang tumatagal ay sumasarap. Tila nawawala at nalilimutan ko ang mga problema sa bawat lagok ng nakaka-adik na lasa ng alak.


"Lucaaaas!" iniagaw kong muli ang bote sa kanya at nagsimula muling lumagok. "Hindi kita bibigyan nito."


"Ano ka ba? Akin na nga yan." kinuha niyang muli ang bote saka inilapag ito sa kitchen counter malayo sa akin. "Lara, hindi alak ang sagot sa nararamdaman mo."

1889 ✔ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon